CHAPTER 14: DON'T BRING BACK THE PAST

175 9 5
                                    

Chapter 14: Don't bring back the past

            "Aba, malinis ah? Nagawa mong lahat yun?" di makapaniwalang tanong ni Kuya sa akin, di ako sumagot sa kanya. Hindi na siya nagluto ng dinner kasi may dala na siyang bucket of chicken from KFC, dumaan na raw siya doon kasi pagod na siya nang buong araw.

            "Did you miss me?" tanong ni Kuya sa akin habang nakangiti ito, kumunot ang noo ko noong humarap ako sa kanya.

            "What?" medyo tumaas na tono ng boses ko sa pagtanong sa kanya. Ano bang problema niya? Bakit ganun yung mga tanong niya sa akin?

            "I said did you miss me? Ang dali lang naman ng tanong ko di mo pa masagot," then saka siya kumuha ng isang manok at inilagay ito sa kanyang plato, then he started to eat it.

            "No!" I said saka kumuha na rin ako ng manok at sinimulan itong kainin. Nanatili kaming dalawa na tahimik nang halos tatlong puntong minuto kaso siya itong pumutol sa katahimikang iyon nang bigla siyang magtanong ng isang bagay na dahilan para kabilaukan ko.

            "Kumusta na kayo ni Cent?" hindi ako makapaniwala na itatanong niya sa akin ang bagay na iyon.

            "Are you okay?" may pag-aalala sa tono ng kanyang boses saka niya ko inabutan ng isang baso ng ice tea.  Ininom ko ito at saka binigyan siya ng masamang titig, ngumiti lang siya bilang ganti sa akin.

            "Yes I'm okay," saka ako tumayo at pumunta na sa kwarto ko, nawalan na ko nang ganang kumain. Pagkarating ko sa kwarto ko ay kaagad kong binuksan ang laptop ko't pumunta sa browser ng wattpad at binuksan ito. May notification ako, alam kong galing na naman ito sa nag-iisang follower ko na may oras para lang buwisitin ako. Si MrSmile. I click it then tama nga ang hinala ko galing na naman sa kanya ang mensaheng ito.

            Bakit wala kang post ngayon? Nakakamiss ang mga rants mo.

 

            MrSmileWp

 

            Nagreply ako sa kanya.

            Paki mo? Nasa akin kung kailan ko gustong mag-post, at wala kang magagawa kundi ang mag-antay. At wala ka ring pakielam sa mga pinopost ko, so you better to shut your mouth okay?

 

            Maya-maya ay nagreply siya which is hindi ko inaasahn.

 

            Okay.

 

            Wala na bang mas hahaba pa sa sagot niya? Leche! Bakit ba ko umaasa na hahaba pa yung reply niya sa akin? Who cares? Me? Duh! Matutulog nalang ako.

            Kinabukasan Sunday wala paring pasok. Niyaya ako ni Kuya na mag-simba, kahit na tinatamad ako e wala kong choice kundi ang sumama kasi lagi naman naming itong ginagawa. Pero kasi parang sobrang napagod ang katawan ko sa mga ginawa namin kahapon.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon