Isang tangkay na puting rosas ay inilapag ni Sitti sa lapida ng kanyang nakakatandang kapatid na binawian ng buhay na hindi man lang nabigyan ng hustisya ang pagkamatay.
Hindi siya titigil sa paghahanap hanggat mahanap niya ang pumatay sa kanyang kapatid.
Nasisiguro niya na hindi tao ang pumatay sa Kuya niya. Tandang-tanda pa niya ang nakita niya noon sa bangkay ng kuya niya ng puntahan niya ito sa morgue.
Nanginginig ang mga kamay na inalis ni Sitti ang pagkakatakip ng puting tela sa mukha ng kanya Kuya. Agad na bumuhos ang hinagpis sa dalaga ng masilayan ang maputla at wala ng buhay ng kapatid.
"Hindi!!! Kuya!!!!"pagbuhos ng hinagpis sa dalaga. Hindi matanggap ang pagkamatay.
"Kuya!!!!"hagulhol sambit ng dalaga.
Nang mahimasmasan ang dalaga ay humihikbi na tinitigan nito ang mukha ng nakatatandang kapatid hanggan sa maagaw ang atensyon niya sa dalawang butas sa bandang leegan nito.
She is still student. Inaaral ang kasaysayan ng mga bagay-bagay sa mundo. Mahilig pagdating sa mga misteryosong bagay lalo na gaya ng nakikita niya hindi niya akalain na posible pala mangyari sa tunay na buhay na tangin sa libro lamang niya nababasa. Isang kwento lamang mula sa isang manunulat na nagbibigay lamang ng aliw sa mga kagaya niyang mahilig sa pantasya.
Nanginginig ang mga daliri na maiiging sinuri ang dalawang bagay na yun sa balat ng Kuya niya.
Napakimposible.
Ayon sa pagsusuri ay walang anuman sugat o tama tinamo ang kanyang Kuya saliwat sa naireport na binaril ito ng napangasawa nito. Authority hunt her but sadly,she died on accident.
Pero ngayon hindi o anuman pa man ang kinamatay ng Kuya niya. Kundi may halimaw na pumatay sa Kuya niya na hindi paniniwalaan ninuman kung magsasalita siya kaya naman ginawa niya ang lahat na imposibleng bagay para lamang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang Kuya.
"Papatayin ko silang lahat,Kuya..."usal niya habang nakatitig sa lapida ng kanyang Kuya.
Dalawang dekada ang ginugol niya sa paghahunting ng mga bampira at marami na siyang napatay at ang huling napatay niya ay isang babaeng bampira na umatake sa kanya noon.
Sa isang maliit na apartment ay sinulyapan ni Sitti ang kinaroroon ng papel na may nakaguhit na dalawang imahe ng babae.
Ang ginuhit ni Azraq. Ang mga imahe na pinapahanap nito sa kanya. Wala siyang ideya kung anong ugnayan ng mga ito kay Azraq dahil ng makita niya ang dalawang imahe sa papel ay kilala niya ang isa samantala ang may blankong emosyon sa mukha ay hindi niya maalala kung nakita niya ito at wala siya matandaan marahil ay hindi pa niya ito nakikita pero umaasa siya sa pamamagitan ng isang mukha ay makita din niya ang pangalawang babae.
Naikuyom niya ang mga palad ng titigan niya ang papel na nakadikit sa pader kasama ang ibang mga papel at notes doon.
May duda siya sa pagkatao ng unang mukha pero dahil hindi pa naman niya ito pormal na nakakaharap at natatanaw lang sa malayo ay nararamdaman niyang katulad din ito ni Azraq.
Si Simon ang lalaking kung bulgaran ipakita sa kanya ang pagkakagusto nito sa kanya ay isang bampira!
Kung maaari lang niya ito patayin pinatay na niya ito pero nagagamit niya ito para makatagpo ng mga kauri nito. Ang Security Agency iyun na may malaking inililihim sa likod ng normal na pagsiserbisyo nito sa mga tao.
Minsan na niyang sinubukan na palihim na puntahan ang misyon nina Simon. Ang pagpuksa ng mga ito sa mga ganid sa dugo na mga kauri nito. Ang mga bloodsucker.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAngge
VampirePLEASURE. Amjad Casler,isang matagumpay na negosyante sa mundo ng mga tao kung saan pinili niya mamuhay kasama ang dalawang matalik na kaibigan na pare-parehong nag-iiba uri na nilalang. Bampira ang tawag sa uri na pinagmulan nila pero napatagumpaya...