Mabibilis na yabag ang pumupunit sa gitna ng katahimikan ng gabi. Tila yelo sa lamig ng paligid. Singhap at hingal ang siyang musika na lalo nagpapauhaw sa damdamin ni Damir. Uhaw na uhaw siya. Hindi uhaw sa pagmamahal kundi uhaw sa...dugo.
"No!!!!"huling pagmamakaawa ng lalaki bago niya ito dinakma at ibaon ang dalawang matutulis na pangil sa balat nito.
He's gone crazy.
Bakit hindi na lang siya pinatay?!
Bakit siya ang pumapatay para lamang matighaw ang uhaw niya?
Bakit?!
Wala ng buhay na bumagsak sa malamig at maruming sahig ang lalaki na nakadilat ang mga mata. Walang buhay at bakas ang takot sa malamig na nitong mukha.
Nakaawang ang mapupula labi na nababahiran ng dugo mula sa lalaki na hindi niya alam kung pang-ilan na niya.
Blood makes him alive and strong.
He's a monster!
Isa siyang halimaw!
Sa madilim na silid ay ikinubli niya ang sarili. Amoy na amoy ang sariwang dugo sa kanyang sarili.
Hindi niya matanggap kung ano ang nangyayari sa kanya. Hindi siya halimaw!
Hindi niya alam kung saan at paano na nangyari na isa na siyang halimaw. Nagising na lamang siya sa isang maduming lugar na isa na siyang halimaw.
Maniniwala na sana siya na isinilang na siyang halimaw kundi hindi lamang niya nakita ang sarili sa isang balita. Nasa balita na siya ay nabaril at napatay sa sarili niyang silid at ang suspek ay ang babae na hinala ay nobya niya. He's a doctor.
Marami kakilala ang nagluksa sa pagkamatay niya na hindi niya maintindihan kung bakit buhay siya?
Buhay siya na isa ng halimaw.
Inalam niya ang tungkol sa babae na hinala ay nobya niya kinailangan pa niyang magbalat-anyo para lamang mahanap ang babae at agad naman niya natagpuan ang tirahan ng babae na ngayon ay nagtatago nga dahil sa aksidente na kinasangkutan nito. Sa pagtatanong niya sa kakilala ng babae ay sa pagtatago ng babae ay naaksidente ito doon natapos ang lahat ng pag-alam niya sa totoong nangyari sa kanya.
Ngayon ay para siyang nawawala sa mundong ito.
Alam ng lahat ay patay na siya.
Patay na siya. Siya lamang ang nakakaalam na buhay siya.
Nabuhay siya na isa ng halimaw.
Dinala siya ng kanyang mga paa sa isang abandonadong bahay. Sa pagpasok niya sa loob ng bahay iyun ay may kung anong damdamin ang bigla na lamang umusbong. Isang emosyon na hindi niya mawari.
Lungkot? Saya? Pangungulila?
Papalit-palit iyun na sumusundot sa sistema niya. Ngunit may isang emosyon ang siya mas nangingibabaw ng marating niya ang isang silid. Isang labatoryo. Hindi lamang ang presensya niya ang nararamdaman niya sa silid na iyun. May isa pang pamilyar na presensya na hinahanap-hanap bigla ng isip at....puso?
Nasapo niya kaagad ang dibdib. Patay na siya at isang halimaw kaya napakaimposible na may puso siyang nararamdaman.
Posible ba yun?
Ang makaramdam ng emosyon ng isang tao ay posible din maramdaman ng isang tulad niyang halimaw?
Nilisan niya ang silid na iyun. Napakabigat sa pakiramdam niya. Dinala siya ng kanyang mga paa sa isang silid. Sa pagpasok niya sa loob. May nalanghap siya amoy. Napakabagong amoy mula sa isang babae.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAngge
VampirePLEASURE. Amjad Casler,isang matagumpay na negosyante sa mundo ng mga tao kung saan pinili niya mamuhay kasama ang dalawang matalik na kaibigan na pare-parehong nag-iiba uri na nilalang. Bampira ang tawag sa uri na pinagmulan nila pero napatagumpaya...