Chapter 17: Si Ryan
KWARTO KO?!
"Goodmorning baby," nakakalokong ngiti ang ibinungad sa akin ni Kuya nang umagang iyon.
"Good morning," saka ako tumayo at pumunta sa may salamin para ayusin ang sarili ko at maghanda na sa umagahan namin.
"Kumusta ang sleepover kanila LERA?" e-nemphasized pa niya yung Lera nang minutong iyon, marahil ay sinundo niya ako at binuhat saka dinala sa bahay at sa kwarto ko nang natutulog parin ako? Langya! Bakit hindi ko man lang naramdaman yun?
"Fine! I'm sorry nagsinungaling ako,"
"Nag-sinungaling ka na naman! Hindi ka nagsinungaling lang! magkaiba yun okay?" pagtatama pa niya sa kamaliang nasabi ko.
"Fine, I'm sorry."
"Bakit kasi hindi ka nalang nagsabi ng totoo? Bakit kailangan mo pang ilihim sa akin yun? I trust you Dawn, I trust your friends, but this time..."
"Hey I said I'm sorry, isn't enough? I'm tired Kuya."
"Listen to me, what if... may nangyari sa iyong masama? Dahil sa kagustuhan mong pumunta sa isang lugar e kailangan mong magsinungaling, kaso may nangyari, naholdap kayo, tapos nanlaban ka, tapos nasaksak ka! See? Maraming pwedeng mangyari." Iniisip ko minsan, nagbabasa rin kaya si Kuya ng Wattpad? Para kasing yung mga sinasabi niya e, pang-wattpad ang datingan.
"Opo, sige na po. Hinding hindi na po talaga mauulit,"
"Dawn alam kong, alam mo na hindi yan ang gusto kong marinig sa iyo." Muli pa niyang giit sa akin. Napabuntong hininga nalang ako saka tumingin sa mga mata niya.
"Ano bang gusto mong sabihin ko?" hindi ko siya maintindihan e, o sadyang ayaw ko lang talagang intindihin ang mga sinasabi niya o baka naman hindi pa talaga na ang utak ko na intindi na intindihin siya?
"Na hindi ka na muling magsisinungaling. Na hindi ka na maglilihim sa akin, pakiramdam ko kasi e, binabalewala mo yung mga sinasabi ko e, Dawn tandaan mo. Hindi ko sinasabi ang mga bagay na ito, dahil sa gusto ko lang. Para din ito sa iyo, sa ating dalawa, if we don't set rules maaaring masira ang buhay natin. Rules are there para ipaalala sa atin ang mga limitations na dapat nating gawin. Alright?" tumango ako. Sa tingin ko magiging magaling na Daddy itong si Kuya sa mga magiging anak niya when it comes of handling a child. Sa akin pala e, sanay na sanay na siya.
Sabay na kaming nag-umagahan nang araw na iyon. Sabado kaya walang pasok, kaso siya mayroong pasok. So ako na naman ang maiiwan sa loob ng bahay nang mag-isa. Pagkatapos naming kumain ay ako itong inatasan niyang maghugas ng pinggan at ilan pang ginamit naming sa pag-kain. Bago pa man siya umalis ay nakipagtitigan muna ito sa akin, na para bang nagsasabi ang mga mata niya na kung may sasabihin ka sabihin mo na ngayon. O kung may pupuntahan ka, magpaalam ka na ngayon.
"Fine! Pupuntahan ko lang si Cent. Ku-kumustahin ko lang siya," biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko maintindihan. Binanggit ko lang naman yung pangalan ng mokong na iyon.
"Sige. Pero kailangan mo ring umuwi ng mga alas-singko dahil mag-di-dinner tayo sa labas." Wow? Labas? Himala.
"Okay, bye." Then he kisses me on my right cheek, then he already leave. Pagkalabas na pagka-alis ni Kuya ay muli akong bumalik sa loob at naligo na, nag-ayos nang sarili at gumayak na. Papunta sa bahay nila Cent, ngunit pagkadating ko doon ay wala raw ang mokong.
"Saan po siya pumunta?" tanong ko sa Mommy niya.
"Maaga siyang umalis kasama ng kaibigan niya raw," kaibigan? Akala ko ba wala siyang kaibigan? Ni ako nga e hindi niya tinuturing kaibigan. Hays.
BINABASA MO ANG
Mister Smile
Short StoryIsang Frustrated Girl-Writer, isang makulit na Kapatid na lalaki, isang mayabang at maangas na kapit-bahay, at isang Weird na commentator sa wattpad. Magkakaroon ba ng happy ending ang isang bidang kontrabidang si Queen Dawn? kung lahat ng mga lalak...