Amjad going to her headquarter now pagkatapos ng mahabang araw na paghihintay ng update sa misyon ni Azraq.
But there is unusual keep following her steps.Alam ni Amjad na may sumusunod sa kanya kanina pa.
She acting normally as if she didn't know that dumb moves.
Nang marating niya ang teritoryo niya papasok sa kanyang headquarters ay sandali na tumigil siya saka nagpasyang lumiko kung saan matatagpuan ang kinaroroonan ng isang sapa.
That place full of potion when you mistake to step in.
Tinahak niya ang mga nakaharang na mga sanga-sanga. Ang maiingay na huni ng mga hayop sa paligid at ang mabining pag-ihip ng hangin na anuman oras ay babagsak ang nagbabadyang ulan.
Patuloy pa rin sa pagsunod sa kanya kung sino man tangang nilalang na iyun na sumuong sa pag-aaari niya.
Hindi ba niya alam kung buwis buhay lang ito para lang magtagumpay sa balak nito o wala talaga ito alam sa kinasusuungan nitong panganib.
Naririnig na ang pag-agos ng tubig ilang hakbang na lamang ang layo. Sa normal na paghakbang ay narating ni Amjad ang sapa.
Tumigil siya sa gilid ng umaagos na tubig na hindi naman ganun kalalim. Napakalinaw niyun. Tila ba nakatingin ka sa salamin sa sobrang linaw ng tubig at sa ilalim niyun ay ang iba't-ibang uri ng isda ang nanahan.
Ang mga isda na siya lang magtatagumpay na mabuhay sa lugar na iyun.
Lumuhod siya saka sumalok ng tubig gamit ang pinagdikit niyang palad saka sumimsim roon.
Gaya ng inaasahan niya ay sariwa at malinis ang lasa ng tubig.
Muli niya binaba ang mga palad sa tubig pero sa pagkakataon iyun ay para damputin ang natatagong armas na nakakubli sa mga bato at walang mintis na iniitsa iyun sa kinakukublihan ng kanina pang sumusunod sa kanya.
Isang daing ang naging tugon sa pag-atake niya. Patamad na tumayo si Amjad at sa mabagal na hakbang ay tinungo ang kinaroroonan ng pinagmulan ng ingay na iyun.
Tumigil sa paghakbang si Amjad ng makita ang isang lalaki na putlang-putla na nakasalampak sa likod ng puno habang nakabaon sa balikat nito na malapit sa puso nito ang silver swiss dagger niya.
Nagsisimula ng umitim ang ugat nito mula sa nakabaon na dagger.
"Hindi ko alam kung may pagkatanga ka lang para sumunod pa dito,"sarcastic na usal niya habang nakatunghay sa nag-aagaw-buhay na bampira.
Bukas-sara ang namumutla nitong mga labi. Nanlalaki ang mga mata nito na kasingkulay ng dugo ngunit nagsisimula na din mangitim ang maliliit na ugat nito sa mata.
Base sa itsura nito ay makikita ang mga sugat na tinamo nito mula sa mga sanga kung saan nababalutan iyun ng nakakamatay na lason.
"Ohh? Hindi ka kasi nag-ingat sa dindaanan mo,"kunwa'y nakikisimpatya niyang saad.
Umigik ito at hirap na hirap na sa paghinga.
Yumukod si Amjad hanggang sa maingat na inilagay sa ilalim ng baba nito ang isang daliri niya saka iniangat ang mukha nito na kasingkulay na ng isang bangkay.
"Binuwis mo ang sarili mong buhay para lang sa isang utos..hindi na siya naawa sa mga tulad niyo na hangad lang din naman ay magkaroon ng mahabang buhay,"wika niya.
Hindi na niya kailangan pang tanungin ito kung sino ang nag-utos rito na sundan siya.
Umayos ng pagkakatayo si Amjad at sa malamig na tingin ay pinanuod niya ang unting-unti paglaho nito.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAngge
VampirePLEASURE. Amjad Casler,isang matagumpay na negosyante sa mundo ng mga tao kung saan pinili niya mamuhay kasama ang dalawang matalik na kaibigan na pare-parehong nag-iiba uri na nilalang. Bampira ang tawag sa uri na pinagmulan nila pero napatagumpaya...