CHAPTER 3: SHIT DAY

358 13 9
                                        

Chapter 3: Shit Day

#ENTRY 37

Kahapon, muli akong bumalik sa school. Nakita ko ulit ang kaibigan kong si Lera, tapos siyempre kahit hindi ko naman gustuhin, e makikita at makikita ko parin ang Ex kong hayup na baklang si Ryan. Dahil sa kaklase ko lang siya. Tapos ayun may inaway akong isang babaeng matalas ang dila nasubukan na naman ang pagiging maldita ko, tapos... tapos... may isang pakielamerong lalaki o tama bang sabihing lalaki siya? Yun kasi ang nakikita ko sa wattpad account niya. Sabi niya lalaki siya pero pakiramdam ko bading din siya. @MrSmileWp. Pakyu ka! Sana mabasa mo ito!

Save & Published.

Saka ko sinarado ang Laptop ko, nakatitig si Kuya sa akin sa labas ng pintuan nakasandal ang likuran niya niya sa likuran ng pintuan ko. Umaga na ito kaagad ang inatupag ko. "Tara na, sabay na tayong kumain." Yaya pa sa akin ni Kuya. Lumapit ako sa kanya, pero dinaanan ko lang siya at bumaba na papuntang kusina. Napatingin ako sa may Kusina, bakit ang daming pagkain? At... at... anong ginagawa ni Lola dito? Kumunot ang noo kong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi niya't nagmano.

"Ang aga niyo naman pong nandito? Ano pong mayroon?" tanong ko sa kanya, saka ako tumingin sa maraming pagkain na nakahain sa harapan ko ngayon. It feels like I'm on heaven right now. Ang daming masasarap na pagkain. Napatingin si Lola sa likuran ko, at sinundan ko ang tinitignan niya. It was kuya. Who was scratch his head. Saka lumapit sa kinaroroonan ko't hinila ang upuan at umupo na rito.

"Kumain ka na Dawn," utos pa nito na may pagka-otoridad. Kaagad akong kumuha ng pagkain, tiniginan nila ako ng masama. And I throw them a WHAT? Look.

"Hija," sabi pa ni Lola habang hinawakan nito ang kamay ko. Oo na! nakalimutan ko na naman, ang mag-dasal. Bakit ba kasi lagi kong nakakalimutan? Siguro kasi di ko pinapractice kapag nasa school ako o saan man ako pumunta, dito lang naman sa bahay ako mukha at kailangang umasta na parang walang kasalanang nagagawa sa tanang buhay ko. Kailangan kong maging maria sa mukha nila.

"May bago nga pala kayong kapitbahay ngayon," sabi pa ni lola habang humihigop ng kape.

"Talaga?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Matagal-tagal na rin kasing walang tumitira sa kalapit naming bahay. Yung huling tumira doon ay mag-asawang walang anak at nag-plano nalang silang doon sa America tumira since kapwa na sila kinuha nang pamilyar ng Lalaki. Pagkatapos kong kumain ay pinaghugas ako ni Lola ng mga pinagkainan namin, isa pa pala sa dapat na mangyari kapag narito ang Lola ko ay dapat sumunod rin ako sa mga inuutos niya o ni Kuya. Kahit na nagrereklamo na ang ugat sa utak ko't gusto na nitong pumutok sa pagrereklamo sa mga nangyayari e wala akong magawa. Kailangan kong gawin ito. Pagkatapos kong maghugas ay kaagad na akong naligo't nagbihis at nag-ayos nang sarili at inihanda ang sarili sa pag-pasok.

"Ihahatid na kita," rinig ko pang sabi ni Kuya sa likuran ng pintuan ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Isa pa pala sa mga nangyayari kapag narito ang Lola namin. Ako ang mukhang kontrabida, tapos ang kuya ko ang anghel sa mukha nila. So ngayon ihahatid niya ako sa school. Ayoko! Ayokong ihatid ng isang sikat at heartthrob na Aaron Rayne Erson. Lumabas ako at muli na naman siyang nakabantay sa labas ng kwarto ko. I gave him a devilish stare telling that i-don't-need-him! Tinaas ko ang kilay saka tinulak siya nang mahina upang hawiin ang dadaanan ko.

"Ano? Sasabay ka ba?" tanong nito ulit sa akin. Di na ako sumagot sa kanya, bagkus ang gitnang daliri ko nalang ang sumagot sa kanya, at alam kong naiintindihan na niya ang gusto kong ipunto. Alam ko sa minutong ito ay umiiling-iling na naman ang ulo niya na parang mag-gi-give up na siya sa ugali ko.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon