Andito na kami ngayon sa gate ng bahay namin, hinatid na namin si Maxine, pinahatid ko sa driver namin.Magtatanong pa sana siya kung bakit pero nung makita ako na umiyak, ay tinanong nalang niya kung ano raw nangyari pero sinabi ko na wala.
Pagkatapus nun hindi na siya ulit nagsalita o nagtanong pa ulit.
Simula ng sumakay na ako sa van namin ay wala akong pinansin sakanila, may sama ng loob pa ako sakanila, hindi ko alam kung ba't ako pa ang galit.
Yung sasakyan ko naman?pina drive ko nalang kay kuya Jael - (second driver) hindi ko naman pwede na iwan lang ang baby ko.
Pagkapasok palang ng gate ay sumalubong na agad yung mga nag-aalang itsura ng mga maid at iba pang katulong dito.
Maaring dahil sa biglaang pagwala ko ng walang permisyo.
Doon nakita ko si kuya Ronald na nakatayo at nakayuko, kaya agad ko itong nilapitan.
"Kuya Ronald, ano po ang nangyari?"takang tanong ko sakaniya, nang tumaas yung tingin niya saakin ay agad niya akong niyakap.
"I'm glad that you're okei, princess"masayang sabi niya saakin.
"I'm sorry, madam. Nag-alala lang po ako ng sobra. I'm sorry, ma'am Irish"nakayukong paghihingi niya ng tawad saamin.
"Ha, ayos lang po, kuya Ronald"nakangiting sabi ko sakaniya, pero ang utak ko ay puno na ng tanong.
"Pinagalitan ka po ba ni mom, kuya Ronds?" nag-aalalang tanong ko sakaniya.
"Ah, hindi po ma'am"sabi niya saakin, mabuti kung ganun.
"Mom, 'wag niyo po papagalitan si kuya Ronald, ako po ang nagpumilit po na mag-drive"sabi ko kay mom.
"Kung wala na po kayong sasabihin ay pupunta na po ako sa kwarto" nang makasigurado na wala nang magsasalita, umakyat na ako sa kwarto ko at pagkarating ay natulog na agad.
Feel ko napagod talaga ako ng sobra, napagod talaga siguro ako kakaiyak.
Nang magising ako ay gabi na, tumayo na agad ako at bumaba sa kusina.
Naabutan ko sila mom at dad na nagluluto magkasama, sila kuya naman ay naglalaro ng mobile legends sa phone nila.
Mabuti naman at hindi nila ako pinapakialaman, dumiresto nalang ako sa swimming pool namin, hindi pa naman masyadong gabi or in short sunset palang.
Kinuha ko muna yung slippers ko at nilagay sa gilid at hinayaan na ma sawsaw yung paa ko sa tubig.
Bigla pumasok sa isip ko yung ginawa ni kuya Ronald kanina but may kung ano naman sa puso ko ang naramdaman sa ginawang pag-yakap saakin ni kuya Ronald.
Never mind, may namumuo naman sa utak ko na dahilan kung bakit niya ginawa yun pero hindi ako sigurado eh impossible naman yung iniisip ko.
Ah isinawalang bahala ko na lang yung pagyakap ni kuya Ronald saakin baka sa sobrang pag-aalala lang talaga kung bakit niya nagawa yun.
Nang nagsawa na ako ay, pumasok na ako sa loob ng bahay.
Sakto namang pagkaalis ko sa pool ay kakatapos lang din daw nila magluto.
***
Andito kami ngayon sa dining area kumakain syempre, walang nagsasalita saamin kahit maid, kaya sobrang ingay talaga.
Akmang kukuha na sana ako ng fried chiken nang unahan ako ni kuya Jacob, linagyan ni kuya jacob yung pinggan ko.
"Salamat"maikling pagsasalamat ko kay kuya Jacob.
![](https://img.wattpad.com/cover/320862923-288-k355884.jpg)
YOU ARE READING
My five kuya's(old version)
Teen FictionMITCHY IRISH NICOLE SANTIAGO Who can make her kuya's soft. And the only girl child in family of angheles and santiago. Because she is the only girl child, her family love her especially her kuya's, her kuyas always annoy her because they love the pi...