CHAPTER 33: Karren's last words
POINT OF VIEW: ZARREN KANG
Pagkarating na pagkarating namin sa beach ay agad na bumungad samin ang Hayop na si Darren habang hawak-hawak nito ang isang kamay ni Karren. Nakita ko kung paano magpumiglas si Karren mula sa pagkakahawak nito at kitang-kita ko din noong bunutin ni Darren ng kanyang baril mula sa kanyang likuran! Dali-dali akong bumaba sa aking kotse at ganun din si Warren.
"KARREEEEEEEEEEEEEEN!" sigaw ko sa pangalan nito na nakapagpalingon naman sa kanya sa aming dereksyon.
Nakita ko ang pagsambit ng labi ni Karren saking pangalan. Lalapitan ko na sana ito upang ilayo sa demonyong si Darren ng biglang...
*BANG...*
Hindi agad ako nakakilos mula saking kinatatayuan noong marinig ko ang pagputok ng baril, at mukhang ganun din itong si Warren.
Bakit! Bakit ba napakahayop mong Darren Nam ka!
Nakita ko noong lingunin ako nitong si Darren Nam. Nakita ko din nung tila ngumiti ito saking dereksyon bago bitawan ang kamay ng noo'y binaril niyang si Karren. Nagtuloytuloy ang pagbagsak ni Karren sa malamig na buhangin ng beach.
"KARREEEEEEEEEEEEEEN!" narinig kong sigaw ni Warren habang tumatakbo papalapit kay Karren.
"HAYOP KA..." sigaw ko kay Darren habang naglalakad papalapit sa kanya.
Tila napatawa naman ito saking sinabi. "Bakit ba lahat kayo, sinasabing ang Hayop ko? Hindi ba't hayop ka din?" sabi nito sakin sabay lipat ng tingin kay Warren na hawak-hawak ngayon sa kanyang mga kamay si Karren. "Ikaw din." sabi nito sabay tingin naman sa tulalang si Larren. "Lalo ka na." sabi pa nito sabay balik ng tingin sakin. "Kaya wag kayong nagmamalinis. Pareparehas lang tayo dito...MGA HAYOP!"
Napailing ako dahil sa mga naririnig ko mula sa kanya "Nababaliw ka na." sabi ko. Muli namang itong napatawa. "Tinapos ko lang ang ikalawa sa huli mong misyon." sabi nito na ikinainit naman ng ulo ko. "HINDI DAPAT SYA ANG PINATAY MO! AKO DAPAT!" singhal ko dito. Napailing naman ito at muling tiningnan ako ng deretso sa mata. "May nagmakaawa kase sakin na wag kang patayin, pasalamat ka sa kanya." sabi nito sabay ngiti ng malademonyo at lapit sa tulala niyang kapatid.
"Oi! Umayos ka, umalis na tayo dito." sabi nito sabay tulak kay Larren papalapit sa kotse nito.
Kung ganon, talagang nakipagsabwatan si Larren kay Darren?? NABABALIW NA DIN BA SYA?! IPINAGKALULONG NIYA ANG SARILI NIYANG KAIBIGAN!!
"Sya nga pala, pinapapunta ka ni ama sa kanya." sambit nito bago tuluyang sumakay sa kotse ni Larren at paandarin ito papalayo dito sa beach.
"Karren...Please..." narinig kong sambit ni Warren. Lumapit ako dito at lumuhod malapit kay Karren.
"Karren, kaya mo pa ba?? Dadalhin ka na namin sa ospital. Kumapit ka lang." sabi ko. Bubuhatin na sana ito ni Warren papunta saking kotse ng bigla naman ako nitong hinawakan saking braso. "Wa--Wag na..." sabi nito habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Na--Nararamda--man ko... Ma--Makakasama ko na si--sila..." sambit nito sa pagitan ng malalim niyang paghinga. "Karren ano ka ba..." sabi ni Warren habang umiiyak na din. Umiling si Karren at ngumiti. "A--Ayos na ako... Pakiusap, hayaan nyo na lang a--ako. Tu--Tutal, pa--pagod na ko..." sambit nito sabay tingin sakin at higit saking braso papalapit sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/26770247-288-k863165.jpg)
BINABASA MO ANG
My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)
General FictionAno nga ba ang nagtutulak sa isang tao para magbago?? Gaano ito katagal bago lubusang mangyari?? Higit sa lahat, sino nga ba ang taong makakatanggap sayo, oras na magbago ka??