Simula

271 16 3
                                    

Puno ng pagmamahal na pinagmasdan ni Amjad ang asawa na si Damir,ang tanging tao na tumanggap sa totoong katauhan niya. Nakilala niya ang binata ng maging Professor siya nito sa huling taon nito sa kursong medical. Naging inspirasyon sa binata na makilala siya nito at dahil para sa mga tao kasalanan ang maugnay ang guro sa istudyante ay naging malamig at istrikta siya sa binata pero hindi ito sumuko na mapalapit sa kanya hanggang sa tuluyan na nahulog siya sa binata.

Sa dekada ng kanyang buhay sa mundo nito ay ang asawa lang niya ang hinayaan niyang mapalapit sa kanya lalo na pagkatiwalaan ito. Naging lihim ang pag-iibigan nila nito hanggang sa makatapos ito.

Noon lamang naging legal sa paningin ng mga tao na nakapaligid sa kanila ang kanilang pagmamahalan.

Iisa ang puso nila pagdating sa medical kaya naman napagkasunduan nila na sabay na mag-aral pa ng mas malalim pa tungkol sa medikal sa ibang bansa. Lumipas pa ang mga taon ay nagtatanong na ito tungkol sa mga napapansin nito sa kanya gaya na hindi siya nito nabubuntis gayun sa tuwina ay walang proteksyon na ginagamit at gusto naman nito na magkaanak sa kanya kung kaya naman pinakasalan siya nito kahit hindi iyun kasal na pinapangarap ng mga tulad niyang babae.

Wala iyun naging problema sa kanya ang pinakamahalaga sa kanya ay ang makasama ito ng matagal pero may pangamba pa rin iyun kaakibat.

Hanggang kailan siya maglilihim rito?

Sa hindi inaasahan pangyayari ay aksidente na nasagi nito ang ilan sa mga tube na ginagamit nila para sa pag-aaral nila sa paggawa ng gamot at aksidente na nadulas siya ng tangka niyang hilahin ang importanteng papel kung saan nakasulat roon ang mahahalagang impormasyon tungkol sa ginagawa nilang gamot na hindi naman niya inaasahan na madulas siya at matumba sa sahig at matalsikan ng mga bubog na ang ilan ay bumaon sa kanyang kamay at braso.

"Baby! Shit!"nagpapanik na dinaluho siya ng asawa ng makita ang kalagayan niya.

Huli na para ikubli rito ang parte na natamaan ng bubog ng tanggalin nito iyun at natulala ng makitang mabilis na naghilom ang parte kung saan bumaon ang hinugot nitong bubog.

"W-what happen?"tuliro nitong usal. Nakaawang ang mga labi at nanlalaki ang mga mata sa likod ng suot nitong salamin.

Wala siya magawa. Siya mismo ay hindi inaasahan ang mabilis na aksyon nito. Hindi na niya maitatanggi rito ang nasaksihan nito. Kung gagamitan man niya ito ng isa sa kakayahan na makakapagbura ng alaala ay pinili niya na malaman na nito ngayon ang totoo niyang pagkatao.

Blanko at seryoso na anyo ang pinakita niyang anyo rito.

Tulala pa rin ito at shock pa rin.

"Alam kong maraming beses mo ng tinangka na tanungin ang mga bagay na napapansin mo sakin,"usal niya.

Ganun man ang emosyon na pinapakita niya sa asawa sa loob-looban naman niya ay ang sakit at takot na baka hindi siya nito matanggap.

May magagawa ba siya kung hindi siya nito tanggapin?

Ano gagawin niya?

Buburahin ba niya sa alaala nito ang pagtatagpo nila ng asawa at muli mamumuhay ng mag-isa?

Hindi niya kaya. Mahal na mahal niya si Damir. Hindi niya kaya na mawala ito sa kanya kung kailan ibinigay na niya ang lahat dito.

Hindi niya kaya. Hindi.

Pinigilan niya ang pamumuo ng luha sa mga mata niya at mas lalo pinatigas ang anyo.

"A-ano ka?"untag ng asawa sa kanya.

Ang salita iyun na kinatatakutan niyang marinig sa buong tanan ng buhay niya.

"Ano ka?!"pagtaas ng boses nito na siyang sumaksak sa puso niya.

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon