Kabanata 29

163 6 1
                                    

"Ugh. Ahh!"impit na daing ng isang bloodsucker habang sakal-sakal ni Amjad ang leegan nito.

The poor vampire struggling for his life. Ito na ang pangalawang pagkakataon na may magtangka sa buhay niya. Hindi lang niya alam kung sadya lang bang mahina ang mga ito o wala lang ang mga ito alam sa kung anong kaya niyang gawin.

Nakakainsulto sa kakayahan niya.

"Sino nag-utos sayo na sundan ako?"malamig na tanong niya rito. Panay pa rin ang piglas nito habang nakasakal pa rin ang kamay niya rito.

Paglabas pa lamang niya ng kagubatan naramdaman na niya ito na nakaabang sa kanya.

Gusto niya matawa kung bakit paisa-isa ang tumatambang sa kanya.

"Ugh..."

Lalo humigpit ang kamay niya sa leegan nito dahilan upang mas pumiglas ang lalaki. Ang mga braso nito ay putol na. Inatake siya nito na wala kaalam-alam sa pakikipaglaban. That's really insulting with her fighting skills. Halatang pagsakmal lang ang alam gawin. Hindi man lang trained ang pinadala ng sa ganun naman ay may thrill ang banta sa buhay niya. Ang mga braso nito ang kaagad niyang tinarget.

Helpless and lifeless.

Hinayon ng mga mata ni Amjad ang pulang mga mata nito.

Ginalugad niya ang nasa likod ng isip nito sa pamamagitan ng halos wala ng buhay na mga mata nito.

"Kailangan ko ng bayad sa pagbuhay ko sayo.."

Amjad saw Benedik talking him in a dark road.

"Ikaw na ang bahala kung paano mo siya masasaktan at kung kaya mong patayin. Gawin mo. Isa siya sa hadlang sa ating grupo. Ito ang misyon natin. Ang mawala sila upang makamit natin ang mas malakas na pwersa at kapangyarihan,"pangbubuyo nito sa kausap.

Marahas na binatawan ni Amjad ang lalaking gahibla na lang ay malalagutan na ito ng hininga. Naikuyom niya ang mga palad at tumingin pailalim sa nakasalampak na lalaki sa lupa.

Kaawang-awang inosentang nilalang. Nagpalinlang ito kay Benidek.

Nilapitan niya ang lalaki at niyuko ang kaawang-awang bampira.

Inilapat niya ang hawak na silver dagger sa leeg nito. Nanlaki ang mga mata nito. Masasalamin ang takot at pagmamakaawa sa mga mata nito.

"Nagawa mo na ang pinag-uutos sayo ni Benidek. Ang pagkakamali mo lang hindi mo muna inalam kung sino at ano ang kayang gawin ng itatarget mo. Hindi mo deserve na gamitin ng isang sakim na kagaya niya. Hindi ito ang layunin ng mga tulad natin mga bampira. Handa kaming mamatay para lamang protektahan ang mga inosenteng tao. Hindi kagaya ng layunin niyo. Ang patayin ang mga inosente at walang kalaban-laban na mga tao. Wala sino man,ikaw o kahit na ako ang may karapatan sa mundong ito...kundi ang mga tao,hindi tayo,"pahayag niya at saka isang iglap ay gumulong ang ulo nito sa maruming lupa.

Tumindig at pinagpagan ni Amjad ang nadumihang suot na jeans. May tumalsik din dugo sa suot niyang gray na v-neck shirt.

Napabuntong-hininga siya at saka walang nagawa kundi bumalik sa pinanggalingan upang magpalit ng kasuotan.

Alam niyang may susunod pa rito at may susunod pa hanggat hindi siya ng mga ito napapatay.

Aware kaya ang dating asawa sa ginagawa ng kaibigan nito?

O kaya naman bahagi iyun ng plano upang mapabilis ang dapat nitong tapusin.

Ginagamit siya. Huh. What a lame strategy.

Pero sa kailalim-liman ng puso ni Amjad. May pangamba roon. May pag-aalala para sa dating asawa.

Well,she can tolerate what Benidek lame threat as long as Azraq is safe.

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon