Kabanata 19

140 14 1
                                    

Sa rooftop ng hospital iyun ay tahimik na nakatanaw si Amjad sa papalubog na araw habang gayun din na tahimik sa gilid niya na si Azraq.

Dinala siya ni Azraq sa rooftop matapos siyang mahimasmasan mula sa pag-iyak.

Naikuyom ni Amjad ang mga palad. Hindi siya makapaniwala na nangyari yun. Ang bigla na lang maging mahina sa harapan nito. Ang ipakita rito ang emosyon na hindi niya hinayaan na mailabas. Pero huli na ang lahat. Nasaksihan na nito at...hinayaan niya.

"I still not stop to asking for your forgiven,Amjad.."mayamaya pagbasag nito sa katahimikan sa pagitan nila dalawa.

Pinatili niya ang mga mata sa unahan.

"..hangga't nabubuhay ako di ako titigil,"dugtong nito.

"And also..my love for you is still here in my heart,"anito.

Naramdaman niya ang pagpihit nito paharap sa kanya.

"Walang araw na hindi kita iniisip. Bawat oras na naalala ko ang lahat na ginawa ko sayo noon tao pa lang ako..hindi ko magawang tumingin sa salamin. Hindi ko maisip na nagawa ko yun sayo,"puno ng pagsisisi nitong sabi.

"Amjad,al--"

"Enough,"malamig niyang pagputol sa sasabihin pa nito. Sa pagkakataon iyun ay ibinaling na niya rito ang atensyon.

Namumula ang mga mata nito. Nakaawang ang mga labi. Mababanaag sa mukha nito na tinatamaan ng sikat ng papalubog na araw ang takot at sakit.

"Hindi na kailanman mababago pa ang lahat ng pagsisisi mo ngayon,Damir. "

Binalot ng sakit ang mukha nito.

"Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?"usal nito sa mahinang boses ng ibaba nito ang tingin.

Hindi nakaimik si Amjad.

Nagkuyom ng mga palad si Azraq saka sa pangalawang pagkakataon ay lumuhod muli ito sa harapan ni Amjad.

You stupid!

"This is my last chance to asking for your forgiveness. Sa oras na umalis ka ngayon sa harapan ko alam kong hindi na kita makikita muli,"saad nito ng itingala sa kanya ang mga mata nito.

Puno ng pagsusumamo ang mababanaag sa mga mata nito. His last hope. His last chance.

Mariin na naikuyom ni Amjad ang mga palad.

Bakit?

Bakit siya nasasaktan?!

Bakit binubuhay nito ang mga emosyon na napakatagal na niyang hindi nararamdaman!

"For the nth time,i want to say so--"

Isang malakas na sampal ang siyang nagpahinto sa pagsasalita ni Azraq at muli pumainlanlang ang ingay na yun. Dalawang beses..tatlo...apat ..lima..anim na beses.

Nanginginig ang mga daliri ni Amjad ng tigilan ito sa pagsampal kay Azraq.

Nakapaling sa kaliwang bahagi ang mukha nito at ng bumaling paharap sa kanya ang mukha nito ay noon lang natanto ni Amjad ang impact ng sunod-sunod na sampal na kanyang binitawan rito.

May bahid ng dugo ang gilid ng mga labi nito. Pulang-pula ang magkabila nitong pisngi.

"Kulang pa...kulang pa ang mga sampal na yun para maramdaman mo ang sakit na pinaramdam mo sa akin noon. Ang manhid na ngayon na nararamdaman ko para hindi ka patawarin,"usal niya sa malamig na tono. Mahihimigan ang pait at suklam sa bawat salita na binibitawan niya.

"I'm willing to give my head to you,Amjad. Mapatawad mo lang ako,"paos ang boses na saad nito. May butil ng luha ang umagos sa magkabila nito pisngi.

She hate it!

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon