Kabanata 28

103 8 2
                                    

Frustrated. Naiinip. Masyado ng matagal.

Gustong-gusto ba ni Azraq matapos ang misyon niyang ito pero kailangan niyang sundin ang proseso kung gusto niyang magtagumpay.

Kaya nga siya nandito dahil gusto niya muli makuha si Amjad. Ang tiwala nito. Ang pagmamahal nito. Alam niyang buhay niya ang kapalit pero sa pagkakataon ito mamatay siya na ito ang iniisip at nasa puso.

Yes,atleast now,he doing right.

"Sa tingin mo,ilang beses kang mabibigo sa paggawa ng potion?"

Hindi nilingon ni Azraq ang dating kaibigan. Ika-tatlong beses na niya ang pag-ulit sa paggawa ng potion. Ang dalawa beses na iyun ay sabik na sinubukan ng mga ito pero wala nangyari.

Iyun ang pagkakaakala ng mga ito na walang epekto ang mga iyun. Lingid sa pagkakaalam ng mga ito ang dalawang beses na pagkapalpak niya ay siyang unting-unti tatraydor sa mga ito.

"Hindi ko alam na masyado ka pala mainipin,"sarcastic niyang turan sa dating kaibigan.

Hinarap niya ito mula sa ginagawang potion.

"Ipapaalala ko lang sayo,Azraq. Habang tumatagal ka sa potion na yan may nangyayari ng hindi maganda sa dati mong asawa,"may babala nitong paalala sa kanya.

Naikuyom niya ang mga palad. Alam niyang hindi nito mapapantayan ang kakayahan at lakas ng kanyang asawa pero hindi siya dapat makampante dahil hindi lang ito ang kumikilos.

Ngumisi ito ng makita ang galit sa anyo niya.

"Kaya kung ako sayo. Bilisan mo na ang paggawa para naman makita mo pa siyang buhay,"turan nito sa kanya saka tinapik siya nito sa balikat niya.

Napatiimbagang na lamang siya.

"Pero huwag ka mag-alala buhay pa naman siya dahil napatay niya ang inutusan ko para sundan siya,"pahabol nito na may ngisi sa mga labi saka tinalikuran siya at lumabas ng lab.

Dumilim ang anyo ni Azraq ng marinig iyun.

Bago mangyari yun mauuna itong mawala sa mundo.

Pagsisihan nito ang pagkakamali nito na piliin ang maging sakim at masama.

May awa at panghihinayang pa rin siyang nararamdaman para sa dating kaibigan pero siguro nga mismo sarili na natin ang kalaban at piliin ang isang bagay na alam mong tama para sayo at ikakukuntento mo.

Binalikan ni Azraq ang iniwan trabaho saka pasekretong hinulugan ng pinong polbong lason ang kulay pulang likido na nasa malaking tube. Bahagyang umusok iyun pero kaagad din natunaw ng bahagyang haluin iyun.

Umaasa siya na maging aktibo na ang lason. Sinunod niya ang mga paalala sa kanya ni Amjad. Kailangan umipekto na iyun bago pa maubos ang polbong lason na nakakubli sa locket ng kanyang kwintas. Ang bagay na hindi iisipin ng mga sa paligid niya na tatapos sa buhay ng mga ito.

Samantala,tinahak ni Benidek ang hallway mula sa pinanggalingan lab room papunta sa isang silid kung saan naroroon ang kinasasabikan niyang makita.

He feel frustrated after he talked his old friend,Azraq. Inip na inip na siya na magtagumpay ang plano niya.

Sakupin ang buong mundo. Ipasailalim ang mga mahihinang tao. Gawin alipin at pagkain.

Napuno ng excitement ang buo niyang sistema sa mga naiisip na iyun. Isang excitement din na makita ang isang babae na nagbibigay sa kanyang satisfaction pagdating sa sex. Ang babaeng siyang pumupunan niyun.

May anim na silid na naroroon at sa dulong bahagi niya matatagpuan ang pakay niya.

Using his key to unlocked the door. Bumungad sa kanya ang amoy ng babae na nasa loob. Kaagad niyun binuhay ang pangangailangan niya.

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon