Kabanata 22

207 13 2
                                    

Warning: 🔞

Peace and silence. Iyun ang nagbibigay ng kakalmahan sa buong sistema ni Amjad habang lumulutang sa ibabaw ng dagat. Ang tanging pumapanglaw ay ang liwanag mula sa bilog na buwan. Ang mga bituan na kumukumot sa kalawakan. Ang mabining ingay ng kalmanteng alon ng dagat.

Ang gabi siyang paborito niyang oras. Ang gabi na siyang nagbibigay sa kanya ng kapayapaan at katahimikan. Ang katahimikan na ngayon ay may isang presensya na gagambala.

Nagmulat ng mga mata si Amjad ng maramdaman iyun. Nagmumula ang presensya iyun sa pampang kung saan ramdam niya na roon nakatayo ito. Nasa kalagitnaan ng malalim na bahagi siya ng karagatan naroroon ngayon habang siya ay payapang dinala siya roon ng alon.

Inilubog niya ang katawan sa tubig at tanging ulo lamang niya ang nakalutang saka sumisid patungo sa pampang. Hindi nagtagal ay walang pag-aalinlangan na umahon siya ng tubig na wala ni anong saplot sa katawan.

Deretso ang kanyang mga mata sa nagmamay-ari ng presensya na siyang gumambala sa kanya. Umagos ang tubig mula sa ulo niya at basang mahaba niyang buhok na tumatakip sa magkabila niyang dibdib.

Sa pagtama ng liwanag ng buwan ay tila crystal na kumislap ang maputing kahubdan ni Amjad dahil sa tubig na bumabalot sa kanyang balat.

"Hindi kita pinahihintulutan na pumasok sa aking teritoryo,"malamig na sita niya kay Azraq.

Tulala ito na tila ba nahipnotismo. Ngunit mababanaag sa mga mata nito ang init roon. Pagnanasa.

Nakatitig lamang ito sa katawan niya na tila ba ngayon lamang ito nakakita ng hubad na katawang ng isang babae.

Hindi naman niya maikakaila ng makaramdaman siya ng kasabikan. Oo. Mula ng mamatay ito sa harapan niya ay kailanman ay hindi na niya naranasan pang maangkin ng isang lalaki maliban rito.

Maraming beses na nauhaw siya at pinangulilaan na maranasan muli na maangkin pero nagawa niya iyun lampasan. She can do to her own. Mailabas lamang niya ang pananabik na iyun.

"Anong kailangan mo?"muli niyang pukaw rito at sa pagkakataon iyun ay tila natauhan na ito.

Napakurap-kurap ito at saka sinalubong ang blankong mga mata niya.

Nakailang lunok pa ito bagong makapagsalita. "Pinilit ko sila na sabihin kung saan kita matatagpuan dahil alam kong...hindi na ko makakapasok pang muli sa headquarters mo,"tugon nito sa mababang boses.

Mababanaag sa mga mata nito ang init ng pagnanasa...para sa kanya. Ang pamilyar na emosyon na iyun na ngayon na lamang niyang muli nakita.

"Walang dahilan para magtagal ka pa rito,umalis ka na,"pagtataboy niya rito saka humakbang upang lagpasan ito at bumalik na sa loob ng kanyang bahay.

"I miss you.."

Agad na pinigilan niya ang sarili na huwag itong lingunin o huminto man lang sa kanyang paglalakad. Tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa sumulpot ito sa harapan niya.

"Tutulong ako. Tutulungan ko kayo pigilan ang grupo ni Benedik,"saad nito.

Nanatiling blanko ang kanyang mga mata.

Hindi pinipigilan nito na sulyapan ang kanyang kahubdan.

"Plano mo ang susundin ko dahil...ang kapalit ay ang hinahangad ko mula sa iyo,"seryoso nitong sabi saka bumalik ang mga mata nito sa kanyang mukha.

Dinig na dinig niya ang ingay mula sa katawan nito.

Umangat ang isang dulo ng mga labi niya. Napakatagal na ng panahon na hindi niya naranasan muling maangkin.

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon