Nakatuon ang buong atensyon ni Amjad sa ginagawa niyang bagong gamot na ibibenta niya sa mercado. Sa likod ng ibang pangalan na ginagamit niya ay iyun ang kilala ng lahat na siyang nakakaimbento ng mga mabisang gamot na in demand sa larangan ng medisina.
Napukaw lang ang atensyon niya ng magvibrate ang phone niya ng makita sa screen na si Simon ang tumatawag ay sinagot niya ang tawag nito.
"Miss,hindi ba sabi mo nandito ka na?"bungad ni Simon.
Mula sa repleksyon sa dingding na gawa sa mga salamin ay natanaw niya ang paggalaw ng babae na pinatulog niya.
Na napag-alaman niyang,Sitti Aben ang buong pangalan nito.
"May kinailangan akong gawin. Magkita na lang tayo ngayon gabi,"tugon niya saka pinutol ang linya.
Nang makitang nanghihina na umuupo ang babae ay saka siya tumayo at nilapitan ito.
Napasinghap ito at agad na bumadha ang pangamba sa mukha nito pero mababanaag ang tapang sa mga mata nito. Marahil ay pinipilit nitong magmatapang sa harapan niya.
Sinuksok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kulay pula niyang roba. Saka malamig na pinukulan ng tingin ang babae.
"Gising ka na pala,"untag niya rito.
Lumunok ito at saka mabilis na sinuyod ang paligid.
"Nandito ka sa labatoryo ko,"pagsagot sa tanong nito sa isip.
Nanlaki ang mga mata nito na nasagot niya ang tanong na nasa isip lamang nito.
This girl know about vampire.
Interesting.
"Aware ka tungkol sa tulad ko,"deretso niyang sabi rito.
Napalunok itong muli pero mababanaag na ang tapang sa mukha nito. Tila ba na handa itong lumaban sa kanya kahit ano pang mangyari.
"Hindi dapat hinahayaan mabuhay ang mga taong may alam tungkol sa mga tulad ko,"pananakot niya rito na kinalaki muli ng mga mata nito.
Dumapo ang kamay nito sa beywang nito at pasinghap na ibinalik sa kanya ang mga mata nito na ngayon tumalim na. Isang klase ng tingin na handang pumatay.
Nabaling ang mga mata nito sa kinaroroonan ng patalim nito na siyang kasulukuyan na pinag-aralan niya at kinompirma na iisa nga ang lason na nakalagay sa patalim na halos pumatay kay Rowena.
"Gustuhin ko man kayo patayin lahat baka naubos ko na ang mga bampira sa agency!"angil nito sa kanya ng ibalik nito ang mata sa kanya.
"Nagpapanggap na mga normal na tao pero ang totoo mga halimaw kayo! Mga mamatay tao!"galit nitong sigaw.
May galit. Galit ito sa mga tulad niya.
"Wala akong pakielam kung galit ka sa mga tulad ko. Kung gusto mo pwede kitang tulungan para patayin silang lahat,"hamon niya rito na kinaawang ng mga labi nito.
Humakba pa siya palapit rito saka nilahad ang isa niyang palad sa harapan nito.
"Ako si Amjad..pwede kitang tulungan na paslangin ang lahat ng mga bampira hanggan sa mawala ang galit mo sa kanila o kahit maubos mo pa ang mga kalahi ko,"pag-alok niya rito.
Maang itong sumulyap sa nakalahad niyang palad rito. Sa oras na tanggapin nito iyun ay sumasang-ayon ito sa kagustuhan niya.
"Gaano ako nakakatiyak na wala kang masamang gagawin sakin?!"paniniguro nito.
Napaigtad ito ng bigla na lamang nasa kandungan na nito ang armas nito.
Awang ang mga labi na ibinalik nito ang tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAngge
VampirePLEASURE. Amjad Casler,isang matagumpay na negosyante sa mundo ng mga tao kung saan pinili niya mamuhay kasama ang dalawang matalik na kaibigan na pare-parehong nag-iiba uri na nilalang. Bampira ang tawag sa uri na pinagmulan nila pero napatagumpaya...