Chapter 2: Queen D! is back
Kinabukasan, maaga akong gumising. Pero mas maaga si Kuya na nagising kaysa sa akin. Nag-ka-kape siya habang nagbabasa ng newspaper at naka-dekwarto pa ang paa. Siya talaga yung tipo ng tao na makikitaan mo na siyang magiging susunod na mag-aalaga ng kumpanyang iniwan ng mga magulang namin. Kuya Aaron was on his fourth year in business administration course. In one of the pretisgious school dito sa pilipinas. St Francis College. Tinignan niya lang ako sa gilid ng kanyang mga mata, at muling ibinalik nito kaagad sa pagbabasa ng diyaryong hawak. Pumunta ako sa kusina at nag-toasted ng tinapay pagkalipas ng ilang minuto ay okay na ito. Pinahiran ko ng chocolate at tapos narin akong mag-init ng hot-chocolate. At kumain na nang umagahan ko nang mag-isa sa kusina. Nang lumapit si Kuya at inilagay ang kaninang hawak niyang diyaryo sa lamesa. Umiwas ako tingin sa kanya sa i-pinokus ko ang tingin ko sa may lababo na may tumutulong mahinang tubig sa may faucet. Lumapit siya roon at pinihit ito ng mahigpit at huminto na ang pagtulo ng tubig. Umiling-iling pa ang ulo nito. Inilapag niya ang isang bagay na siyang alam kong magpapasaya muli sa akin.
Ang Credit Card ko. Ang buhay ko! Muli ko na naman siyang mahahawakan. Halos dalawang linggo ko na itong di nahahawakan at mabuti naman at ibinalik na niya ito sa akin. Tumayo na ako noong natapos na akong kumain, at kinuha ko na ang Credit Card ko. Nakakamiss hawakan ito. Ang init nito sa pakiramdam sa kamay ko, nangangati na ang kamay ko sa pag-gastos. Mamaya ililibre ko si Lera sa may starbucks nang kahit anong gusto niya. Palabas na ako nang bahay nang muli siyang magsalita. "Mag-aral ka nang mabuti ah!" di ko na siya nilingon. At nagpatuloy na ako sa paglalakad. Oo mayaman talaga kami. Isa lang ako sa mga tagapag-mana ng Erson Properties. Kami lang naman ay may ari ng Maya Malls. Maya Townhouse sa may Cavite, Batangas, Bulacan, Bacolod, at iba pang townhouse sa probinsiya sa may luzon at ganun din sa may visayas. Pero naglalakad ako. Ang yaman namin no? badtrip kasi itong si Kuya ayaw pa akong bilhan ng kotse gusto niya e ihatid niya ako lagi sa school gamit ang kotse niya. E ayaw ko ngang magpahatid sa kanya. Mabuti nalang at di naman gaanong kalayuan ang paaralan namin sa village na kung saan kami nakatira.
"Hi! Queen," masayang bati sa akin ng mga so called fake friends ko. Yes I called them fake friends kasi alam kong lumalapit lang sila sa akin dahil una, mayaman ako. Pangalawa ako ang president ng Student council, pangatlo dahil bitch ako.
"Kumusta ka na? mabuti at bumalik ka na? nag-aalala na kasi kami sa iyo e," Binigyan ko sila ng isang titig na I-DON'T-CARE-LOOK! This bitches ay nag-aalala sa akin? Haha. Nagpapatawa ba sila? Ako ba ay ginagago nila? Saka lumapit si Lera sa akin. Ningitian ko lang sila saka ko sila iniwan. Hinila ko si Lera at nagpunta kami sa may cafeteria.
"Pumili ka nang gusto mong pagkain," utos ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako.
"Ano ba? Ang sabi ko pumili ka nang gusto mong pagkain, wala sa akin ang pagkain at hindi rin ako ang magbibigay sa 'yo ng pagkain okay? Kaya kung ako sa iyo bago uminit ang ulo ko, pumili ka na." umiling-iling lang siya at saka tinuro ang gusto niya. Bago ako pumasok sa school ay nagwithdraw muna ako ng pera ko at siyempre dahil sa ibinalik na sa akin ni Kuya ang Credit Card ko ay makakabili na ulit ako ng gusto ko.
"Anong meron?" tanong nito sa akin habang kinakain ang pizza na inilibre ko sa kanya.
"Wala!" walang ganang sagot ko habang pinagmamasdan ko ang mga taong isa-isang nagsisipasukan sa may cafeteria.
"Wala? E bakit ganyan ka umasta ngayon?" muling tanong nito sa akin. Binigyan ko siya nang isang matalas na titig.
"Isang tanong mu pa, ang dami mong tanong e." simangot kong sagot sa kanya.
"Na-miss lang kita fren," wika pa nito na parang nadisapoint.
BINABASA MO ANG
Mister Smile
NouvellesIsang Frustrated Girl-Writer, isang makulit na Kapatid na lalaki, isang mayabang at maangas na kapit-bahay, at isang Weird na commentator sa wattpad. Magkakaroon ba ng happy ending ang isang bidang kontrabidang si Queen Dawn? kung lahat ng mga lalak...