Kabanata 7

105 9 0
                                    

"What do you mean?"untag ni Hessah.

Ipinaalam sa kanila ni Simon na gusto sila makausap ni Azraq.

"Hindi ba parang delikado?"si Khalif. "Wala pa rin akong tiwala sa bampira iyun,"dagdag nito sabay sulyap sa kanya.

Tahimik lamang siya nakikinig sa mga ito.

"Sa palagay ko gusto niya pa kayo makilala dahil sa nangyari noon kay Miad..at may kaibigan siya na hinahanap na nagtatrabaho sa inyo,"anang ni Simon.

"Kaibigan? Sino naman? Kaya ba siya napadpad dito?"si Miad.

"Si Sitti,"si Simon.

Napasulyap siya kay Simon na seryoso ang anyo.

Isang hagikhik ang nagmula kay Miad. "Bakit parang may selos,"humagikhik nitong turan.

Nanlaki ang mga mata ni Simon.

"Iniisip mo lang yan. Mas barako pa sakin yun,"depensa ni Simon.

"Kailan mo balak palabasin si Sitti?"untag ni Hessah sa kanya.

Napabaling siya rito. "Hindi pa tapos ang misyon niya,"tugon niya.

"Tutol ako sa pagpapadala mo sa kanya sa kampo ng mga bampira. She's still a human, "si hessah.

"Ano pa ang silbi ng armas at kaalaman niya sa pagpatay ng mga bampira kung hindi siya makakasurvive,"tugon niya.

Hindi na ito nakaimik. Napabuga na lamang ito ng marahas.

"Hinahanap siya ni Azraq,"si Hessah.

Mariin na titigan niya ito. Alam niyang may kung ano itong makahulugan na sabihin.

Ang ugnayan ng Sitti iyun sa dati niyang asawa.

Ano naman ang pakielam niya?

Magkaibigan man o higit pa roon ang ugnayan ng dating asawa sa dalaga wala siyang pakielam.

Sinuyod ni Amjad ang kabuoan ng apartment ni Sitti. Nakuha niya ang susi nito kasama sa sinurrender nitong mga gamit sa agency. Palihim na kinuha niya iyun upang mapasok ang apartment ng dalaga.

Aminado siya na di na siya mapakali mula ng malaman niya na kaibigan pala ito ng dati niyang asawa.

Damn him.

Maliit at sapat lang sa isang tao ang kabuoan ng apartment ni Sitti.

Walang interesanteng pwede usisain pero bago pa man siya magpasyang lisanin ang apartment ay naagaw ng atensyon niya ang isang pader na may mga nakadikit na mga post it note.

Tinungo niya iyun at agad na natuon ang mga mata niya sa isang papel na may imahe ng dalawang babae.

Si Miad...at siya.

Bakit may imahe nila ni Miad sa apartment ng babaeng iyun?

Kinuha niya iyun pero naalerto siya ng makaramdam ng ibang presensya. Kagaya niya na isang bampira.

Marahas na bumukas ang pintuan at mula sa itaas na kinakukublihan niya ay nakita niya na isang matangkad na lalaki na may salamin sa mga mata ang alerto na pinakikiramdaman ang paligid.

Anong ginagawa nito sa apartment ni Sitti?

Ang ingay na mula sa kanila ng lalaking bampira ang pumunit sa loob ng tahimik na silid.

They crumbled and grunt from their intense fighting.

Magaling ang lalaking bampira. Mukhang sinanay ito sa pakikipaglaban.

Ngunit base sa naaamoy niya mula rito ay isa itong dating tao na naging bampira lamang kumpara sa tulad niya na pinanganak ng bampira.

Isang malakas na igik ang nagmula sa lalaking bampira ng isadlak niya ito sa pader na halos lumubog ito roon. Gumuhit sa pader na puti ang crack mula sa intesidad ng pagkakatama nito roon.

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon