Kabanata 14

128 9 0
                                    

Matapos na makausap ni Azraq si Lolo Marion dumeretso siya sa kanyang opisina. Hinahabilin nito sa kanya ang mga negosyo nito lalo na ang nangyayari sa camp.

Ayon sa matanda may pakiramdam ito na sasamantalahin ng mga kasosyo nito ang pananatili nito sa ospital. Ang camp ang pinakamalaking ininvest ng matanda. Ito raw ang pinakauna-unahang tinaguyod nito upang yumaman ng yumaman.

Naikuyom niya ang mga palad habang nakaharap sa wall glass kung saan tanaw ang kalawakan ng siyudad. Pahapon na kaya mula sa dakong paroon ay nagkukulay kahel na ang buong paligid.

Gumugulo din sa isipan niya ang tungkol sa nais ng RSA. They want him to surrender it.

Layunin ng mga ito ang puksain ang mga maling gawain at aminado naman siya na nakakasira ng buhay ang mga tinaguyod ni Lolo Marion.

Amjad. That woman wants him to give up..hindi niya matukoy bakit iyun pinaparamdam nito sa kanya.

Damn it. He also want to kneel in front her!

Kneel?

Agad na winaksi niya ang malisyosong kaisipan na pumapasok sa isip niya.

Damn it.

"Azraq."

Agad na nilingon niya ang pinagmulan ng pagtawag niyun sa kanya.

Sitti standing on his office door. Kanina pa niya naramdaman na may presensya sa labas ng opisina niya pero masyadong abala ang isip niya na napupunta lang sa malisyosong imahinasyon.

"They ask you to talk to me?"deretsahan niyang tanong sa dalaga.

"No,kusa ako nagpunta rito pero trabaho ko ang gusto nila mangyari,"pagsagot nito.

"Azraq,that business is not good to anyone. Alam kong kailanman hindi ka nakielam pero sa kalagayan ng Lolo Marion mo kinailangan mo ng makielam. I just want to ask,are you keep to support him on his bad doing,"saad nito sa himig na pangongonsensya.

Naikuyom niya ang mga palad. Hinabilin sa kanya ng matanda ang camp.

Damn it.

"We can work without dragging you,Azraq,just trust us,trust them.."pangungumbinse na nito.

Mas lalo dumiin ang pagkakakuyom niya sa mga palad.

"You and benidek. Pinili niyo mamuhay ng patas. Alam kong wala akong karapatan na pangunahan kayo lalo na sa relasyon niyo kay Mr.Diones pero kapag naiisip ko kung anong ginawa nila kay Ms.Elston hindi ko maaatim na hayaan magpatuloy ang ganun sistema para lang sa pera,"patuloy pa rin nito.

Yes,she's right. Kahit siya hindi niya gusto ang mga ilegal na business ng matanda lalo na ng makita niya ang dinanas ni Ms.Elston at dahil doon nakita din niya si Ms.Casler.

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit gusto iyun ipasara ni Ms.Casler. Gusto niya pabagsakin ang camp na yun na siyang nanakit sa kaibigan niya na kahit ako ang nasa kalagayan niya. I also doing it to protect others people that possible can victim again if it's still continue to operate it,"mariin nitong sabi pa.

"Hindi ko...magagawang biguin si Lolo Marion. I am only his trusted for,"mayamaya komento niya.

Mahirap sa kanya ang sinabi niyang iyun dahil pinarating lamang niya rito na tutol siya sa nais na gawin ng mga ito.

"Well? Mas matimbang ang pamilya kaysa sa kaibigan.."patuya nitong saad.

Tumalikod na ito sa kanya pero humarap muli sa kanya.

"Kakampi ako ng tama..kahit na magķaibigan tayo..hindi ako pabor sa gusto mong manyari,"usal nito saka mabilis na lumabas ng opisina niya.

Mariin niya naipikit ang mga mata.

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon