Chapter 2o: Ano ba talaga?
Masaya at successful natapos ang program namin at pagkatapos ay niyaya kami ni Kuya Evan na pumunta sa bago nitong bukas na Bar. Kaso siyempre hindi kami nito pinainom ng alak, tanging juice lang ang inihain nito sa amin. Kahit yung mga kasama kong lalaki na sina, Louie, Cent at Ryan ay di rin nila pinagbigyan. Kay Kuya Evan okay lang raw, kaso bantay sarado sila ng ibang kuya kagaya nalang ng striktong si Kuya Empriel at tahimik na si Kuya Xerun.
"Ang tahimik mo ata?" tanong ni Cent sa akin.
"Wala, may iniisip lang ako," sabay tingin ko sa phone ko. Bakit di parin nag-te-text si Kuya?
"Oh? Mga bata! Mukhang nag-eenjoy na kayo ah? Lumalalim na ang gabi, ihahatid na namin kayo." Suwestyon pa ni Kuya Xerun. Sabay-sabay na sina Lera, Sharla, Milarca at Miraelyn sa pag-uwi ang naghatid sa kanila ay si Kuya Xerun. Samantala ay hinatid naman ni Ate Bear si Louie since malapit lang din naman ang bahay nila sa lugar ni Louie. Habang kaming dalawa ni Cent ay hinatid ni Kuya Azulan.
Sa loob ng kotse, ay tahimik lang na pinagmamasdan ni Cent ang mga dinadaanan namin, habang ako ay nakatitig sa mukha niya.
"Matunaw naman yung tao." Rinig kong kumento ni Kuya Azulan, napatingin tuloy sa akin si Cent, saka ngumisi at muling ibinaling ang tingin sa labas.
"Kuya naman e, ang mga mata mo ay dapat sa daan. Tsk focus on the road please, baka ma-aksidente pa tayo e," simangot kong sagot sa kanya.
"Okay Baby Girl!" nakalimutan kong lahat pala sila ay Baby Girl din ang tawag sa akin.halos isang oras ang biyahe at nakatulog na rin ako, napagod ako sa maraming activities na nangyari ngayon araw. Sa pagmulat ko nang aking mga mata ay nasa loob na ako ng kwarto ko. At ang unang taong nakita ko sa muling pagmulat ng mga mata ko ay si Kuya Aaron na nakatitig sa akin at naka-cross arm sa harapan ko.
"Oh? Kuya?" kinusot-kusot ko pa ang dalawang mata ko, at inunat ang aking pagod pang katawan. Napatingin ako sa alarm clock ko sa side table ko at napansin ko na alas kuwarto palang ng madaling araw.
"Ang aga pa pala, anong ginagawa mo dito?"
"I'm checking you...I'm checking you if your still the baby girl I use to know. But I think, marami na akong di alam sa iyo. Gaya nalang ng relasyon niyo ni Cent?" he always that frank. Ni wala siyang preno sa pagsasalita, ni hindi niya alam kung anong mararamdaman ko sa sasabihin niya, pero ang masama dito ay, lagi siyang tama. At ako ang laging lumalabas na mali.
Di kaagad ako nakasagot sa sinabing iyon ni Kuya. Parang nakain ko yung mga salita na gusto kong sabihin sa kanya nang oras na iyon. Nabulunan? Di ko alam, nautal? Marahil, pero natakot. Oo natakot ako! Natakot ako sa maaari kong sabihin sa kanya.
"Bumalik ka na sa pagtulog mo, at sana sa pagbalik mo sa pagtulog mo. Alam mo na ang sasabihin mo sa akin, at dapat na sasabihin mo sa akin." Huling bilin pa nito saka siya lumabas at sinarado ang pintuan ng kwarto ko't iniwan akong lutang ang pag-iisip.
"Dawn Joy Erson!" nagising ako sa lakas ng pagtawag sa akin ng aking guro ng minutong iyon. Ang mata lahat ng aking mga klase ay nasa akin na nakatuon ng minutong iyon imbis na sa guro namin. Galit nag alit ang mukha niya habang palapit ito sa akin.
""You seem not interested in my class, you must leave my class right now, or else I'll call your bro..." I cut him off.
"No!" I yelled. Nagulat sila sa pag-sigaw ko ng minutong iyon, lalong lalo na si Cent. Kitang kita ko ang pagtataka sa mga mata niya. Waring nagtatanong ito ano bang nangyayari sa akin. Kung pwede ko lang siyang sagutin na masyado na akong naguguluhan sa mga nangyayari.
"I'm sorry sir," tumayo ako at saka ako lumabas ng kwartong iyon. At nagtatakbo ako papunta sa may garden ng school at umupo ako sa isang bench doon. Kahit pa paano ay nakahingi ako ng malalim, naka-langhap ng sariwang hangin. Pero ang sakit parin ng puso ko. Ang dami kasing tanong na di ko kayang bigyan ng sagot.
