Chapter 19: Project Smile
"Bakit ganyan ka maka-ngiti ngayon?" tanong sa akin ni Milarca.
"Oo nga, bakit nga ba?" sabat din naman ni Sharla. Hinawakan naman ni Louie ang pisngi ko at ginala-galaw ito. Pinisil-pisil pa ito na parang bata.
"Bakit parang ang ganda mo ngayon?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin.
"Tigilan niyo nga ako," sabay hawi ko pa sa kamay niya.
"Tigilan niyo na nga siya!" napalingon kaming lahat at ako itong huling lumingon sa isang boses na biglang nagsalitas likuran ko.
"Oh? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba hindi ka makakasama..." nakipagtitigan lang siya sa akin. At mukhang wala siyang balak na sumagot sa tanong ko sa kanya.
"Ehem, pwede bang umalis na tayo? Inaantay na tayo ng mga bata!" sabay kaming napalingon kay Louie na umubo ng minutong iyon.
Nga pala, papunta kami ngayon sa isang orphanage. Sa may San Juan City,White Cross Orphanage. Isa ito sa mga out reach project na naisip kong gawin ng aming paaralan. At kasama ang mga ilang mga estudyante, siyempre kumpleto ang student council. Pero... nasaan nga pala si Miraelyn?
Lumingon-lingon ako sa paligid, at hinahanap ang mukha ng babaeng iyon, maya-maya pa ay nasilayan ko mataray niyang aura palapit sa amin.
"Are you looking for me?" taas kilay niyang tanong sa akin.
"I thought you're not gonna coming? I'm glad that your'e here right now," nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin, at saka tumalikod. Nasilayan ko rin si Ryan na kasama niya, hinila ni Ryan ang kamay ng pinsan niya palayo sa pwesto namin.
"Hindi parin ba kayo nag-usap?" tanong sa akin ni Lera, napalingon ako sa kanya. Umiling ako bilang sagot ko sa kanya.
"In time, alam kong magkakaayos din kayo. Tiwala lang!" sabay tapik pa nito sa balikat ko, hinila na ako ni Sharla pasakay sa loob ng Bus. Sa loob ng bus, ay magkatabi kami ni Cent sa upuan. May headset na nakakabit sa tainga nito. Sa sobrang inis ko ay hinila ko ang heatset sa tainga niya't tinago ko ito sa loob ng bag ko. Nag-iba ang itsura niya, alam kong naiinis siya sa inasal ko ng minutong iyon.
"What?" taas kilay kong tanong sa kanya. Umiwas lang siya at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Hey ano bang ginagawa mo?" iritableng sagot ko sa kanya.
"Tinanggal mo ang Headset ko, so pakikinggan ko nalang ang tibok ng puso mo." Ang Awkward kasi medyo malapit sa dibdib ko ang ulo niya. Kinotongan ko siya nang buong lakas.
"Manyak!" panghusga ko pa sa kanya.
"Tsk." Akala ko e sasagot pa siya. Isinandal nalang niya ang ulo niya sa gilid ng bintana. Niyugyog ko ang katawan niya at pilit siyang ginigising.
"What?" iritableng tanong niya sa akin.
"Wag kang matutulog," sagot ko sa kanya.
"At bakit?"
"Basta! Wag kang matutulog, marami kang mamimiss sa biyahe nating ito." Giit ko pa sa kanya.
"Naaaah I don't care."
"Edi sana di ka nalang pumunta!!!!" mukhang napalakas ata ang sigaw ko dahil sa lahat ng mga mata sa loob ng bus na iyon ay nasa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/40289243-288-k11796.jpg)
BINABASA MO ANG
Mister Smile
Short StoryIsang Frustrated Girl-Writer, isang makulit na Kapatid na lalaki, isang mayabang at maangas na kapit-bahay, at isang Weird na commentator sa wattpad. Magkakaroon ba ng happy ending ang isang bidang kontrabidang si Queen Dawn? kung lahat ng mga lalak...