Chapter 15: Strange Feeling
Kinabukasan, kahit na wala akong ganang pumasok ay pinilit ko paring pumasok. Ramdam na ramdam ni Kuya ang pagkawalang gana kong pumasok. Hindi na niya ako pinilit na sumabay sa kanya sa pagkain. Sinabi niya na ihahatid niya ako, and I refuse it. Sinabi ko na kaya ko ang sarili ko at muli hindi na niya ako pinilit.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko kaagad si Cent na nag-aantay sa harapan ng bahay at nakalagay ang dalawa nitong kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Tinitigan ko lang siya nang saglit at iniwasa nang bigla niyang hawakan ang braso ko, binigyan ko siya ng masamang titig saka sabing...
"Bitawan mo ako," hindi siya sumagot.
"Sinabi kong bitawan—." Nagulat nalang ko noong bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi kaagad ako nakareak sa ginawa niyang iyon. Pero maya-maya ay muli na akong bumalik sa katinuan ko. At tinulak ko siya nang malakas palayo sa akin at saka sinampal.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" hinawakan niya ang pisngi niya at may kung anong kinuha sa loob ng bag niya. Muli nitong kinuha ang kamay ko, naglaban ako ngunit masyado siyang malakas saka niya inilagay doon ang isang SD CARD.
"Ayan na! 'Yan na naman ang gusto mo hindi ba? Kunin mo na." giit pa niya. Hindi ako makapaniwala na nakuha ko na yung gusto ko, ngunit bakit ganito ang pakiramdam ko? Hinawakan ko ang dibdib ko, kasi parang nahihirapan akong makahinga, umiwas ako ng tingin sa kanya. Nasa kamay ko na ang card, at panay ang tingin ko rito. Sa wakas hawak ko na siya, sa wakas nakatakas na ako sa kalokohang ito. Sa wakas!
Bigla kong nabitawan ang Sd Card. Nagulat ako noong bigla niya itong kinuha at inabot muli sa akin, sabay sabing.
"Akala ko ba importante sa iyo 'yan? Bakit mo pinabayaan na mahulog?" ang lamig ng boses niya. Ang seryo-seryoso niya. Sanay na rin naman ako na ganun siya, pero ibang-iba siya nitong mga nakaraang araw. Lalo na ngayon, ano bang nakain ng isang ito? Nag-aadik na ba siya?
Pag-kaabot niya sa akin ng Sd Card ay tinapon ko ito, dahilan para magulat siya sa ginawa ko, sinundan pa nito ang tingin kung saan ko banda inihagis yung Sd Card. At maya-maya ay ibinalik niya ang tingin niya sa 'kin.
"Ano bas a tingin mo ang ginagawa mo?" muli kong tanong sa kanya, ngunit di na naman siya nagsalita.
"Ano? Hindi ka ba talaga magsasalita?" singhal ko sa kanya, ngunit nanatili lang siyang tahimik at nakipag-titigan sa akin.
"Tsk. Bakit ko nga ba kinakausap ang katulad mo?" tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.
Pagkarating ko sa room ay kaagad akong sinalubong nina Sharla na may ngiti sa kanilang labi, ngunit inirapan ko lang siya, mukhang na dismaya ata siya sa inasal ko, who cares? Pumunta ako sa inuupuan ko at inilapag ko doon ang gamit ko. Maya-maya ay sumunod naman na pumasok si Cent, binati rin siya ni Sharla ngunit dir in siya nito pinansin. Pagkadating ni Lera ay kaagad itong lumapit sa akin, at tinignan ng maigi ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
Mister Smile
Historia CortaIsang Frustrated Girl-Writer, isang makulit na Kapatid na lalaki, isang mayabang at maangas na kapit-bahay, at isang Weird na commentator sa wattpad. Magkakaroon ba ng happy ending ang isang bidang kontrabidang si Queen Dawn? kung lahat ng mga lalak...