I decided to post my feeling right now in my favorite site.
#ENTRY 44
Matagal ko nang tinatanong ito sa sarili ko.
Pero ito na yung oras para kumpirmahin ito, pero hindi ko alam kung ito na nga ba talaga. Hindi ko kasi alam e, baka kasi ako lang itong nag-aasume, tapos siya parang wala lang pala. Tapos siya? Laro lang pala? Tapos siya e ginagago ka lang pala. Pinaglalaruan ka lang pala, pero paano din kung hindi? Paano kung umaway ako, tapos pareho pala kami nang nararamdaman?
Yung halik na ginawa niya sa charity event namin kahapon? Para saan yun? Para ano yun? Para kanino yun? Ang sakit-sakit na kasi ng ulo ko e, pati rin itong puso ko, di ko na rin maintindihan. Tapos dumadagdag pa sa iniisip ko si Kuya. Talaga ba dapat na lahat ng mga ginagawa ko? Lahat ng mga desisyon ko ay kailangan kong sabihin sa kanya? Lahat ng mga bagay na dapat gagawin ko ay kailangan ko ng kumpirmasiyon niya?
Kung gusto niya akong tanungin kung mayroon ba kaming relasyon ni Cent? Kaagad ko siyang sasagutin ng 'WALA'! kasi wala naman talaga. Kasi hindi ko alam. Kasi wala akong ideya. Kasi... kasi... natatakot ako.
Natatakot ako nab aka gaya ng mga past relationships ko ay matulad siya doon, at iwanan lang din ako. Tang-ina! Ayaw ko na nang maiwanan. Ang sakit-sakit! Kung nakayanan ko pa kay Ryan ay yun dahil nasa tabi ko pa ang Kuya ko, pero ngayon na nagkakaroon kami ng problema dahil lang sa isang lalaki?
Sino ba ang dapat kong sundin? Si Kuya ba na alam kung ano ang tama para sa akin, o yung tibok ng puso ko na nagsasabi na wala namang mali magmahal muli, lalo na kung alam mo naman na tama ito. Ngunit tama nga ba talaga ito?
@MrSmileWp tatanungin kita, since lalaki ka. At sana nga talaga lalaki ka kundi. Hays... tama ba ang mga pinag-gagawa ko? O kailangan ko nang ihinto itong kahibangan kong ito?
Ps.
Kailangan kita ngayon.
Kailangan ko ang kumento mo.
Kailangan ko ng isang kaibigan na makakaintindi sa akin.
Posted!
Sa pag-angat ko ng aking ulo ay nagulat ako nang bahagya at napa-atras nang masilayan ko ang mukha ni Cent sa aking harapan.
"Ano..." di ko na naituloy ang pagsasalita ko kasi bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit. Tinulak ko siya nang medyo malakas at saka sinampal. Nagulat siya sa inasal ko ng minutong iyon. Ramdam na ramdam ko parin ang panginginig ng kamay ko nang minutong pagdikit ng kanang kamay ko sa kamay niya. Nakatitig lamang siya sa akin, wari'y nagtataka sa inasal ko.
"Sino ka ba para yakap-yakapin ako ah? Cent umayos ka nga! Di na tayo nagpapanggap, tapos na ang kasunduan diba? Tinapos mo na nga e, pero ano na naman itong pakulo mo?" singhal ko pa sa kanya, nanginginig ang boses ko at nang-gigigil ako na di ko maintindihan. Nakuha naming ang atensyon ng mga taong nasa paligid ng minutong iyon, gayon din ang mga naglalakad sa garden at ang mga nagpapahinga. Muling hinila ni Cent ang kamay ko't hinigit ako nito sa kanyang bisig ngunit naglaban ako at pinilit kong umiwas at kumalas sa kanya.
"Tama na Cent! Tigilan mo na nga ako! Nahihirapan na ako e, napapagod na ako. Ano ba kasi talaga? Ano ba talaga tayo? Kasi kung sasabihin mong magkaibigan tayo. Di ginagawa ng mga mag-kaibigan ang maghalikan sa labi, magyakapan na parang mag-asawa, maghawakan ng kamay at makipagtitigan na para bang wala nang bukas. Cent, gusto ko lang malaman..." Napatigil ako sa sasalita ko nang may isangg pamilyar na mukha akong Makita sa likuran ni Cent. Anong ginagawa niya rito? Anong ginagawa ni Jayson dito?
BINABASA MO ANG
Mister Smile
NouvellesIsang Frustrated Girl-Writer, isang makulit na Kapatid na lalaki, isang mayabang at maangas na kapit-bahay, at isang Weird na commentator sa wattpad. Magkakaroon ba ng happy ending ang isang bidang kontrabidang si Queen Dawn? kung lahat ng mga lalak...