CHAPTER 22: TORN BETWEEN TWO POGI

146 8 0
                                    

Chapter 22: Torn between two pogi

"Waaaaaaaaaaaaaaah hindi ko na alam ang gagawin ko!" ginulo-gulo ko pa ang buhok ko sa harapan mismo ni Lera. Nasa loob kami ng kwarto at niyaya ko siyang dito na namin gawin yung assignment namin together. Pero ang totoo ay kailangan ko lang talaga ng may makakausap. Kasi pakiramdam ko ay masisiraan na ako ng ulo sa mga nangyayari.

"Ikaw na maganda!" taas kilay pang kumento ni Lera sa akin habang busy ito sa pagkain ng boy bawang. Binato ko siya ng unan sa tabi ko. Binigyan niya ako ng masamang titig. At ibinaling nalang nito ang sarili niya sa notes na hawak niya.

"Tsk. Di kita inimbitahan dito sa bahay para lang kumain ng boy-bawang!" giit ko pa sa kanya.

"Gusto ko rin marinig ang point of view mo," dagdag ko pa.

"Alin ba sa point of view ko ang gusto mong marinig. Una sa lahat, di ako kasing ganda mo, pangalawa, wala namang nagkakagusto sa akin, at pangatlo hindi ako habulin ng mga lalaki katulad mo. Ano ba sa mga point of view ko ang gusto mong marinig?" ang bitter naman ng babaeng ito.

"Alam mo? Maganda ka naman e, hindi nga lang kasing ganda ko, pero maganda ka. You need to trust yourself and believe it. Cuz no one believes if you don't." ang haba ng sinabi ko. Haha gusto ko lang naman ipoint na di siya maganda haha.

"Ang dami mong sinabe, e parang ang gusto mo lang naman ipoint e di ako maganda. Tsk! Pero salamat ah? Kung ako sa iyo, kailangan mo nang mamili. Kasi kung di edi araw-araw kang mahihirapan."

"Kailangan ko ba talagang gawin yun?" hay siguro, hindi ko alam.

"Ewan ko sa iyo. Ang gulo mo naman kasi e, at bakit ba kasi bumalik pa yung dati mong crush? Tanong ko sa iyo, sino ba kanilang dalawa ang mas lamang sa iyo? Si past o present?" tama ba na itanong niya sa akin kung sino ang mas lamang? Si past raw ba o si present? Ewan ko. Hindi ko nga alam e. kung alam ko edi sana may sagot na ako.

"Waaaaaaaaaaaaah di ko na talaga kaya!" ginulo ko ulit ang buhok ko. Kinuha ni Lera ang phone ko at inabot niya ito sa akin.

"Tawagan mo yung taong gusto mo." Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Ano naman ang sasabihin ko at sino ang tatawagan ko sa kanilang dalawa?"

"Ewan ko sa iyo. Ang gulo mo!" tumayo siya at lumabas na ng kwarto ko. Nakatitig ako sa phone ko na inabot sa akin ni Lera. Ano ba? Sino ba kasi sa dalawa? Waaaaaaaah ang sakit na talaga nila sa ulo.

#Entry 45

Sinunod ko yung sinabi ng kaibigan ko. Kung sino raw ang tatawagan ko ibig sabihin yun ang taong gusto ko. Kaya sabay ko silang tinawagan. Nagconfi-call kaming tatlo. Kaso kaagad na ibinaba ni Cent yung tawag ko sa kanya ng marinig niyang may iba akong kausap at si Jayson ito. Siyempre nagtaka rin si jayson. Nakakainis bakit ba kasi kailangan nilang maging magkaibigan at magkakilala? At bakit ba kasi ang liit-liit ng mundo?

Parehong tumitibok ang puso ko sa kanilang dal'wa. Alam kong nakapa-unfair nun para sa iba, at masyado akong garapal pero hindi ko kayang ilet-go ang isa sa kanila. Kasi hindi ko alam. Natatakot ako? Hindi ko alam. Kasi wala akong ideya. Natatakot akong mag bigay ulit ng pag-ibig sa isa sa kanila kasi hindi ko naman alam kung nag-eexist ba ang forever o bagay ba ang salitang iyon sa magiging relasyon namin.

