"Nakuha ko ang gusto ko..nakuha ko ang pinapangarap kong gamot at sila lang makakatulong sakin at nakuha ko yun dahil sayo.. mahal mo ko hindi ba? Ito lang ang magagawa mo para sakin,"sagot nito. "Tinanggap ko na hindi mo ko mabibigyan ng anak at kahit magtagumpay man ako..natatakot ako na maging halimaw lang yun at...at maging dahilan iyun para magkagulo ang mundo namin,"dagdag nito.
"Baliw ka na.."
Sa sinabi niyang iyun namuo ang galit sa mga mata ng asawa.
"Hindi ako baliw! At ayokong maging baliw na makasama ka habam-buhay!"
Bago pa man siya makareak ay sunod-sunod na putok ang umingay na kinabigla ng asawa.
Nabitawan nito ang baril na hawak at nanlalaki ang mga mata na bumaba ang tingin nito sa gitnang bahagi ng katawan nito na ngayon ay may mga dugo ng umaagos roon.
"Mga halimaw kayo!!!!!"sigaw ng babae na may hawak ng baril.
Malabo ang imahe ng babaeng kausap niya. Natitiyak siyang siya ang nagsasalitang iyun at lalo nakompirma na may bagay na bumaon sa gitna bahagi ng dibdib niya. Ang huling nagsalita iyun ay hindi pamilyar sa kanya iba ang boses sa kausap niyang babae na napakapamilyar sa kanya.
Napahigit ng hininga si Azraq ng bumangon mula sa pagkakahiga niya. Abot-abot niya ang hininga. Agad na kinapa niya ang gitnang dibdib. May bumaril sa kanya mula sa likuran.
That voice.
Awang ang labi ng maalala ang ang boses ni Amjad ng makaharap niya ito.
"Shit!!!"bulalas niya at nagmamadaling bumaba ng kama niya. Maliwanag na sa labas at natigilan siya ng maramdaman ang presensya ng kaibigan si Sitti.
Nabungaran niya ito sa kusina nakatalikod ito sa kanya at naagaw ng atensyon niya ang isang bag sa may paanan nito.
"Sitti,"pagkuha niya sa atensyon nito. Gulat naman ito napalingon sa kanila na kinasalubong ng kilay niya.
Hindi ba nito naramdaman ang presensya niya gayun malakas ang pakiramdam nito sa mga tulad niya.
"What's wrong with you?"sita niya rito ng makalapit siya sa kinauupuan nito.
Nag-iwas ito ng tingin. "Uh,dito muna ko pasamantala,"untag nito pagkaraan.
Tinitigan niya ang dalaga.
Bumuga ito ng hininga. "Napahamak ako dahil sayo kaya pagpapatira mo sakin dito ang kapalit,"mataray nitong untag sa kanya.
"May ginawa ba sila sayo?"agad na tanong niya.
"Wala."
"Sigurado ka?"paniniyak niya.
Marahas ito napabuga ng hangin. "Tirahan lang ang kailangan ko at hindi pa ko makakabalik sa apartment dahil pinapaayos pa ang sinira niyo dun,"angil nito sa kanya.
Nagtaas siya ng mga braso.
"Okay,okay! Chill!"
Inirapan siya nito. "Wala bang pagkain dito?"
"Bumili ka na lang,"tugon niya sabay ngisi rito.
"Pahingi ako pambili,"paglahad ng palad nito sa kanya.
Natawa siya sa ginawa nito. Saka binigay rito ang black card. Napangisi naman ito saka walang paalam na iniwan siya roon. Napailing na lamang siya.
Nakakatuwa din na may nakababatang kapatid ka at kahit hindi niya ito kapatid mula ng magtagpo sila ay itinuring na niya itong kapatid na bunso.
Abala ang dalaga sa kusina para sa mga pinamili nito kaya naman hinayaan na niya ito sa baba. Matapos makapagbihis ay dumeretso siya sa malaking volt sa silid niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/206313396-288-k302679.jpg)
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAngge
VampirePLEASURE. Amjad Casler,isang matagumpay na negosyante sa mundo ng mga tao kung saan pinili niya mamuhay kasama ang dalawang matalik na kaibigan na pare-parehong nag-iiba uri na nilalang. Bampira ang tawag sa uri na pinagmulan nila pero napatagumpaya...