Kabanata 20

176 18 0
                                    

Bitbit ang susi ng bahay na siyang binabalik-balikan niya kapag nakakaramdam siya ng pangungulila mula kay Amjad. Ang lugar na siya naging saksi ng kanilang pagmamahalan at lugar kung saan bumuo sila ng pangarap at pangako sa isa't-isa. Isa sa dahilan kung bakit niya pinili na manirahan sa bansa ito pagkatapos ng lahat ng nangyari. Kahit anong oras ay mapupuntahan niya na siya din naging kanlungan niya.

Buntong-hininga na tiningala ni Azraq ang bahay. Ilang dekada na ang lumipas mula ng mabili nila ang bahay na ito. Simple pero puno ng alaala.

Sa paghakbang ni Azraq ay kaagad na napatigil ng maramdaman ang bigla pagsulpot ng limang presensya.

Agad na natuon ang mga mata ni Azraq sa lalaking na may mahabang buhok.

Malaki man ang pinagbago ng itsura nito ay hinding-hindi niya makakalimutan ito.

"Benedik,"sambit niya sa pangalan ng kaibigan.

"Long time no see,"tugon nito.

Sinulyapan naman niya ang apat na lalaki na kasama nito. They are look...dangerous.

Nalalanghap niya ang amoy ng dugo mula sa mga ito.

Bloodsucker!

He hate blood from human. Lalo na kung mula sa isang inosenteng tao.

Naikuyom ni Azraq ang mga palad.

Isang mahinang tawa ang nagmula kay Benedik. Alam nito ang nararamdaman. Ni minsan hindi niya ito pinayagan na makatikim ng dugo mula sa isang tao.

"Galit ka ba dahil...sinuway ko ang habilin mo?"sarcastic nitong sabi.

"Bakit?"mariin niyang saad.

Nagkibit ito ng balikat. "Mag-isa na lang ako pagkatapos akong palayain nila...ng kasamahan ng dati mong asawa,"tugon nito at binigyan diin ang huling sinabi nito.

"Kailangan ko mabuhay sa paraan na...gusto ko,"dugtong nito.

"Alam mo kung anong mangyayari sayo kapag sa oras na makatikim ka ng dugo ng tao,Benedik!"singhal niya rito ng hindi magustuhan ang huling sinabi nito.

Matalim na tingin ang pinukol niya rito. Galit siya sa ginawa nito. Nangako ito sa kanya na hindi ito kailanman titikim ng dugo ng tao.

Nagtaas ito ng mga kamay na tila sumusuko saka tumango-tango.

"Alam ko. Alam ko. Pero napagtanto ko na hindi mo naman hawak ang buhay ko para kontrolin mo,"tugon nito.

Binaba nito ang mga braso at nakipagtagisan ng matalim na tingin.

"Ang mga kasama ko ngayon ang tumulong sakin para makapag-umpisa ulit,Azraq. Namatay na ang matanda na wala man lang naiwan satin,"saad nito na sinundan ng mapait na tawa.

"Ikaw,wala kang problema dahil kahit hindi ka magpakita sa mga naitayo mong negosyo patuloy lang sa pag-unlad niyun samantala ako...wala ni kahit ano,"patuloy nito at mahihimigan ang galit at pait sa tono nito.

Ngayon lang napagtanto ni Azraq na hindi man lang niya naisip na kamustahin ito. Umalis siya kasama ang kapatid na si Sitti at nanirahan sa bansa ito na hindi man lang niya naalala na alamin kung ano na ang kalagayan nito.

"Kaya naman malaki ang pagpapasalamat ko sa kanila dahil tinulungan nila akong makapag-umpisa muli at ngayon ay nakukuha ko na ang gusto ko na walang problema!"wika nito sa tonong na may pagmamalaki.

Napatiim-bagang siya at muli sinulyapan ang apat na lalaki na kasama nito. Dapat ba niya pasalamatan ang mga ito? Hindi niya magagawa dahil natitiyak niya natulungan ng mga ito ang kaibigan niya sa maling paraan.

Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAnggeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon