Chapter 11: Deal is a Deal
"What?" hindi makapaniwala si Lera sa mga kiniwento ko sa kanya. Wala na akong nagawa kundi ang sumandal sa upuan ko't imasahe ang ulo ko kasi mukhang seryoso ang mokong na iyon sa binabalak niyang gawin sa akin. Leche ka nang taon! Promise! Na-ee-stress ako sa kanya.
"Ano nang gagawin mo ngayon?" tumingin ako sa kanya. She really asking me that question? E kagabi pa ako hindi makatulog sa kakaisip kung anong gagawin ko? Worried ang mukha ni Lera, alam kong nag-aalala din siya sa akin. Pero alam kong wala naman siyang kayang gawin e, kundi ang mag-alala sa akin. Napatayo ako noong napansin ng dalawa kong mga mata na papasok ang hayup na iyon sa may cafeteria. At napansin ito ni Lera, hinawakan niya ang kamay ko. Palapit ng palapit si Cent sa kinaroroonan ko, at pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko ng minutong iyon. Ano bang nangyayari sa akin? Ngayon ko lang naramdaman ang bagay na iyon, bakit ako kinakabahan? Bakit ako natatakot? Noong nasa harapan ko na siya nakaramdam ako ng kilabot sa aking katawan. Oo nagsitayuan ang mga balahibo ko. Sa presensya niya. Ngumiti siya sa harapan ko, at hinawakan ang baba ko, kaagad kong hinampas ang kamay niya noong dumikit na ito sa baba ko. Saka hila nito sa isang upuan.
"Upo!" utos pa nito sa akin. Nag-cross arm ako sa harapan niya at tinaasan ko siya nang kilay bago ako sumagot sa kanya.
"Sino ka para sundin ko?" muli siyang tumayo at sa sobrang bilis ng pag-galaw niya hindi ko kaagad ako nakagawa ng paraan para iwasan siya. Niyakap niya ako at naramdaman ko nalang na dinikit niya ang labi niya saka ito bumulong nang...
"Wag mo akong subukan, Dawn. Hindi mo alam ang kaya kong gawin," ramdan na ramdam ko ang pagiging seryoso niya sa tono ng boses niya. Napalunok ako ng laway ko ng minutong iyon. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot sa mga ginagawa ng mga ibang tao sa akin. Sino ba siya? Bakit ganito nalang siya umasta sa akin? Hindi ba niya ako kilala? Sikat ako dito! Nirerespeto ako ng mga tao dito. Takot na takot ang mga tao sa akin dito, tapos siya? Isang transferee lang kung umasta akala mo kung...
Muli siyang umupo at wala na akong choice kundi ang sundin siya. Umupo na rin ako. Tumingin ako kay Lera na gulat na gulat sa mga nangyayari. Inutusan ko si Lera umalis na muna, dahlia ayaw ko na may ibang taong makakakita kung paano ako pahirapan ng isang ito. Kapag talaga nakuha ko na ang gusto ko sa kanya lagot siya sa akin.
"Ano ho bang ipag-uutos niyo, Mahal na hari?" pag-arte ko pa na parang utusan talaga niya. Grrr naiinis ako, bakit ko ba ginagawa ito? Langya naman oh? Dawn! Hindi ikaw yan, ano bang ginagawa mo sa sarili mo ah?
"Sino bang nagsabi na may iuutos ako sa iyo?" seryosong tugon niya sa akin.
"E gago ka pala e, anong gagawin mo sa akin?" singhal ko pa sa kanya. Napatingin ang mga estduyante sa kabilang table sa aming dalawa. Binigyan ko sila ng titig na alam nilang dapat nilang gawin, kaagad silang umiwas at lumipat ng ibang pwesto at saka muli kong ibinalik ang tingin ko kay Cent.
"Ang lakas mo rin e no? isang titig mo lang sa mga tao sa paligid mo e napapasunod mo na sila. Pero bakit ako hindi kita kayang sundin?" saka siya ngumisi.
BINABASA MO ANG
Mister Smile
NouvellesIsang Frustrated Girl-Writer, isang makulit na Kapatid na lalaki, isang mayabang at maangas na kapit-bahay, at isang Weird na commentator sa wattpad. Magkakaroon ba ng happy ending ang isang bidang kontrabidang si Queen Dawn? kung lahat ng mga lalak...