Kumakain ako ngayon, si Maxine naman ay doon nagswiwimming. Enjoy na enjoy naman si bruha dahil ngayon lang daw siya ulit naka pag-swimming.Ako?ito busy ako kumakain dito. Ang sarap ng pagkakaluto nila saka maganda naman yung beach resort, marami ding mga tao ang nagswiwimming.
Hindi pa ako nakapagpalit, ganun pa rin suot ko. Siguro, maya-maya nalang ako susuot ng bikini ko. Wala naman sila kuya kaya malaya akong suotin ang kung anong gusto ko. Wala, masaya lang ako dahil wala sila kuya pero malungkot din kasi hindi ko sila kasama.
Pinagbabawalan kasi nila ako kuya na magsuot ng malalaswa na damit, or maliliit na damit.
Asan na ba yung babae na 'yon, pagkatapos ko siyang isama rito, iniwan na niya ako sa kwarto pero nagtext naman siya na pupunta siya sa beach.
Asan na kasi yung bruha na yun, ay speaking of bruha.
"Ohh girl, bat ka andito akala ko mag-swiswimming tayo, oh ba't ka nagmumukmok diyan?"masungit na pagkakasabi saakin ni bruha.
"Sandali lang, girl, masarap kasi yung mga luto nila rito"masigla kong sabi sakaniya. Ril naman na masarap talaga, as in masarap.
"Patikim nga"atas niya saka kumuha siya ng kinakain ko, base sa expression niya ay mukhang nasarapan din siya.
"Masarap nga, girl"sabi niya saka kumain ulit.
"Tama na 'yan, akin ito eh kumuha ka ng sayo" nakasimangot na reklamo ko sakaniya.
"Ayy, ang damott naman"nakasimangot na sabi niya, 'kala niya maapektuhan ako sa ka-cutan niya, then oo, ang cute niya kasi.
"Shooo, alis na, girl, mag swimming ka na lang doon kaysa ubusin mo yung pagkain ko dito, shoo!"singhal ko sakaniya, malapit nang maubos pagkain ko.
"Tsee, damott talaga, basta punta ka doon ah. Huwag mong sasabihin na kakain ka na lang dito buong araw"bored na sabi niya saakin, kung pwede nga lang na mag-baon ako nito, gagawin ko.
Tanungin ko mamaya sila bago umuwi.
"Sige na, girl, aalis na yung magandang mong kaibigan"sabi niya saka nagflip hair bago tumakbo paalis, yung babae na yun talaga.
Nang magsawa ako kumain ay naligo na ako at nagbihis ng swimsuit ko, at nagsunblock na rin ako.
Stay at home lang ako eh kaya maputi ako at isa pa todo protekta naman sila na huwag akong masaktan. Hindi rin nila hinahayaan kahit lamok na dumapo sa balat ko.
Bago ako lumabas ay nagsuot ng shades. maraming pwedeng gawin dito, in short, andito ako para mag-enjoy.
Pero wala pang limang hakbang ay para akong nanigas sa kinaroroonan ko nang makita ko sina kuya, nakatingin si kuya Jacob at kuya Cj at si kuya Nico nang masama saakin.
Paktay andito sila
Walang nagsasalita saaming apat nagtitigan lang kami pero minsan napapaiwas ako ng tingin.
"So"paguumpisa ko kahit kabado na.
"Bakit kayo andito mga kuya?"nauutal na tanong ko sakanila.
"Ano ba sa tingin mo ang sinusuot mo IRISH NICOLE ha?"natakot naman ako bigla sa pagkasigaw ni kuya Jacob saakin, ngayon lang nila ako ulit sinigawan sa tanang buhay ko.
"At hindi ka pa talaga nagpaalam"dagdag pa ni kuya.
Natahimik naman ako sa sinabi niya.
"Ano naman, kuya! dalaga na ako kaya pwede ko ng gawin ang gusto kong gawin kahit wala ang permisyo niyo!"I said.
Natahimik naman sila sa sinabi ko, pero bigla naman ako nakonsensya dahil sinigawan ko sila.
Nagsalita pa rin ako kahit natatakot na ako. Ayokong makita nila na madali lang ako umiyak, malaki na ako para umiyak pa.
''Kahit na! at bilisan mo bumalik ka doon para magbihis! ngayon na"he demanded in not a shouting tone but thunder one.
"Eh kung ayoko?"inis na sabi ko sakanila.
Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung kino-kontrol ako.
"Nakikita mo ba yang suot mo, princess ha, ang laswa"mahinang sabi ni kuya Cj pero ramdam ko na may galit iyon.
"Alangan naman mga kuya na magsuot ako ng pajama, beach ito"medyo masungit na sabi ko sakanila, totoo naman eh alang naman na magsuot ako ng pajama eh beach to.
Dahil sa sinabi ko natahamik silang tatlo. . see? tama ako.
"Pero, kahit na, princess, ang laswa ng suot mo"sabi ni kuya Nico.
Napahilot na lang ako ng sentido ko. Na iistress ako ha, andito ako para magparelax hindi para mag pa-stress.
"Sumasakit lang ang ulo ko sainyo mga kuya, I'm out of this"akmang tatalikod na sana ako pero may humila saaking kamay at isang sampal ang nakuha ko.
Nagulat ako, nang tingnan ko kung sino ang nanampal saakin.
Nagsimula nang manubig yung mata ko, it none other, it was mom, kakarating niya lang pero sampal agad yung binigay saakin.
''Anong klaseng bata ka ha, hindi ka namin pinalaki ng bastos, matuto kang rumespeto sa mga nakakatanda sayo!" pasigaw na ani ni mom saakin.
She's right, mom is right wala akong karespe-respetong bata. Hinayaan kong mangibabaw ang emosyon ko kaysa intindihin ang sitwasyon.
''At kailan ka pa natutong sumagot sa nakakatanda sayo? I'm disappointed sa ginawa mo, hindi mo na nirespeto ang kuya mo" dagdag pa niya, ngunit hindi na pasigaw ang boses nito at iyon ang masa masakit.
How funny it is na it's not about the tone, it's the words that was said.
Tama nga naman si mommy
"Mom, tama na" sabi ni kuya Jacob sakaniya pero hindi nagpatinag si mommy.
"Mommy, tama na"sabat naman ni kuya Cj sakaniya.
"Bitawan niyo ako, palibahasa kasi sinasanay niyo siya na umaasa sainyo at sinasanay niyo rin kayong mga bata"turo niya kina kuya.
"Sinasanay niyo rin kasing nakukuha niya yung gusto niya kaya ayan, ayan tuloy"sigaw ni mom saakin at kina kuya.
Parang paulit-ulit akong sinasaksak sa puso nang marinig ko yun.
Maya-maya ay natahimik kaming lahat lalo na si mommy, nanginginig niyang hinawakan ang pisngi ko kung saan niya ako sinampal.
"Ano ang mga sinabi ko. ." she said almost whispering, regret is evident in her shaky voice.
"Honey, I-I'm so sorry, p-pagod lang ako sa trabaho kaya saiyo ko naibuntong ang pagod ko. . "mom apologized.
Nanatili akong tahimik.
"Hindi ko sinasadya yung mga nakakasakit na salita, honey. Pasensya na . ."paghihingi ni mommy ng pasensya.
"Ayos lang po, mom. May katotohanan naman ang mga lumabas na salita sa bibig mo. Kailangan ko lang muna siguro mapag-isa"sabi ko sakaniya at umalis na, sinubukan pa nina kuya na tawagin ako pero hindi ako lumilingon.
Pumunta muna ako sa dagat, umupo ako sa buhangin at doon na binuhos yung mga luha ko.
Tinatawagan ko muna si Maxine na andito ako sa dagat, sabi niya ayos.
-------
Samantha_pretty0(A/N: Talk to your parents if you don't feel something right, and sometimes you need to understand them that they're just stress or tired or know their side first before judging to avoid misunderstandings)
Comments and Votes are highly appriciated to the author♡
![](https://img.wattpad.com/cover/320862923-288-k355884.jpg)
YOU ARE READING
My five kuya's(old version)
Teen FictionMITCHY IRISH NICOLE SANTIAGO Who can make her kuya's soft. And the only girl child in family of angheles and santiago. Because she is the only girl child, her family love her especially her kuya's, her kuyas always annoy her because they love the pi...