Mister Smile Sypnosis
Hindi makapaniwala si Dawn nang may magka-interes na mag-comment sa kanyang kwento na nakapost sa wattpad. Sa totoo lang, hindi talaga siya kwento, kundi isang online Diary. Lahat ng mga nangyayari sa kanya nang araw na iyon ay inilalagay at inilalabas niya doon. Naging interesado siya na malaman kung sino ba ang nasa likod ng katauhan na nagtatago sa penname na MrSmileWp. Hanggang sa nakilala niya ang bagong lipat na kapit-bahay nilang si Crecento Padullo, na wala na atang tatalo pa sa pagiging snob at pagiging mayabang nito. Kabago-bago palang niya sa kanilang eskwelahan, kung umasta ay akala mo Hari. Ngunit di papayag si Dawn na may tatalo sa kanya at hindi ang isang katulad niya ang magpapabagsak sa kanya, ngunit di niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya sa lalaking ito, kaso ang sabi ng kanyang Kuya na kailangan na raw niyang maging matalino sa pagpili ng taong mamahalin niya, kung ayaw na niya muling masaktan.
Tama bang itago na lang niya ang nararamdaman niya sa taong iyon? O dapat ba niyang sundina ng tibok ng kanyang puso?
Hindi mo talaga malalaman kung sino ang itinadhana sa iyo ng Diyos. Malay mo yung taong kinaiinisan mo ay siya na palang inilaan sa iyo ng may Kapal, ngunit pinakawalan mo lang, dahil natatakot ka na ulit magmahal at masaktan.
Message:
Yay! Salamat at nakatapos ulit ako ng isang nobela!
Sabog confetti!
Ang saya lang kasi hindi ko inaasahan na matatapos ko ito. Sa totoo lang matagal ko nang sinulat ito, at marami na akong revision na ginawa rito, at sa tingin ko ay nagawa ko naman nang maayos ito.
Una, gusto kong magpasalamat kay ElleAnydMagandaKapagNakatalikod, co-admin ko sa Stories of your life page dati. Sa kanya ang orihinal na ideya ng MisterSmile. Gaya ng nabasa niyo sa kwentong ito, may mga part sa kwento niya na kasama rito, hindi lang ang title mimso ang hiningi ko ng permiso sa kanya na gayahin ko kundi ang ibang parte rin sa kwento, at ang ibang karakter. Same storyline, but ibang hatak, iba kasi yung hatak ng kanya, nadala talaga ako kahit na short story lang iyon. At sinabi ko sa kanya na bakit hindi nalang niya gawing nobela kasi may potensiyal siyang maging isang short novel, sabi niya wala siyang time. So doon na ako nagpaalam sa kanya, na kung okay lang ba kung pwede akong gumawa ng fanfiction ng kwento niya. At pumayag naman siya.
Maraming salamat talaga girl.
So hindi ko orihinal ang Title ng kwento, Fanficiton lamang siya J
Pangalawa, sa mga Characters ko. Sina Cent, Dawn, Milarca, Lera, Sharla, Mirae, Louie at Jayson. Mga ka-tropang Barubal ko. Totoong mga tao po sila, at mga kaibigan ko po sila sa online world. Ang iba sa kanila ay readers ko po at iba naman po ay bago ko lang po nakilala. May namumuo kasing lovestory kanila Cent at Dawn, at sobra akong nainspired at sa tingin ko, at gano'n din ng iba kong mga ka-tropa na sa grupo namin nabuo yung love na iyon. At nagpapasalamat kami at nagagalak na hindi lang pala puro's kalokohan ang kukuha nila sa amin, dumadamoves din sila ahha. Peace!
Kay @Awakeningsunrise totoo po siya. Ifollow niyo po siya sa wattpad, may mga kwento po siya doon na alam kong magugustuhan niyo. pero sad to say, hindi po totoo si @MrSmileWp isa lamang po siyang fictional character. Gano'n din si Kuya Aaron, at si Ryan.
Sana sa mga nakabasa ay nasiyahan kayo sa takbo ng kwento, and I hope na natuwa kayo. Kasi natutuwa ako sa mga comments niyo. maraming maraming salamat po.
Pangatlo, Siguro nabitin kayo sa dulo no? Oo kung ang iba sa inyo ay iniisip na may book two ito. Nagkakamali kayo. May book two talaga ito haha. Sumakit ba ang bangs niyo? oo may book two ho ito, at ang current title na naiisip ko po ay, King & Queen of Hearts. (His Point of View).
Pang-apat, kung mapapansin niyo sa kwento, throughout the story bakit laging point of view lang ni Dawn ang nababasa niyo? gusto ko kasing ichallenge ang sarili ko kung kaya ko bang i-push ang pagsusulat na consistent na isang point of view lang. actually ginagawa ko namang talaga siya, kaso it end up nothing nakakaboring, pero in this one I felt something espesiyal kahit na gasgas na ang school setting at highschool setting alam kong may kakaiba parin sa kwentong ito.
Pang-lima, sa mga nagkukumpara nito sa #Blogpost143 ni Ckaichen. Thank you. Thank you, kasi masayang makumpara sa isang kaibigan mo. Haha. Thank you kasi, alam ko na ang layo na nang narating ng kwento ni Ckai, na dati ay dinadaan-daanan lang ng mga readers, at walang ginawa kundi ang laitin ang mga gawa niya. Ano kayo ngayon? Nga nga! I know her capabilities, I read lot of her stories and I loved it. I love all of them. To be compare with her is a big pleasure to me.
I know my story, and I love my story. And please stop comparing my works from others, I love Sky Montefalco, and I Love Crecento John Padullo too. So if I we're you, tama na. haha. Sobra na. Awat na!
And lastly, I would like to thank God for giving me a chance to share my thoughts, my ideas and aspiration too, to give inspirations to others by making a good story. And also, Thank you to all of my readers, silent readers, friends and enemies too, choss!
Thank you and I love you all.
Love,
Diyosa
(wackymervin)
BINABASA MO ANG
Mister Smile
القصة القصيرةIsang Frustrated Girl-Writer, isang makulit na Kapatid na lalaki, isang mayabang at maangas na kapit-bahay, at isang Weird na commentator sa wattpad. Magkakaroon ba ng happy ending ang isang bidang kontrabidang si Queen Dawn? kung lahat ng mga lalak...