ALEX HAIDES POV:May isang babae na natutulog ngayon sa bahay ko. Natagpuan ko lang siya na duguan sa isang bangin.
FLASHBACK:
Hays..nakakapagod magtrabaho pero kaya ko ito pag hindi ako nagtrabaho baka hindi ako mabubuhay..ako pala si Alex Francisco Haides.
Isa lang akong tao na simpleng namumuhay sa isang bundok na malayo sa siyudad.
Wala na akong pamilya matagal na silang namatay, kaya ako nalang isa ang namumuhay ako ay 18 na taong gulang.
Habang pauwi na ako sa bahay ay may nakita akong isang babae nakalatay sa mga bato, puno ng dugo ang ulo niya.
Nung una nag-aalinlangan pa ako kung tutulungan ko ba pero dahil mapagmahal ako sa diyos at matulungin ako ay tinulungan ko.
Tiningnan ko muna ang babae kung buhay pa ba. . . buhay pa ito, hindi pa patay ang babae kaya agad ko na tinulungan, kawawa naman ang sinapit ng babae na 'to.
Binuhat ko siya papunta sa baranggay para humingi ng tulong, hindi naman masiyado malayo ang bayan sa bangin kung saan ko natagpuan ang babae na ito.
Nang makarating sa baranggay ay agad akong nagsisigaw ng tulong, wala naman silang sinayang na oras at pumunta sa kinaroroonan ko.
"Hayy jusko!! anong nangyari sa binibini na 'yan?"nag-aalang tanong ni aling Sioning, siya ay taga-gamot ng mga tao rito sa bayan.
"Aling Sioning, tulungan niyo ang binibini, buhay pa siya, bilisan natin bago pa maubusan ng dugo ang binibini"nag-aalang sabi ko at tiningnan ang magandang mukha ng babae, bata pa ata 'to.
At ang damit niya na school uniform ay napuno na ng dugo niya. Base sa pag-ooserba ko mukhang taga siyudad ang binibini na 'to.
"Tara dalhin mo sa bahay, Alex. Gagamutin natin siya"nagmamadaling sabi ni aling Sioning.
Lahat ng tao sa bayan na ito ay mabait at matulungin sa kapwa isa't isa pero hindi talaga maiiwasan ang pagkatsismosa nila.
'hala anyari sa magandang binibini na yan?!'
'nakaka-awa naman yung sinapit ng binibini, mukhang bata pa nga e'h
'hala taga siyudad ata ang bata na ito'
Nang makarating sa bahay ni aling Sioning ay agad ko siyang nilagay sa kama, na gawa sa kawayan, hindi naman kami mayaman para bumili ng foam na kama.
Ginamot na ni aling Sioning ang binibini, tumigil na rin ang pagdudugo ng ulo niya. May mga galos din siya sa iba't ibang parte ng katawan niya.
Meron sa likod, paa, balikat, at tuhod nakaka awa talaga ang gumawa sakaniya, walang puso.
Ngayon mahimbing siyang natutulog, normal na rin ang paghinga niya, hindi pareho kanina, na nag-aagaw buhay siya.
"Alex, ka ano-ano mo ang magandang binibini na 'yan"nang aasar na tanong ni aling Sioning sa'kin, here we go again.
"Hindi ko kilala 'yan, aling Sioning. Natagpuan ko lang siya sa batuhan na dinudugo"sabi ko kay aling Sioning."Ah ganun ba, Alex. Sanay naman ako sayong bata ka, lagi kang may tinutulungan"nakangiting sabi ni aling Sioning, ngumiti naman ako nang matamis.
Ilang araw ang lumipas, hindi pa gumigising ang binibini, siguro masyadong naapektuhan ang katawan niya at ulo niya, kaya hindi pa siya nagigising. Hindi ko nga aakalain na mabubuhay pa siya, pagkatapus niyang mahulog sa ganoon ka taas na bangin.
Binisita ko noong nakaraang araw ang lugar kung saan ko siya nakitang duguan, napa kataas talaga nito. Kung ako ang nahulog doon, siguradong patay na ako ngayon.
Napakatapang naman ng babae na ito at nabuhay pa siya pagkatapos niyang mahulog.
Nabalik lang ako sa realidad nang gumising ang binibini, kaya agad akong naalerto.
"Binibini kamusta ang iyong pakiramdam?"nag aalang tanong ko sakaniya. "Sino ka po?"nagtatakang tanong niya sa'kin.
"Ako pala si Alex Francisco Haides at disi-otso anyos"nakangiting sabi ko sakaniya, binigyan niya naman ako ng matipid na ngiti. . . "nasaan ako?"tanong niya sa'kin.
"Nasa bundok ka ngayon, binibini. At andito ka sa bahay ko"sagot ko sa tanong niya. . . "Ah, ganoon ba, salamat sa pagpapanirahan mo saakin dito"sabi niya saka ngumiti.
"Saan ka nakatira, binibini? at nang maihatid kita sa pamilya mo"tanong ko sakaniya, nag-alala naman ako nang makita siyang umiiyak.
"Yun nga, Alex, wala akong maalala" naiiyak na sabi niya.
Parang maiiyak ako nang makita ko siyang umiiyak, nakakapaglambot siya ng tao kung umiiyak.
"Kahit isa ba, binibini?"nag-aalalang tanong ko sakaniya na agad niyang inilingan.
Pa'no ko siya ibabalik, kung hindi ko kilala ni pamilya niya.
"Kilala mo ba ang iyong sarili, binibini?" tanong ko sakaniya nang seryoso. . "Pasensya na, hindi ko kilala ang sarili ko"sabi niya at umiyak nang malakas, inalo ko naman siya.
''Papaalisin mo ba ako, Alex?''natatakot na sambit niya, hindi ko inaasahan na itatanong niya yan . . "Hindi binibini dahil wala kang maalala"sabi ko at inalo na naman siya kase mukhang iiyak na naman siya.
"So . . kamusta na ang pakiramdam mo, binibini"tanong ko sakaniya. . . "Maayos na, Alex, medyo masakit lang ulo ko"sabi niya, napatango nalang ako.
"Tayo'y kumain na muna, ilang araw ka na sigurong hindi kumain, paniguradong nagugutom ka na"sabi ko sakaniya, agad naman siyang ngumiti.
"Ika'y tama, Alex, nagugutom na ako"na eexite na sabi niya saakin, hindi ko alam na ngumingiti na pala ako.
Ilang araw ang lumipas, mas naging close pa kami ng binibini.
--------
Samantha_pretty0
YOU ARE READING
My five kuya's(old version)
Fiksi RemajaMITCHY IRISH NICOLE SANTIAGO Who can make her kuya's soft. And the only girl child in family of angheles and santiago. Because she is the only girl child, her family love her especially her kuya's, her kuyas always annoy her because they love the pi...