CHAPTER 23: SINO KA BA TALAGA?

142 4 0
                                    

Chapter 23: Sino ka ba talaga?

Kung ano-ano nang kumukulit sa isipan ko sa mukha o itsura nitong si MrSmileWp. Sino ba talaga siya? Isa ba siya sa mga kaibigan ko? Kakilala ko ba siya? Palagay ko ay kilala niya ako, kasi pakiramdam ko ay parang nakikita niya ang ginagalaw ko.

"What? Gusto mo siyang hanapin?" napatingin ang lahat sa amin noong biglang sumigaw si Lera sa tabi ko, hinila ko ang buhok niya.

"Leche ka talaga! Ang ingay mo kahit kailan, di ka ba pwedeng magulat na walang malakas na boses na lumalabas diyan sa bibig mo?"

"Paano aber?" iminuwestra ko sa harapan niya kung paano yung bagay na sinasabi ko.

"Ganito! Dahan-dahan kong ibuka ang bibig mo," saka naman niya ginaya. Binuka nga niya ang bibig niya at pinipigilan ko lang matawa.

"Ay mali pala. Dapat ngumuso ka muna ng matagal." Napakamot siya ng ulo niya pero ginaya parin niya.

"Ganito?" sabay nguso na parang isang piranha.

"Ganyan nga! Tapos unti-unti mong ibuka ang bibig mo. Kailangan pumikit ka muna!"

"Uy nandiyan pala kayo!" rinig kong sabi ni Louie. Hinila ko si Louie at pinuwesto sa harapan ni Lera.

"Anong gagawi ko?"

"Basta diyan ka lang!" sa loob-loob ko gusto ko nang tumawa ng malakas.

"Saka mo ibuka ang mga mata mo!" binuka na nga niya ang mga mata niya.

"Whaaaaaaaaaaaaaaaat????" doon na ako bumigay at tumawa ngmalakas.

"Ang lakas talaga ng tamo mo Dawn, o ano nga pala ang gagawin ko at pinatawag mo ako dito?" nagulat si Lera na pati si Louie ay isa sasali ko sa kalokohan kong ito.

"May itatanong lang ako sa iyo."

"Ano yun?"

"Since pakiramdam ko e close na kayong dalawa ni Cent, may mga kakaibang bagay ba siyang ginagawa?" kumunot ang noo ni Louie.

"Kakaibang bagay? Gaya ng ano?" napatingin ako kay Lera pero inirapan niya lang ako. Marahil ay inis parin siya sa akin sa ginawa kong pangbabadtrip sa kanya.

"Gaya nito!" sabay pinakita ko sa kanya ang phone ko na may nakalagay na app ng Wattpad.

"Wattpad?" gulat na tugon nito sa akin. Tumango ako bilang sagot ko rin sa kanya.

"Ano sa tingin mo ba may wattpad si Cent o nagwawattpad siya?"

"Oo may wattpad siya. Fina-low ko pa nga siya e." sagot ni Loui kaagad na lumundag ang puso ko sa narinig ko sa kanya.

"Whaaaaaaaaattttt?" malakas na sigaw ko. Muli nagsitingan ang mga tao sa amin.

"Bakit? Library ba ito? Bawal sumigaw? Mga buwisit to!: sabay baling ko muli kay Louie.

"Anong Wattpad Account niya?" sana tama yung hinala ko. Sana tama!

"Ito oh?" kinuha niya ang phone niya at pinakita niya sa akin ang wattpad account ng mokong na iyon. Kaso nadismaya lang ako. Kasi hindi siya yung inaasahan kong si MrSmileWp.

"Baka other account niya lang yan," sagot naman ni Lera. Doon na ako tumayo at nag-sabi sa sarili ko na kailangan kong kausapin si Cent. Naglakad ako palabas ng cafeteria at hinanap ko sa bawat sulok ng paaralang ito ang mokong na iyon. Nakita ko siya na kausap si Jayson. Lumapit ako sa kanila at nagtaka ang mukha nila noong Makita nila ako.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon