CHAPTER 13: IF YOU FALL, THEN THE GAME IS OVER

191 10 4
                                    

Start writing your story...Chapter 13: If you fall, then the game is over

 

            Dahil sabado, wala akong gagawin kundi ang... ano? Gumala? Hindi! Mag-kulong ng bahay. Kailangan ko raw maglinis ng bahay ito ang bilin sa akin ng mabuti kong kuya. Hindi raw ako pwedeng umalis ngayon dahil ako ang naka-toka na maglinis ng bahay, leche lang talaga! Pagka-gising ko kasi yun kaagad ang bumungad sa akin, isang sticky note na naka-dikit sa may lampshade ko sa may sidetable ko malapit sa may higaan ko. Kaagad kong tinawagan si Lera at mabuti nalang ay gising na ito. Sinabi ko sa kanya na kung pwede ba siyang pumunta sa bahay, wala rin naman daw siyang gagawin kaya okay lang din raw sa kanya. Siyempre hindi ko ka kaagad sinabi na hihingi ako ng tulong sa kanya sa paglilinis ng buong bahay. Tinawagan ko rin sila Sharla, Louie, Milarca para pumunta sa bahay sinabi ko na may party. Pero hindi ko sinabi na cleaning party ang pupuntahan nila. Inihanda ko na ang mga gagamitin nila, lahat na ay nakahanda na at maya-maya ay may nag-doorbell. Naglakad na ako palabas ng loob ng bahay at pumunta sa may gate upang tignan kung sino ang nag-doorbell.

            Pagtingin ko sa may maliit na butas kinumpirma kong sila na nga ito. Naka-suot pa sila na pang party. Short kung short pa itong si Sharla at porma kung porma naman itong si Louie, simple lang ang sout ni Milarca pero rock. Si Lera? Nakapam-bahay lang. Ngumisi ako saka ko binuksan ang gate.

            "Ano bang meron?" tanong kaagad ni Sharla saka tingin sa mga kasama niya.

            "Hmmm diba ang sabi ko may party?" sagot ko sa kanila.

            "Anong klaseng party?" pagbukas ko ng bahay ay tumambad sa kanila ang mga cleaning mats na gagamitin namin sa paglilinis ng bahay.

            "Cleaning party!" nakangiting sagot ko, nagtaasan naman ang mga kilay nila sa pag-dismaya.

            "O siya, simula na nating guys. Masaya ito, promise!"  utos ko sa kanila. Isa-isa na silang nagsi-kuha ng mga cleaning materials na gagamitin namin sa paglilinis ng bahay.

            "Di mo ba inimbitahan ang boyfriend mo para tulungang kang maglinis ng bahay?" tanong pa ni Sharla sa akin. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ni Cent. Oo nga pala no? bakit di ko siya inimbitahan?

            "Busy kasi siya ngayon, at isa pa..." nagulat ako nang biglang may pumasok sa loob ng bahay. He's wearing black sando and basketball short, holding a lots of foods? Nakuha niya ang atensyon ng mga tao sa loob ng bahay.

            "Busy pala ah?" bulong pa sa akin ni Lera saka lumapit kay Cent at tinulungan itong kunin ang mga dala nitong pagkain. Saka naman siya lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay saka nakipagtitigan sa akin na para bang nagsasabi na, bakit hindi mo ako inimbitahan?

            "Bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko sa kanya, niyakap niya lang ako nang mahigpit at nanatili kami ng ganung pwesto ng halos dalawang minuto bago niya ako pinalaya sa yakap niya. Bakit ganito nalang kung mag-reak ang puso ko? Bakit ang bilis ng tibok nito? Pwede ba? Maghulos-dili kayo?

            "Keep on acting," bulong pa nito sa akin. Saka ko na kita ang gusto niyang sabihin. Sasapakin ko na sana siya kaso nakatingin sa amin ang mga kaklase namin na halatang kinikilig sa aming dalawa.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon