Sa wakas sa loob ng tatlong buwan ay nakabalik na siya muli ng Pilipinas mula sa lugar na pinagmulan niya. Ang mga araw na nakaramdam siya ng kakuntentuhan. Ang bahay na pag-aaari niya. Ang lumang bahay kung saan nanirahan ang taong siya.
Nanatili siya roon sa loob ng tatlong buwan upang magkaroon ng katiwasayan ang kanyang isip. Nakakalma siya ng lumang bahay niyang iyun tanging amoy ng isang babae ang siya lamang pumapanatag sa kanya. Sa tuwing kinakailangan niyang pumayapa at mawala sa isip ang halong-halo iniisip ay bumabalik siya sa dating bahay na iyun para ibsan ang nararamdaman at iniisip niya na nagpapagulo sa kanya.
Inalis niya ang sunglasses niya ng matanaw si Benidek na naghihintay sa kanya sa arrival area.
Nginisihan niya ito pagkalapit niya sa kaibigan saka umagapay sa kanya palabas ng airport.
"Hindi naman na kailangan pang sunduin ako. Kahit kailan talaga napakasweet mo,"nakangising tudyo niya rito pagkasakay nila ng kotse.
Wala naman ito reaksyon sa likod ng manobela.
"Ayos ka lang? Hindi ka ba nabobored sa sarili mo sa sobrang pagkatahimik mo?"patuloy niya.
"Hindi naman kailangan palaging maingay lalo na kung hindi naman ako interesante,"tahasan nitong sagot.
"Parang hindi mo ako kaibigan ah!"kunwari nagtatampo niyang turan.
Napailing na lamang ito. Kahit hindi naman nito sabihin mahalaga pa rin dito ang pagkakaibigan nila sa ginagawa nito ngayon gaya ng pagsundo nito sa kanya ay malaking bagay na para ipakita sa kanya na may pake ito sa kanya.
"Hindi ako dederetso sa bahay..may pupuntahan ako,"untag niya rito pagkaraan ng ilang sandali.
Sumulyap ito sa kanya.
"Hindi sa club.."inunahan na niya ito.
"Saan kita ibababa kung ganun?"
Napangisi siya. "Magtataxi ako,"tugon niya.
"Pwede naman kita ihatid kung saan man yan,"offered nito sa kanya.
"Kay Sitti,"saad niya.
Sinulyapan siya nito. "Wala na ko balita sa kanya,"untag nito.
Tumango siya. "Kaya kakamustahin ko siya,"tugon niya.
Bukod doon gusto niya alamin kung bakit hindi na niya makontak ito. Well,tiwala naman siya rito at may makukuha siyang sagot sa pabor na hiningi niya rito.
Humimpil ang kotse sa tapat ng isang apartment.
"Salamat sa paghatid,"aniya saka bumaba ng sasakyan nito.
Bumisina ito saka humarurot na palayo sa lugar na iyun. Binuksan niya ang hangganh beywang na gate papunta sa apartment na inuupahan ng dalaga.
Nakalocked ang pinto ng mismong iniokupahan ng dalaga. Wala sa loob ang dalaga ng wala siya maramdaman presensya nito sa loob.
"Sino sila?"
Agad na napalingon siya sa pinagmulan ng boses iyun. Isang matandang babae na siyang may-ari ng apartment.
"Magandang gabi,Manang..gusto ko lang po sana bisitahin ang kaibigan ko,"turan niya sa matanda.
"Kaso mukhang hindi pa siya nakakauwi mula sa trabaho niya,"dugtong niya.
Sinulyapan ng matanda ang nakasarang pintuan. "Tatlong buwan ng hindi umuuwi si Sitti,hijo.."
Hindi siya nakaimik.
"Ganun po ba,"mayamaya saad niya.
Nagpaalam na siya sa matanda at nilisan ang lugar na iyun kaagad na kinontak si Benidek upang magpatulong rito hanapin ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Amjad Casler byCallmeAngge
VampirePLEASURE. Amjad Casler,isang matagumpay na negosyante sa mundo ng mga tao kung saan pinili niya mamuhay kasama ang dalawang matalik na kaibigan na pare-parehong nag-iiba uri na nilalang. Bampira ang tawag sa uri na pinagmulan nila pero napatagumpaya...