CHAPTER 7: BAD TRIP

219 10 5
                                    

Chapter 7: Bad Trip

Nasa camp na kami.

Dito namin gugugulin ang dalawang araw namin sa lugar na ito. Halos 50 students ang sumama sa Camp na ito. Sinabi ko sa kinala na mag-form sila ng tig-sampung students. Para mabuo ang limang grupo. Isa-isa na silang gumalaw, ngunit may isang taong tila walang pakielam sa mga sinasabi ko. Nilapitan ko siya.

"Hindi ka pumunta o sumama dito para lang, magpahinga. Edi sana magbakasyon ka nalang kasama ng mga basura sa payatas!" giit ko pa sa kanya. Tiningala niya lang ang ulo niya at saka tumayo. Saka pumunta doon sa ilang mga estudyante.

Tsk. He really was pissing me off. Grrr.

Binigyan namin ang bawat isang grupo ng mga gagamitin nila. May 15 mins lang sila para mabuo ang isang Camp Tent na siyang gagamitin ng bawat grupo. Ka-grupo ni Lera si Cent. At kami namang mga student council ay siyang na-mamatyag sa kanila at kami rin itong mag-bibigay ng score sa kanila kasama ng mga teachers namin. May kasama din pala kaming Camp instructor si Sir Hans Fernando, kasama nito ang kanyang anak na si Jay Fernando, tahimik lang si Jay at mukhang mailap siya sa mga tao. Marahil ay isa ito sa gusto nang kanyang ama kaya isinama niya ito sa mga ganitong activity.

Naunang nakatapos ang grupo ni Lera. Inaasahan ko na iyon dahil sa kasama niya sa grupo si Ryan. Tsk. Bakit ko ba patuloy parin binabanggit ang pangalan ng mokong na bading na iyon? Tsk! Tinuruan kami ni Sir Hans kung paano mag-sibak ng kahoy. Ganun din ang pa-apoy gamit ang kahoy at mga scrap woods, marami din siyang tinuro of how to survive sa mga ganitong lugar. At nagbigay din siya ng mga safety precaution sa lugar na ito.

Nagkaroon kami ng ilang mga laro, relay games na siyang nagpasaya sa araw na iyon. Hanggang sa sumapit ang gabi. Si Cent ang naatasan ni Sir Hans na gumawa ng bon-fire, base sa natutunan namin of how to make a fire using scrap woods. At mabilis niyang nagawa nang maayos ang pag-papaapoy sa bon-fire na siyang kinatuwa ng lahat. Habang nag-papainit kami sa harapan ng bon-fire, ay nagkwento si Sir Hans ng isang kwentong nangyari sa lugar na ito. Na siyang kina-kiligan ng lahat. Simpleng kwento lang naman ng kabataan niya. Kung paano siya nainlove sa isang babae, at kung paano nila nilasap ang kasiyahan na mainlove sa isa't isa. Sinabihan pa kami nito na hindi raw dapat mag-madali sa pag-ibig. Na hindi rin daw hinahanap ang pag-ibig dahil kusa itong dumarating. Dapat rin daw, sinasamahan ito ng dasal. At higit sa lahat kapag dumating na raw yung taong iyon, gawin mo raw ang lahat, para mapanatiling mainit ang inyong relasyon. By doing simple things like, dating. Chating, gumawa ng mga bagay na siyang ikakasiya ng bawat isa. Wag na wag hahayaan raw na maging boring ang relasyon kasi isa yun sa indikasyon na magkakasawaan. Kailangan laging may bago sa ginagawa niyo sa relasyon niyo. So on and so fort.

Siguro yun ang mga bagay na hindi ko ginawa sa mga Ex ko. Pagkatapos nang gabing iyon ay isa-isa na silang nagsipa-sukan sa mga camp nila. We make sure na nakapasok na ang lahat mga camp, bago kami pumasok sa camp din namin.

Tumawag si Kuya sa akin.

"Baby girl, kumusta ka na diyan? Sana ay okay ka lang, kainin mo yung mga pinadala ko sa iyo ah? Yung vitamins mo, uminom ka ng gatas bago matulog at wag na wag kang magpupuyat. Alagaan mo rin ang sarili mo ah? Dapat wala kang sugat pag-uwi. Ano? Nakikinig ka ba?" saka ko ibinaba ang tawag niya. Hanggang kailan kaya niya ako tatawaging baby girl? Like what the fuck! I'm 16 years old na. at baby girl parin? Hays. Pero kinilabutan ako sa sinabi ni Kuya sa akin. Para siyang tanga, oo lagi kaming nag-aaway lagi ko siyang inaaway. Lagi rin kaming nagkakasagutan, pero to cut the story short, he's the best kuya in the world. Kahit na buwisit siya sa buhay ko.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon