EPILOGUE

252 6 0
                                    

Epilogue

*HIS POINT OF VIEW*

Alam kong masasaktan siya sa gagawin kong ito. She doesn't deserved to feltthis again. Marami na siyang rejections na naranasan sa kanyang buhay. At alam kong daragdag pa ako sa kanya. Bakit ba kasi ngayon pa dumating ang problemang ito? Bakit ba kasi?

Inuntog-untog ko ang ulo ko sa pader ng kwarto ko. Masakit na ang ulo ko sa kakaisip. Kahapon ko pa nalaman ang lahat. At alam kong kailangan ako ng Tatay ko. Kahit na, hindi naging maganda takbo ng buhay namin, dahil sa inilayo ako ni Mommy ko sa kanya, alam kong karapatan parin niya ang makasama ako. Kahit na alam ko ngayon na masaya na siya sa bago niyang pamilya, siyempre anak parin ako, galing parin ako sa kanya. I talked about it with my Mom. For the first time, ngayon nalang ulit kami nagkausap nang ganito ng aking Ina.

She keep on fighting herself not to cry. But I know deep inside, gusto na niyang umiyak ng umiyak. She's the one who got the email, at last week pa niya ito na kuha. Kung di ko pa ata aksidenteng nabasa ito noong naglilinis ako ng buong bahay, at napunta ako sa kwarto niya ay di ko malalaman na malapit nang mamatay ang Daddy ko.

Kahit na naging ganito ang buhay ko, alam kong wala naman talagang perpektong pagsasama, walang perpektong lovestory. She said that they once fell inlove with each other. Mabilis ang mga naging pangyayari, at mabilis din kinuha ng pangarap niyang forever with the same guy he wish for. Panay ang tulo ng luha ni Mommy, habang kinikwento niya ito sa akin.

"Paano si Dawn?" tumingin ako sa kwarto ni Dawn. Patay ang ilaw nito, mukhang nasa baba siya at kausap ang kuya niya.

"Hindi ko pa alam Mom, pero ayaw ko siyang saktan."

"Sa gagawin mong ito, masasaktan at masasaktan mo siya."

"I know, kaso anong magagawa ko? Mahal ko na siya, at ngayon ko lang ito naramdaman."

"Babalik ka naman diba?"

"Yes. Babalik ako, babalikan kita Mom." Mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Mommy. Saka ko pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Tinulungan ako ni Mommy to prepare dishes for our Dinner date with my Queen, Dawn. She was the one who prepare all the dishes, at ako naman ang nagdecorate ng table setting naming dalawa ni Dawn. It was like a fairytale, and just like a fairytale, not all happy ending happens. Just like the story of the two of us.

I love her, but I need to hurt her, to leave her, to gave her a promise that I know I can't do with.

Pagkababa ko, nakahanda na ang lahat. Siya nalang ang inaantay ko.

"Tawagan mo na," wika pa sa akin ni Mommy. Kaya kinuha ko na ang phone ko sa loob ng bulsa ko, kaso itatype ko palang sana ang numero niya. Saka tumunog ang doorbell sa may gate. And I know that siya na iyon. Tumingin ako kay Mommy, and she just smile back at me. She kissed me on my left cheek, saka na siya pumasok sa loob ng bahay. inayos ko ang sarili ko, at naglakad na papunta sa may gate. At noong nasa harapan na ako ng Gate. Huminga ako nang malalim, saka ko binuksan ito. At lumundag ang puso ko noong makita ko ang mukha ni Dawn, ang kausutan niya. She is just wearing a pajama, just like what I've told her, and I wear my pajama too. Ang cute ng suot niya, Adventure Time, at sa akin naman ay ang Phineas and Ferb. Favorite ko kasi 'yun e.

"Ang ganda mo," kumento ko kaagad sa kanya.

"Ang gwapo mo rin," tugon niya sa akin.

"Lagi naman e," pagmamayabang ko pa. saka ko inilaan ang kamay ko sa kanyang harapan. Kinuha naman niya ang kamay ko at hinayaan niya akong alalayan siya papunta sa backyard namin. Na kung saan nakahanda nga ang fairytale set-up table setting na ginawa ko para sa aming dal'wa. At inaasahan ko nang mamangha siya sa ginawa ko. At noong nakita na nga niya ito ng husto, tinignan niya lang ako. Wala siyang ginawa kundi ang tignan ako, at hindi ko alam kung maiinis ba ako kasi tinitignan niya lang ako o matutuwa kasi nakatigtig siya sa akin? Pero more like, masaya ako kasi kasama ko siya ngayon.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon