CHAPTER 27: BIRTHDAY PARTY

176 6 0
                                    

Chapter 27: Birthday Party

NAGPASAMA ako kay kuya Aaron sa mall, para tulungan akong mamili nang pwedeng iregalo sa isang lalaki. Tinanong niya ako kung kay Cent ko raw ba ibibigay. Kaagad akong umiling, nakakahiya bakit ko naman bibigyan yung mokong iyon e wala nga siyang ibinibigay sa akin kundi sakit lang nang ulo. Choss. Sabi ko kay kuya, isang importanteng tao, isang tao na naging parte na nang buhay ko. Ginulo-gulo niya ang buhok ko na siyang kinainis nang minutong iyon. Ang sabi ni kuya, di naman raw importante yung bagay na ibibigay mo sa isang tao. Kahit ano pa 'yan, kahit simpleng kendi lang iyan kung alam mo sa sarili mo na taos puso mo itong ibibigay, maaapreciate at maaapreciate yan nang taong pagbibigyan mo.

Pumunta kami sa isang tailoring shop. Nagpa-embroider ako ng name ni Jayson at siyempre pangalan ko. Mga tatlo ang pinagawa ko, at na may nakalagay na "Best friend forever and ever." At namili na rin ako ng mga gagamitin para sa scrapbook na gagawin ko for him. And it's like a memory of two of us. Inabot ako nang ala-sais ng hapon sa pag-gawa ko ng scrapbook. Tsk kokotongan ko siya kung di pa niya magugustuhan ang mga ginawa kong ito. Gaya nga nang sabi ni kuya, yung mga simpleng bagay pa ang mas naaapreciate ng tao kaysa sa malaking bagay. Tinawagan na ako ni Lera at ni Louie, kung nasaan na raw ako, sinabi ko na otw na ako kahit na paligo palang ako. Papunta na sana ako sa banyo nang marinig kong tumutunog ang phone ko. And it was Cent who is calling me. Sinagot ko. At napatingin ako sa may bintana ng kwarto niya. Nandoon siya nakatayo, walang damit pang-itaas.

"Bakit wala ka na namang damit pang-itaas ah?" yun kaagad ang binungad ko sa kannya.

"Sorry na, mahal na reyna. Pupunta ka ba sa birthday ni Jayson?" tanong niya sa akin. Oo nga pala, di ko nasabi sa kanya na pupunta ako, napatingin ako sa may sidetable malapit sa higaan ko. Nandoon parin ang invitation ni Jayson sa akin. Saka ko ibinalik ang itingin ko kay Cent.

"Yes. Pupunta ako, at sasamahan mo ako."

"Sure, magpaganda ka ah!" kumunot ang noo ko sa sinabi niya, nakakakilabot. Bakit gano'n ang boses niya? Bakit parang ang sexy at soothing ng hustky tone of voice niya. Napalunok ako nang laway ng di's oras.

"Siyempre, mahal na hari. Magpa-gwapo ka rin ah? Kailangan lumutang ang kagwapuhan mo mamaya." Saka ko na ibina ba ang tawag ko at nagmadali na akong bumaba upang maligo na.

1 hour later. Natapos na rin akong maligo at magbihis at mag-ayos. Shocks! Pinaka-mabilis ko na ang isang oras, nabeat ko na naman ang sarili ko, dati rati mga dalawang oras o more than that, gano'n kasi yung allotment ko sa pagpasok ko sa eskwelahan. Preparation palang ang tagal na. tinawagan ko si Cent, at tumingin ako sa kwarto niya, ngunit wala siya doon. Sinagot niya ang tawag.

"Nasaan ka na?" may kaunting irritable sa tono ng boses ko.

"Nasa baba, inaantay ka." Sagot niya. Fuck! Nasa baba na pala siya hays. Binitbit ko na ang regalo ko for Jayson at saka bumaba na, nakasalubong ko si Kuya na papunta sa kusina.

"Kuya alis na ho ako."

"You know your limitations Dawn right?" tumango-tango lang ako saka sabay sabing..

"No cigarette, no Hard drinks, no kiss, no sex." Tumango din siya at ngumiti.

"Right, you may go. Kanina pa nag-aantay nung Mahal na hari mo. Mukhang pinapapak na nang lamok sa labas." kumunot ang noo ko sa narinig ko sa sinabi ni Kuya. What? Alam niyang mahal na hari ang tawag ko kay Cent?

"Bye, kuya."

"Take care my dear sister."

Pagkalabas ko, tama nga si Kuya pinapapak na nang lamok si Cent. Nakita at nahuli ko siyang naghahampas nang mukha niya dahil sa may dumapong pesteng lamok sa mukha ni mokong.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon