Amjad admitting it. Naaapektuhan siya sa galit ni Sitti para sa kanya. Tinanggap niya iyun kahit ayaw niyang maramdaman. Naiintindihan naman niya kung saan nanggagaling ang galit nito sa kanya.
But Sitti looks scared. Takot ba ito sa kanya...o takot ito na magtagpo sila ng kuya nito na inakala nitong patay na.
Ilang taon na ang lumipas siguro naman hindi iisipin ng mga ito na guguluhin pa niya ang mga ito.
Hindi na. Ayaw na niya mainvolved pa sa magkapatid kahit sa kaibuturan ng puso niya ay umaasa na makita ang mga ito muli..lalo na ang dating asawa.
Nacancel ang flight niya pabalik ng pilipinas dahil sa paparating na bagyo doon kaya may isang araw pa siya para mamasyal kahit saan siya dalhin ng kanyang mga paa.
Sa araw iyun tahimik na pinagmamasdan niya ang mga namamasyal na mga tao. Kapamilya, magbabarkada at magkasintahan sa parke na kinaroroonan niya. Nakaupo siya sa ilalim ng isang puno habang nakatanaw sa malawak na pasyalan. Lahat banyaga may iilan din mga pilipino na nakikita niya marahil nagkatrabaho dito o dito na nagkapamilya.
Sa totoo lang wala naman siya pakielam sa paligid niya. Marahil nabuhay siya naiiba. Si Damir,ang taong minahal at pinagkatiwalaan niya ang siya nagturo sa kanya paano mag-appreciate ng kahit anong bagay sa paligid niya kahit maliliit na bagay pa pero dahil sa pagtatraydor nito sa kanya. Hindi na niya alam kung paano bigyan pa ng pansin at atensyon ang kahit na anong bagay sa mundong ito.
Mga tilian ang pumukaw sa kanya. Napabaling ang tingin niya mula sa pagtitig niya sa kawalan kung saan nanggagaling ang mga tilian iyun.
Nagkakagulo ang lahat. Sigawan,umiiyak at galit na nagsisigawan.
Isang alagang aso ang kasulukuyan panay ang sugod sa isang batang lalaki. Wala makatangka na lumapit man lang dahil masyadong agresibo ang aso kahit na ang amo nito ay kinakagat na.
"Jusko,baka mamatay na yun bata!!!"awang-awa sabi ng isang pilipino na wala magawa upang tulungan ang kawawang bata.
May mga pulis na ang dumating at sinusubukan na awatin ang aso na sakmal pa din ang braso ng bata.
They have to calm and quiet. Mas lalo lang magiging agresibo ang asong iyun kung matitrigger ang mga ito dahil sa banta na nararamdaman ng hayop.
Napabuga siya ng hininga. Hindi na peaceful ang paligid. Tumayo na siya upang lisanin ang lugar.
"H-help me,Mama..please..i don't want to die..."pagmamakaawa ng bata sa gitna ng pag-iyak nito.
Natigil sa paghakbang si Amjad ng marinig ang sinabi ng batang iyun. May awa siyang nararamdaman. Is she help him or...ignored it?
"Sinamantala mo pagiging mahina ko para gawin ito..you want me to killed my own brother. Wala kang puso!!! Hindi ka marunong maawa!"
Ang mga salitang iyun na lagi dumadalaw sa isip niya. Ang poot at galit sa kanya ng isang tao na nagdudulot din ng galit para sa kanyang sarili.
Awa?
Naawa ba sa kanya si Damir ng traydurin siya nito?
Kuyom ang mga palad na inihakbang niya ang paa upang tuluyan ng lisanin ang lugar.
"Help me..i want to say sorry to my sister to always fight with her..save me,"
Sa isang iglap, ang buong paligid ay huminto. Ang mga tao sa paligid ay di na gumagalaw bagamat humihinga pa rin ang mga ito.
Ang mga yabag na mula sa mga paa ni Amjad ang tangi siya lang pumapainlanlang ng mga sandaling iyun habang palapit sa kinaroroonan ng bata.
Nang marating ni Amjad ang bata na kagat pa din ng aso ang damit ng bata sa bandang braso nito. May bahid ng dugo ang punit na nitong damit.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAngge
VampirPLEASURE. Amjad Casler,isang matagumpay na negosyante sa mundo ng mga tao kung saan pinili niya mamuhay kasama ang dalawang matalik na kaibigan na pare-parehong nag-iiba uri na nilalang. Bampira ang tawag sa uri na pinagmulan nila pero napatagumpaya...