Mitchy Irish POV:
"Bunso!"tawag ng kung sino sa'kin, agad kong nilibot ang tingin ko upang hanapin ang tumawag sa'kin, ngunit, puro dingding lang ang makita ko.
"Sino po ang nariyan?" sabat ko sa tumawag sa'kin.
Ilang segundo muna ang lumipas bago ulit ito sinagot ng tawag.
"Tingin dito"isang malambing na tinig ang aking narinit uli, agad akong napatingin doon, at 'yon ang dahilan para magsimulang magtubig ang mga mata ko.
Sina kuya ko! kumpleto sila, at naroon sila sa isang silid at tila bang hinihintay akong lumapit, agad akong lumapit sakanila ng may ngiti sa labi at punong-puno ng saya ang mukha.
Pagkarating ko malapit sakanila ay agad nilang binuksan at nilahad ang kanilang mga braso, na handa na akong yakapin ng may ngiti rin sa labi.
Nang tuluyan na akong makalapit sakanila ay agad nilang akong niyakap, as in lahat, sapagkat gumawa sila ng group hug para lahat sila makayakap sa'kin.
"Mga kuya ko! miss na miss ko kayo! lalo na ang mga yakap niyo sa'kin"nakangiti kong sambit kahit na ako'y parang tuluyan nang maiiyak.
"Miss na miss ka rin naman prinsesa namin."
Sa mga katagang kanilang huling isinambit ay tuluyan nang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Wala eh, masyado kong na-miss ang mga malalambing nilang tinig sa tuwing sila ay nagsasalita, lalo na sa'kin.
"Kanina pa po kayo narito?"tanong ko, ako'y tumahan na at ngayon ay nakangiti na, sapagkat..alam kong ito ay panaginip lamang, at kailangan ko itong i-enjoy kaysa magdrama pa.
"Hindi naman masyado, sadyang timing lang"sagot ni kuya Cj ng may ngiti sa labi.
"Mga kuya ko...alam kong panaginip po ito"sabi ko at tumungin sa ibaba upang maiwasang mabuo ang mga luha sa mga mata ko.
Wala eh, masakit pa rin.
Kinain ng tahimik ang buong dalawang minuto ang isang silid.
Ngunit, nagulat ako ng may naramdaman akong isang yakap na naman ulit, unti-unti kong itinaas ang tingin ko, at sila kuya ang yumakap saakin ng may ngiti, kahit ito'y masakit tanggapin.
"Okey lang yan, bunso! ang mahalaga ay magkakasama na naman tayo kahit sa ilang saglit lamang"sabi ni kuya Jacob at binigyan ng halik ang buhok ko.
Tama si kuya Jacob mo, prinsesa namin."
"Ay wow, deep word, ano yan?matatalinhagang salita?"
"Naks, ang talino naman niyan, hindi naamn makasagot ng essay."
"hahaha, tigilan niyo nga si kuya Jacob, baka hindi tayo mantansya niyan eh."Agad akong napangiti sa asaran nila, hays nako, wala talagang pinagbago.
"Talaga, kita niyo 'tong hanger sa gilid ko?makakatikim kayo sa'kin niyan mamaya"sabat ni kuya Jacob sa nagbibirong tono.
"Hala, iSkeRi."Mico
"Omgg, I'm scaReDddd."Nico
"Pag ba nakatikim ako niyan kuya, mamahalin na niya ako pabalik?" Andrei.Sa huling hirit ni kuya Andrei ay agad nanlaki ang mga mata namin at agad na lumapit pa sakaniya para maki-chismis.
"Naks, pumapag-ibig"hirit ni kuya Mico na nagpatawa saamin ng grabe, habang tinapik ni kuya Andrei si kuya Mico.
"Joke lang ehh!masakit yon ha"pagda-drama ni kuya Mico na nagpatawa rin saamin.
"Baka naman kuya Andrei, spill mo na nga yan"pang-aasar ko at siniko-siko pa siya, para mas maging mapang-asar.
YOU ARE READING
My five kuya's(old version)
Teen FictionMITCHY IRISH NICOLE SANTIAGO Who can make her kuya's soft. And the only girl child in family of angheles and santiago. Because she is the only girl child, her family love her especially her kuya's, her kuyas always annoy her because they love the pi...