Kabanata 2

160 12 1
                                    

Payapa ang alon ng dagat sa dalampasigan. Hindi namalayan kung gaano na katagal sa dagat si Amjad saka lamang siya umahon ng maramdaman na may pamilyar na presensya sa paligid.

Wearing a black two piece swimsuit fitted on her curved lean body. Sa pagtama ng panghapon araw sa basa niyang balat ay tila naging crystals ang mga butil ng tubig sa pagkislap niyun. Her long blackjack hair heighten her pearl skin.

Blanko at malamig na tumutok ang mga mata niya sa bulto na nakatayo sa ilalim ng puno ng buko. Nginisihan siya nito at isang sipol ang tinugon nito.

"Kamusta?"nakangisi nitong untag sa kanya pagkalapit niya sa kinatatayuan nito. Inunahan siya nito sa pagkuha ng kulay pulang roba.

Wala pa rin emosyon na makikita sa kanyang mukha na inabot niya iyun mula rito.

"Thank you.."usal nito.

Hindi niya ito pinansin at tinalikuran na ito upang bumalik na sa rest house na pag-aaari niya.

Ang isla na pag-aaari niya.

"Nahanap ko na siya!"saad nito habang sumusunod sa kanya paakyat sa hagdan paakyat sa kanyang rest house.

Huminto siya ng matapat siya sa bukana ng bahay at nalingunan niya ito na may malaking ngisi sa mga labi nito.

"Magrirelax ako kaya sinadya kita dito!"pagtaas ng mga braso nito.

Minsan nauubos ang pasensya niya sa lalaking ito kung hindi lamang mahusay itong empleyado nila at sekretaryo ni Hessah na si Simon ay hindi siya magtatyaga na hingan ito ng pabor.

Yes,she can do it on herself but her pride and hatred can't.

"Nasa table ang information na nakalap ko,"nakangisi nito sabi saka mabilis na tinalikuran siya at bumalik sa karagatan.

She went inside her house. Agad natanaw niya ang isang kulay pulang envelope na nasa center table sa salas niya.

Dinampot niya iyun at agad na sinuri ang nakasaad roon.

"Anong balak mo sa kanya?"

Natigilan siya sa biglaan pagtanong iyun ni Simon na bigla na lamang sumulpot sa likuran niya. Their skills as  a vampire.

Binalik niya sa center table ang hawak at tinahak ang mahabang hagdanan paakyat sa pangalawang palapag kung saan naroroon ang silid niya.

"Damir sletto now named as Azraq Vlamor? Sino ba siya?"kuryusong pagtatanong nito.

Napahinto siya sa bahagi na ng gitna ng hagdanan.

Nilingon niya ito at hindi man lang nabahala ito kung nauubusan na siya ng pasensya sa pang-uusisa nito.

Simon knew her. Alam nito na ayaw niya sa matanong at paulit-ulit na tanong. Higit sa lahat na pakielaman siya sa lahat ng bagay na lalo sa isapin pribado ngunit mukhang handa ito masaktan masagot lang ang mga katanungan sa isip nito.

Nakatingala ito sa kanya at nakatunghay naman siya rito.

"Dati siyang tao na naging bampira,"wika nito.

Naikuyom niya ang mga palad. Ang katanungan iyun na gusto niya masagot.

Paano naging bampira ang dating asawa kung iniwan niya ito na wala ng buhay.

"Isa naman tao si Mr.Vladmir,ang matandang nagpahirap kay Miad,maraming pagmamay-ari ng mga legal na negosyo at isa pinakaiingatan ay iyun underground na paligsahan na halos ikamatay ni Khalif,"saad nito.

"Kuryuso ako kung paano naging bampira si Damir. Hindi ba kayo pa lamang ng mga panahon iyun ang namumuhay sa mundong ito?"

Right. Simon is right.

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon