Kabanata 13

142 9 0
                                    

Inilapag ni Amjad ang hawak na notepad sa pahabang lamesa ng kung saan madalas siya doon mag-isip at mamahinga kapag nasa headquarter siya ng mailahad sa kanya ang lahat ni Alex. Ang kaibigan ni Khalif na naging bampira dahil sa kagagawan ni Rowena.

Alex fell in love to Rowena. Wala naman siya pakielam sa mga ito.

Nasa kabilang dako naman si Sitti ,nakasandal sa puting pader habang nakahalukipkip ang mga braso sa harapan at tahimik lang nakamasid sa kanya. Samantanla nasa malapit naman sa kanya si Simon na patagilid na nakaupo sa mesa nakahalukipkip rin ang mga braso habang nakatingin sa kanya.

Tumayo siya at hinarap si Alex na naghihintay ng tugon niya.

"Tinanggap mo?"paniniyak niya. Wala pa sa plano ng mga ito ang kahihitnatnan ng sitwasyon lalo na pinangungunahan ito ni Sitti.

"Hindi,wala pa naman yun sa sinabi ni Sitti at Simon,"sagot nito.

Bumaling siya kay Simon ng umayos ito ng pagkakatayo.

"Sa palagay ko malaking pagkakataon ito para mapadali ang mission,"nakangisi nito sabi sabay lingon sa dalaga na tahimik lang nakamasid.

"Makikipagnegosasyon tayo sa kanya,"dugtong nito kaagad.

Nangunot ang nuo niya.

"Gusto niya ng proteksyon at nandyan ang RSA,"malaki ang ngisi nitong patuloy.

"Sa tingin mo may tiwala siya sa RSA?"tugon niya.

"Kayo nina boss at Miad ang haharap sa kanya,"tugon nito na akala nito ganun kadali iyun.

They already know their illegal business.

Hindi malabo na paghinalaan sila ng lalaking iyun na baka may kinalaman sila sa mga nangyayari lalo na iyun ang isa sa layunin ng RSA.

Umiling siya. "Mukha nakalimutan mo na,Simon.."tugon niya sa paraan na hindi makukuha ni Sitti.

Natahimik si Simon at agad nito nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Bakit hindi niyo subukan? Gusto niya kayo makausap,"komento ng dalaga na kinalingon nila rito.

"Gusto makausap? Sila tatlo?"si Simon.

Umalis sa pagkakasandal sa pader ang dalaga at umayos ng pagkakatayo. Ibinaba ang magkakrus na mga braso.

"Oo. Tatlong araw nakalipas nagpunta siya sa RSA at ng makita ko siya roon sinabi niya sakin na may importante siya gustong sabihin sa inyong tatlo,"tugon nito na sa kanya ang nakapukol ang mga mata nito.

"Damn. I'm sure tungkol yan sa hinihingi niyang proteksyon!"si Simon.

Hindi siya sang-ayon. Ngunit may tama din ang suhestyon ni Simon.

Kung ganun kailangan niya harapin ang dating asawa.

Parte ito ng pagganti niya..parte na hindi niya mapigilan na maramdaman kahit pinipilit niyang wala na siyang pakielam rito.

"Bring him to us,"usal niya sa dalaga.

"Yown!!!"si Simon na excited sa mangyayari.

Tahimik na sinisimsim ni Amjad ang espesyal na dugo sa hawak na wine glass habang nakatanaw sa tila karagatan ng siyudad. She's here in RSA. Sa meeting room kung saan kasama din niya ang dalawang matalik na kaibigan.

"Sa tingin niyo makukumbinsi natin siya? May palagay ako na pinaghihinalaan din niya tayo sa nangyayari ngayon,"si Hessah na nakadikwatro na nakaupo sa dulo ng pahabang mesa. Tanaw niya ito sa salamin kaya hindi siya nag-abala na lingunin pa ito.

Napasulyap siya kay Miad na tumayo sa tabi niya at nakitanaw sa labas.

"Are you sure about it?"may concern nitong sabi na kinabaling niya rito.

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon