CHAPTER 18: Friends

181 9 2
                                    

Chapter 18: Friends

            Pagkagising na pagkagising ko, notification kaagad sa wattpad ang bumungad sa akin. Klinik koi to, nagbabasakali na si MrSmileWp na ito. At hindi nga ako nagkakamali, siya lang naman kasi ang masugid kong mambabasa sa mga pinagpo-post ko doon e. Binasa ko ang Comment niya, ang sabi niya ay...

            @awakeningsunrise Sorry kung ngayon nalang ako ulit nakapag-comment. Busy kasi sa school e, pero sa totoo lang? kahit na busy ako sa school e binabasa ko parin ang mga rants mo. Haha. Hindi kasi kumpleto ang araw ko kapag di ko nababasa ang mga rants mo tungkol sa bagay-bagay sa mga nararanasan mo sa araw-araw. Hindi ako Stalker ah? Follower lang talaga ako.

 

            Nga pala, sa huling pinost mo ang masasabi ko, E tama ka sa sinabi mo. Dapat lang na intindihin mo ang kuya mo, siya nalang kasi ang natitirang tao na nag-aalala sa iyo ng tunay. Siyempre aside sa Lola mo, na hindi niyo naman laging kasama. Tungkol naman kay Cent, natutuwa ako na kahit papaano ay napapansin mo ang damdamin mo sa kanya. Oo yun kasi yung pagkakatindi ko sa huling sinabi mo e. parang may nararamdaman ka na rin sa kanya. Para naman sa Ex mong si Ryan. Part of moving on is facing your fears. At kapag nasanay ka na, that means your totally moved-on.

 

            At sa huling sinabi mo na, na miss mo na ang comment ko. Hahaha. Uy namiss na niya ako. :P

 

            Masaya ako na masaya ka. Sana laging ganito nalang ang update mo, para goodvibes lang sa araw-araw.

 

            MrSmileWp.

            Nakangiti lang ko buong oras habang binabasa ko ang kumento niya. Sino ba talaga siya? May mga naglalaro na tuloy sa isip ko kung sino ba talaga itong nilalang na ito. Kilala ko ba siya o kilala ba niya ako? Para kasing pakiramdam ko e malapit lang siya sa akin. Na lagi siyang nakamasid sa akin, na para bang binabantayan niya ako. Hays! Ano ba itong iniisip ko? Niyugyog ko ang ulo ko saka inilapag ko ang phone ko sa may higaan ko't nag-unat nang katawan saka bumaba. As usual, maagang nagising si Kuya. Nakangiti itong sinalubong ako sa may kusina. Kung mapapansin niyo, lagi nalang setting ng usapan namin e kusina. Parehas kasi kaming foodlover, pero hindi naman tumataba.

            "Goodmorning Baby Girl," masayang bati nito sa akin saka ibinaba niya ang hawak-hawak niyang bowl na may lamang scrambled egg lumapit sa akin at saka ginulo ang ayos ng buhok ko.

            "Kuya naman e," reklamo ko pa sa kanya. Saka na ako umupo sa pwesto ko. Masasabi ko na mas bagay sana kay Kuya ang mag-chef kaso nga lang kailangan niyang mag-aral ng Business Coarse dahil kapag nasa tamang edad na siya at nakapag-tapos nang pag-aaral ay sa kanya na ililipat ang pangangalaga ng kumpanyang iniwan ng aming mga magulang.

            "Kuya..." tinawag ko siya saka siya lumingon sa akin nang nakangiti din. Shocks bakit ba lagi siyang nakangiti?

            "Ano yun baby girl?" ayan na naman yung mapang-asar niyang tawag sa akin. Baby girl? E hindi na kaya ako Baby. Kainis siya.

"Can you stop calling me Baby Girl? Nakakainis na e," I rolled my eyes, kaso ngumisi lang siya nang nakakainis.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon