Chapter 25: Sorry
"Oh bakit di ka man lang pinansin ni Cent?" maski sila ay napapansin na ang pag-iwas sa akin ni Cent.
"Oh maski yung bestfriend mo, di ka rin pinansin. May problem ba kayong dalawa?" I left him behind yesterday night. And I know that he upset of what I've said. I know I hurt him, I'm not yet ready to love him again. Yes I love him, but I'm not sure if it's true love. Or I just miss the old days that we had.
"I don't know." Sagot ko kay Lera.
May meeting kami sa student council ngayon at late ako na nakarating.
"Sorry I'm late," paghingi ko ng tawad sa kanilang lahat nakatingin silang lahat sa akin.
"You always be," sagot naman ni Mirae sa akin.
"I'm not in a mood today so please, wag mo akong simulan." Wika kong pabalik sa kanya.
"I don't care, and I always don't care." Sagot niyang muli sa akin. Nakakainit na talaga siya ng dugo ah?
"Hey di tayo nagmeeting para mag-away away," sagot naman ni Louie na sinang-ayunan naman nila Sharla, at Milarca. Umupo na ako sa pwesto ko at nakinig sa mga reports nila, pero wala ako sa wisyo na makinig.
"Kumusta yun Dawn?"
"Ah?" napatingin ako sa kanilang lahat. Ang mga tingin nila sa akin ay di ko mabasa, alam kong alam din nila na wala ako sa mood na makinig sa kanila.
"Mukhang tama na ito, sa susunod nalang tayo ulit mag-meeting malayo pa naman ang school festival e," saka tumayo na si Louie. Kinuha nito ang mga gamit niya at he was about to leave the room, nang bigla siyang huminto at tumingin sa akin.
"Sana that time e okay ka na at handa ka ng makinig sa amin Dawn." Saka tuluyan na siyang lumisan. Sumunod naman kaagad sa kanya si Mirae, lumapit naman kaagad sa akin si Milarca at pinaramdam sa akin nito na naiintindihan niya ako. Hinimas-himas niya ang likuran ko, saka na rin siya tuluyang umalis kasama ni Sharla. Ngayon mag-isa na naman ako sa kwartong ito. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Bakit kailangang mangyari ito? Malapit na ang school festival at wala pa kaming naipapasa na plano ilang lingo nalang hays. Ang sakit na ng ulo ko.
Pumunta ako sa cafeteria nakaramdam kasi ako ng gutom, bumili ako ng isang slice ng pizza at isang coke in can at saka ako umupo sa lagi naming pwesto. Wala akong ibang kasama. Wala si Lera, di ko siya makontak, ang sabi kasi niya kanina bago kami maghiwalay ay may gagawin siyang importanteng bagay. May mas importante pa pala kesa sa akin? Napatingin nalang ako sa pagkain na binili ko. Parang bigla tuloy akong nawalan ng gana. Napatingin ako sa mga taong naglalakad na nakangiti, gayun din sa mga kumakain na ang ingay-ingay at mukhang ang sasaya nila. Napaisip ako. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Yung para bang nag-iisa ka? Yung para bang wala kang kasama? Yung para bang stranger ka sa kanila? Ang hirap bago ko narating ang pwesto kong ito, ang dami kong kapal ng mukha na ginawa at ngayon bakit parang muli na naman akong naging stranger sa kanila?
Hanggang sa isang tinig ang aking narinig sa aking likuran.
"Bakit ka mag-isa ngayon?" tanong niya sa akin. Hindi ako lumingon para harapin siya, sa totoo lang nahihiya ako. Nahihiya ako na di ko siya sinipot sa usapan namin. Imbis si Jayson ang pinuntahan ko, pero may kakaiba akong naramdaman noong muling nagtapat siya sa akin, nakaramdam ako ng takot na baka kasi e muli niya akong iwan.
"Sanay naman akong mag-isa," walang ganang sagot ko sa kanya.
"Pwes ngayon masanay ka ng di ka mag-iisa," sagot niya sa akin, nilingon ko siya sa likuran ko ngunit di ko na siya nakita.

BINABASA MO ANG
Mister Smile
ContoIsang Frustrated Girl-Writer, isang makulit na Kapatid na lalaki, isang mayabang at maangas na kapit-bahay, at isang Weird na commentator sa wattpad. Magkakaroon ba ng happy ending ang isang bidang kontrabidang si Queen Dawn? kung lahat ng mga lalak...