Kabanata 12

134 9 0
                                    

Hindi makapaniwala na sinuyod ni Azraq ang buong paligid. Ang basement ng Club na pag-aaari ng Lolo Marion niya kung saan may mga pasugalan nagaganap na tanging mga matataas na tao at mayayaman na negosyante ang nakakapasok sa lugar.

Malinis at organisado ang lahat sa lugar na ito pero ngayon wasak ang lahat ng mga mesa,ang mga ipuan ay bali-bali na ang mga paa kahit ang mga naglalakihan chandelier sa kisame ay nasa sahig na at basag-basag na ang lahat ng bombilya.

Naikuyom niya ang mga palad. Wala nakita sa CCTV kung sino ang gumawa dahil lahat ng mga iyun ay sinira mismo ng kung sino man ang pumasok sa lugar na ito upang wasakin at madiskubre ng mga pulisya.

"May palagay akong iisang grupo ang may gawa nito kung..marami nga sila gumagawa nito. Hindi naman makakaya ng mag-isa lang ang lahat ng ito kahit isa pa siyang cover agent pero sa tingin ko misyon nila pabagsakin si Mr.Diones,"untag ni Benidek sa kanya na siyang tumawag sa kanya upang ipaalam rito ang nangyari.

Wala pa rin ang Lolo Marion niya kaya hindi niya alam kung anong mangyayari rito kung malalaman nito na ang pasugalan nito ay wala na at kahit ang club ang sinara na din sa utos ng nakakataas na opisyal para sa isang imbestigasyon. Mabuti na lamang wala iniwan na kahit ano ang matanda upang malaman na ito ang may-ari.

Sa totoo lang ayaw niya makielam ngunit may awa siya para sa matanda. Pinaghirapan naman nito ang lahat na ito iyun nga lang sa maling paraan ginamit. Itinuring na siyang pamilya ng matanda at nagpapasalamat pa rin siya rito sa pagpigil nito sa kanya na tapusin ang sarili niyang buhay.

"Kung iniisa-isa nila ang negosyo ng matanda sa palagay ko target nila ngayon ay ang camp,"usal niya pagkaraan.

Ang underground battle na siyang pinakamalaking transaksyon ng matanda.

Natigilan siya ng mabanggit niya ang lugar na iyun. Mariin niya naikuyom ang mga palad saka hinarap ang kaibigan na tahimik na pinagmamasdan ang magulong paligid.

"Bisitahin mo ang camp. Wala tayo dapat oras na sayangin,may alam ang gumagawa na ito,"saad niya saka tinalikuran ito.

Sakay ng bigbike niya na madalang niya gamitin. Nagagamit lamang niya iyun kapag may importante siyang pupuntahan. Mas mapapabilis ang oras kung magmomotor siya. Pinaharurot niya ang bike ng maisuot ang kanyang helmet.

Malakas na preno ang pumainlanlang sa parking area ng RSA.

May palagay siya na may kinalaman ang mga ito sa pagtuklas ng mga negosyo ng matanda. Kung tama ang hinala niya marahil sunod na target ay ang camp.

Kuyom ang mga palad na tinungo niya ang entrance ng RSA. Ngunit kaagad siya hinarang ng dalawang guard. Agad na nakilala niya ang isa na siyang pinatulog niya ng nakaraan dalawang gabi.

Kinalma niya ang sarili. Hindi niya maaaring ipakita sa mga ito ang pakay niya.

"Naalala kita,ikaw yun nakaraan na may hinahanap?"untag ng isang guard.

Tumango siya saka ngisihan ang mga ito.

"Oo mga,Pare! Nagkita na kami at...gusto ko sana puntahan siya ngayon,may importante lang ako pakay sa kanya,"wika niya.

Nagtinginan muna ang dalawa guard.

"Ang may access id lamang ang makakapasok sa loob,hindi ka ba niya sinabihan?"

Nauubos ang pasensya niya ngunit sa bandang huli natanto niya na nagpadalos-dalos siya.

Damn it.

Kung uulitin niya ang ginawa nakaraan para lang makapasok sa tingin niya hindi uubra bukod sa umaga pa marami pa ang papasok pa lang na empleyado sa loob.

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon