Kabanata 17

166 13 0
                                    

Sinuyod ni Amjad ang buong kapaligiran. Napupuno ng iba't-ibang uri mga bulaklak ang lugar. Kailan na nga ba ang huli ng makaamoy siya ng bulaklak o makahawak man lang?

Hindi na niya tanda. Makakita man siya ay hindi niya pinapansin pa.

"Maraming salamat! Sa susunod po ulit!"

Napabaling ang mga mata niya sa pamilyar na boses na iyun.

Pinagmasdan lang niya ang may-ari ng boses na iyun mula sa kinatatayuan niya habang tinatanaw ng hatid ng babae ang dalawang magkapareha na may bitbit na dalawang boquet na bulaklak.

Pumihit ang babae at nagtama ang mga mata nila. Nanlaki ang mga mata nito ng makita siya nito.

Nang makabawi naman ito mula sa pagkagulat ay mabilis ang hakbang nito lumapit sa kinatatayuan niya.

"Ikaw pala! Hindi ko inaasahan na pupunta ka rito?"di makapaniwala nitong turan sa kanya.

Tumango lamang siya at mariin na tinitigan ito.

Mahinhin na ngumiti ito sa kanya. She's wearing a pink apron with a name of her flower shop print on it.

"Dumaan lang ako para kamustahan ka,"untag niya rito.

Napangiti ang babae. "Maraming salamat sa pangangamusta mo,Ms.Casler..mabuting-mabuti ako!"

"Hon!"pagsulpot ni Alex sa tabi nito.

Agad na napadako ang tingin nito sa kanya.

"Doktora! Ikaw pala,"untag nito sa kanya.

"Hindi na ko magtatagal,"paalam na niya.

"Ms.Casler! Maraming salamat ulit!"pasasalamat ni Rowena.

Akala niya hindi na siya magtatagumpay na tuluyan na mawala ang lason sa katawan nito. The antidote give her a second life. Mabubuhay na bilang tao na.

Namuhay ng normal na tao. Nagsimula muli na isang ganap na tao na. Nagtayo ng negosyo na hindi nito inakalang mahihiligan nito. Ang flower shop nito na katulong ang kasintahan nitong si Alex.

Hindi ito iniwan ni Alex,Khalif's bestfriend who turn into vampire because of his beloved,Rowena.

Tinatahak niya ang gilid ng kalsada. Maraming mga tao na kagaya niya ang naglalakad o papauwi na sa kani-kanilang tahanan. Panahon ng taglamig sa lugar na iyun. Natataasan ang mga gusali. Buhay na buhay ang mga establisyemento kung saan labas-pasok ang mga parokyano. The place is very foreign. Ang lugar na malayo sa kinagisnan nila magkakaibigan. Ang lugar na walang mag-aakala na may isang hindi ordinaryong nilalang ang nakakahalubilo ng mga normal na tao.

Suot ang kulay itim na coat na sa ilalim ay sweater na pula at jeans na pinaresan ng combat boots. Her long hair swaying while she's walking. Napadpad lamang siya sa lugar na ito upang bisitahin ang magkasintahan.

Sa ilang hakbang na lamang ay paliko na siya sa isang iskinita ng matigilan siya. From afar,she heard a screaming from a woman voice. Tilian at ingay ng makina mula sa isang sasakyan.

"Help! Please,my bag!!!"

Sa kinatatayuan niya ay nakita niya ang dalawang lalaki na nakahelmet habang sakay ng isang single motor. Ang isang sakay na nasa likod ng nagmamaneho ay may hawak ng isang shouder bag na siyang marahil pag-aaari ng babae na humihingi ng tulong.

Matulin ang pagtakas ng dalawang snatcher. Lumagpas ito sa kanya. Sa bilis ng pagmamaneho nito ay natitiyak niyang sanay na ito sa gawain iyun.

"Help!!! Help!!! Help!!!"humihingal na pagtakbo ng babaeng na nasa middle age na.

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon