CHAPTER 16: WHAT THE HELL?!

171 7 0
                                    

Chapter 16: What the hell?

 

            "Bakit wala si Crecento?" ito ang paulit-ulit na tanong sa akin ng mga ka-klase namin sa loob ng room. Bakit raw hindi pumasok yung mokong na iyon? E paki ko? Kapag ba hindi siya pumasok e hindi matutuloy ang klase? Well natuloy naman ang klase, kaso iba nga lang ang presensya ng lahat noong nalaman nilang wala si Cent. Ano bang nangyari sa taong iyon?

            Pagkatapos ng klase ay kaagad na akong umuwi. Ewan ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may kulang. Parang may hindi tama. Paligian akong lumilinga sa paligid, oo na! marahil ay nasanay lang ako na may kasabay akong maglakad pauwi sa bahay. Habang palapit na ako sa bahay ay napatingin ako sa bahay nila Cent. Nandoon kaya siya? Ano ba talaga ang dahilan kung bakit hindi siya nakapasok? Napailing nalang ako saka, pumasok na sa loob ng bahay.

            Kinabukasan.

            Ganun parin ang nangyari, tinatanong parin ako ng guro namin ganun din ng mga ka-klase namin kung bakit hindi parin pumapasok si Cent? Ang alam kasi nila e kami parin, hindi kasi nila alam na lokohan lang ang relasyon naming dalawa. Tanging si Lera lang ang nakakaalam noon, maski si Lera tinatanong ako kung ano na raw ang nangyari kay Cent, hindi ako kumikibo kasi hindi ko alam. At wala akong alam, at higit sa lahat wala akong pakiealam.

            Lumipas pa ang tatlong araw at hindi parin pumapasok si Cent. Naalarma ang guro namin, inatasan ako ng guro namin na kausapin si Cent at alamin kung bakit hindi ito pumapasok. Wala naman akong naging choice kundi ang sundin sila. Pag-uwi ko nang hapon na iyon ay kaagad akong pumunta sa harapan ng bahay nila. Nagdoor-bell ako at lumabas ang Mommy ni Cent, may pagtataka sa mga mata nito.

            "Anong maipaglilingkod ko sa iyo Hija?" tanong nito sa akin. Ngumiti ako saka sinabi ko na ang nais ko ng hapon na iyon sa kanila.

            "Ah? E, gusto ko lang po sanang Makita si Cent, ilang araw na po kasi siyang..." hindi ko pa man tapos sabihin yung gusto kong sabihin e kaagad na nitong hinila ang kamay ko at pinapasok sa loob ng bahay nila.

            Nasa harapan na ako ng kwarto ni Cent, mukhang alam niya na pupunta talaga ako sa bahay nila. Alam kong pupunta ka! Pakielemera ka hindi ba? So pakikielaman mo na naman ang buhay ko! Note na nakadikit sa may pintuan ng kwarto niya. Napailing nalang ako saka ko hinawakan ang doorknob at huminga nang malalim bago ko ito binuksan. Pagbukas ng pintuan ay isang payatot na maitim ang nakahiga sa may kama nito na balot na balot ng kumot. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob ng kwarto nito, binuksan ang ilaw sa loob ng kwarto niya at lumapit sa higaan niya na kung saan siya mahimbing na natutulog. Mas lalong pumayat ang mukha niya. Marahil gawa na rin ito ng hindi niya pagkain ng ilang araw. Ano bang nangyari sa mokong na ito? Ang kwento sa akin ng kanyang Mommy, noong umuwi raw ito noong lunes e hindi na raw ito lumabas ng kwarto niya at hindi rin nga daw ito pumasok. Nag-aalala na nga si Tita sa kalagayan ni Cent. Pumunta ako sa may bintana at binuksan ko ito, madilim kasi sa loob at hindi napapasukan ng hangin ang loob ng kwarto, pagkatapos kong gawin yun ay ibinalik ko ang tingin ko kay Cent. Nanginig ang katawan nito, hinawakan ko ang noo niya at tama ang hinala ako. May lagnat siya. Kaagad akong bumaba at humingi ako ng mga gamit at gamot na rin para maibsan ang init sa katawan ni Cent. At gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para pumayag siyang magpa-doctor. Mokong na ito? Papatayin niya ba ang sarili niya sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito? Pagkabalik ko ay nanginginig parin siya. Muli, lumapit ako sa may higaan niya't idinampi ang towel na ibinabad ko sa may tubig na may halong alchohol na piniga ng kaunti at idinampi ito sa may noo niya. Noong naramdaman na siguro ng katawan niya ay nagreak ito at iminulat ang kanyang mga mata. Kaagad niyang hinawi ang kamay ko noong Makita ako nito.

Mister SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon