Hindi nag -abalang lingunin ni Amjad ang kapapasok lang na si Sitti. Malapit na niyang matapos ang antidote. Abala siya sa pagsipat sa likido gamit ang microscope.
"Nagawa ko na ang isa sa pinapagawa mo,"untag nito sa kanya. Nanatili siya sa kanyang ginagawa.
"Nasa ICU si Mr. Marion Diones,inatake siya sa puso ng mabalitaan niya ang nangyari sa casino niya,"inporma nito.
Ang dalawang klase ng likido ay unti-unti nagsasanib. Ang likido mula sa lason at ang likido mula sa antidote. Naiinip na siya na matapos ang antidote. Hinintay niya ang pagbabago nito pero bigo pa rin siya. Mas nanaig pa rin ang lason kaysa sa antidote.
"Anong sunod ko gagawin?"
Nilingon niya ito at tinanggal ang mask na suot saka tuluyan ito hinarap.
"Mas interesado ako sa target,"tugon niya.
Mariin ang titig nito sa kanya at kahit sumang-ayon ito sa utos niya ramdam pa rin niya ang disgusto nito.
"Tungkol sa bagay na yan maghintay ka. Ako naman ang papatay sa kanya kaya...maghintay ka,"may galit sa tono nitong sabi.
"Maikli lang ang pasensya ko,bata.."mariin niyang tugon rito.
Bumadha ang galit sa mukha nito.
"Hindi madali sakin ang pinapagawa mo,Ms.Casler!"bulalas nito sa kanya.
Tumindig siya at humalukipkip sa harapan nito. Napalunok ito ng ilang beses.
There. Dapat lamang ito matakot sa kanya.
"Sa pakikipaglaban wala ka dapat sinasanto..hindi ka mabubuhay kung paiiralin mo ang awa,"mariin niyang sabi.
"Alam ko. Hindi mo na kailangan pang pangaralan ako. Ayoko lang na pinapangunahan mo ako. Nasa kamay ko ang buhay niya,"mariin nitong tugon.
"At nasa kamay ko naman ang buhay mo,"agad na sabi niya na lalong nagpakita ng galit nito.
"Ang Club,"usal niya.
Napakuyom ito ng mga palad.
"Sasamahan ka ni Simon para mahuli ang maling gawain sa likod ng club na iyun,"aniya saka tinalikuran ito. "Isunod mo ang pinagkukutaan ng mga sindikato kung saan pinahirapan nila si Miad. Alam kong nagpapatuloy pa rin ang matandang iyun sa pagbihag sa mga bampira para pagkakitaan,"dagdag niya.
Nakasunod lamang ito sa kanya. Tumigil lamang siya sa paghakbang ng makita ang paglapit ni Simon.
"May ipapagawa ka,Miss?"agad nito bungad sa kanya pagkalapit nito.
"Oo. Si Sitti na ang bahala,"tugon niya saka iniwan ang mga ito.
"Bakit ka umalis na wala man pasabi sakin?"sita ni Simon sa dalaga.
"Bakit? Tatay ba kita para magpaalam sayo?"
"Tsk. Pinatuloy kita tapos bigla ka mawawala na parang bula,saan ka tumutuloy ngayon?"
"Hindi mo naman trabaho alamin kung saan ako nakatira ngayon,"mataray na tugon nito.
Hindi niya nililingon ang pagtatalo ng dalawa habang nakatanaw siya sa glass window kung saan tanaw niya sa labas si Rowena.
Sa oras na matapos ang antidote tuluyan na itong magiging tao. Imposible iyun sa iba pero sa isang katulad niya na maraming kaalaman at maraming ginugol sa pag-aaral ay magiging posible sa kanya.
"Sana lang hindi ako sumablay dito dahil sayo!"
"Talaga ako pang sinabihan mo,rookie!"
Masyado maingay ang dalawa ito para sa pag-iisip niya kaya naman nilingon niya ang mga ito at kaagad naman natahimik.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAngge
VampirosPLEASURE. Amjad Casler,isang matagumpay na negosyante sa mundo ng mga tao kung saan pinili niya mamuhay kasama ang dalawang matalik na kaibigan na pare-parehong nag-iiba uri na nilalang. Bampira ang tawag sa uri na pinagmulan nila pero napatagumpaya...