@MrSmileWp mukhang busy ka ata? O nagiging snob ka na naman? Bakit di ka na nag-rereply sa mga pm ko sa iyo?

Nagtatampo,

MahalnaReynaD

Posted!

Maya-maya pa ay may natanggap akong notification. Kaagad kong tinignan at binasa ang nilalaman nito. Waaaaaaah salamat at nagreply na si MrSmileWp. Kaso nabother naman ako sa sobrang haba ng reply niya.

@Awakeningsunrise Una sa lahat hindi mo kailangang mamili sa kanila. Kasi napaka-bata mo pa. ito ay base sa facebook account mo. Oo tinignan ko ang facebook account mo at base sa nakikita ko doon ay napaka-bata mo pa. hindi mo pa dapat sineseryo at iniisip ang salitang forever kasi sa mga libro at telebesiyon lang iyon nag-eexist. At isa pa, mag-aral ka muna ng maigi hindi puro kalandian ang iniisip. Sorry ah? Para kasi ang dating sa akin ay napakalandi mo. Gusto mo na mag-comment ako sa post mo ito ang comment ko! Tama ang sinabi mo napaka-garapal mo, ang ganda-ganda mo siguro sa personal. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na gustuhin Makita ka sa personal. Gusto kong kalbuhin ang buhok mo. Alam mo kung bakit? Kasi naiinis na ako sa mga pinagpopost mo lately. Noong una naiintindihan ko pa pero ngayon? Fuck! Bakit ba ganito na mag-isip ang mga kabataan ngayon? Ilang taon ka pa nga lang? 14? You are just fourteen years old. At ano bang dapat ginagawa ng isang fourteen years old? Hindi ba mag-aral? I know na nag-aaral ka ng mabuti, but can you just focus first your study?

Kung gusto mo ng payo. Ito ang masasabi ko sa iyo, mag-aral ka ng mabuti dahil hindi ka mauubusan ng lalaki. At wag kang magmadali sa pag-ibig kasi tingnan mo ang nangyayari sayo, iniiwan ka ng mga lalaki kasi karamihan sa kanila ay naglalaro palang. Kasi nga bata pa sila at gusto mo bang paglaruan ka lang din ng dalawang lalaking yan?

Ilang beses ka na bang magpaka-tanga? Tatlo? Gusto mo pa bang maging apat o lima yan? Hindi ka na natuto. Ano bang hinahanap mo pag-ibig? Ang tagal mo nang hinahanap yan bakit di mo parin Makita? Sila ba itong bulag o ikaw? Kasi di mo Makita yung matagal mo nang hinahanap na pag-ibig? Mayroon kang pamilya, mga kaibigan. Kulang pa ba 'yun?

Sa katulad mong bata sila muna ang pag-tuonan mo ng pagmamahal mo, hindi diyan sa mga lalaking hindi ka namang pahahalagahan. Hindi ko personal na kilala yang mga taong mamahalin mo kaya sorry sa mga sinasabi ko I'm just stating the fact in general.

By the way sobrang haba na ata ng sinabi ko.

Ps:

Alam kong magugulat ka sa mga pinagsasabi ko pero this time di ko na hahayaan na magkakaganyan ka! Wag mo na akong itagged o infollow mo nalang ako kung gusto mo. Pero lagi lang akong nasa tabi mo. Tandaan mo yan.

Concern lang sa iyo,

MrSmileWp

Keep on smiling MyQueen.

Sa totoo lang first time kong di mabuwisit sa post niya. Sa totoo lang din, parang may kumurot sa puso ko sa mga pinagsasabi niya. Para siyang si Kuya Aaron magsalita. Tsk! Kaso ang weird niya lang pinuntahan pa talaga niya ang facebook account ko ah? Para lang Makita ang mukha ko. Tsk sino ka ba talaga MrSmile? Kinikilabutan na ako sa iyo, pero at the same time may part sa puso ko na gusto kitang makilala.

Sa ginawa mong ito, parang nakikita ko na ang ugali mo. Pakiramdam ko e napaka-bait mong tao. Pakiramdam ko ay isa kang mabait na mamamayan ng pilipinas. Biro lang. tsk! Sana magkita na tayo soon.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon