Kabanata 9

108 10 0
                                    

Lahat ng kagamitan ay wasak at nagkalat sa sahig. Nang kumalma na ang galit ay saka lamang tinigilan ang pagsira sa mga bagay na makikita sa loob ng rest house.

Hindi makapaniwala na kinalimutan ni Amjad ay pilit na ibabalik ng traydor na yun.

Muli umusbong ang galit sa dibdib ni Amjad habang nakasalampak sa sulok ng salas tanging liwanag mula sa karagatan lamang ang panglaw niya.

Bakit kailangan pa mangyari ito?

Nagagalit siya sa ginawa ng dalawa niyang kaibigan. Bakit binuhay pa ng mga ito ang lalaking dahilan kung bakit wala na siyang pakiramdam ngayon.

Pero bakit nababagabag ka? Bakit galit na galit ka? Naapektuhan ka?

Mas lalo nakaramdam ng galit at panibugho si Amjad.

Hindi na dapat binuhay ang traydor na lalaking iyun!

"Ms.Casler..."

Nanatili siya sa ganun disposisyon. Ang malumanay na boses iyun ay hindi sapat upang kumalma siya.

Gusto niya mapag-isa.

No,nakalimutan niyang dito niya pala pinatuloy ang dalaga matapos ng kasunduan nila.

Matapos lang ang antidote na hindi naman natapos na mula pa sa Kuya nitong pumanaw na ay siya ngayon pinag-aaralan niyang tapusin.

Sa oras na matapos ang antidote na iyun. Palalayasin na niya ito sa teritoryo niya.

Lalo na malapit ito sa traydor yun.

"Alam ko gusto mo mapag-isa pero...makikinig ako,"panunubok nito.

"Iwan mo na ko,"malamig niyang tugon.

Bumuga ito ng hininga saka umupo sa isang upuan na malayo sa kanya.

"Gaya ng sabi ko naging magkaibigan kami ni Azraq dahil isa siya sa gusto kong mabura sa mundong ito,"wika nito.

Hindi siya umimik.

"Sa pagtagal namalayan ko na lang nasanay na ko kausapin siya kahit may pagkakataon na gusto ko siyang patayin ng patalikod pero may isang bagay na pumipigil sa akin,"patuloy nito.

She's not into drama. Wala siyang pakielam sa buhay ng iba lalo na sa buhay nito.

Tumayo siya. She's don't have a time to listen her drama.

Paakyat siya sa hagdanan ng magsalita itong muli.

"Kahawig niya ang Kuya ko,"saad nito na nagpatigil sa kanya sa pag-akyat.

Paulit-ulit iyun umecho sa tainga niya. Awang ang mga labi niya na nilingon ito mula sa kinauupuan nito.

"Kung hindi ko lamang nakita na wala ng buhay ang kuya ko..maniniwala ako na buhay pa siya at siya si Azraq,"dugtong nito.

Isang bagay agad ang bumalik sa alala niya. Minsan ng nabanggit ng dati niyang asawa na may half sister ito.

Hindi na niya inalam pa ang tungkol rito dahil sapat at di na kailangan pa na may makakilala sa kanya na iba pa bukod kay Damir.

Napakaliit talaga ng mundo.

"Kaya galit ako sa mga bampira dahil natitiyak kong bampira ang pumatay sa Kuya ko,"wika ng dalaga.

"Bukas ng umaga lisanin mo na ang lugar na ito,"usal niya saka muli umakyat.

"Teka!"paghabol nito sa kanya. Mabilis na naabutan siya nito pero hindi siya nag-abala na lingunin ito.

"Akala ko ba kahit kailan ko gustuhin dito lang ako?! Napatunayan ko naman na hindi ako ispiya eh! Wala ka pala isang salita. Pagkatapos mo makuha ang gusto mo basta mo na lang ako palalayasin!"

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon