CHAPTER 31: Brothers as Partners?
POINT OF VIEW: WARREN HAN
Mahigit anim na oras na ang nakakalipas mag mula noong ipasok sa Operating Room nitong ospital si Zarren, at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa lagay nito. Ni-isang doctor kase o nurse ay walang lumalabas mag mula kanina. Wala tuloy akong matanong kung ano na bang nangyayari kay Zarren na kanilang pansyente sa loob. Kanina pa akong paikot-ikot dito sa Hallway, tatayo-uupo sa upuan, sisilip sa bintana ng Operating Room kahit na hindi ko naman nakikita mula dito sa labas ang loob nito...
Sa madaling sabi, para na akong baliw dito sa labas! Isama nyo pa dyan ang itsura ko ngayon. Naka black with combination of white na coat and tie na puro bahid ng dugo. Dugo na mula kay Zarren. Muli akong tumayo sa upuan at sumilip sa bintanang salamin ng Operating Room kahit na wala naman akong nakikita sa loob dahil tinted ito.
Ano na kayang nangyayari?? Bakit wala manlang nalabas dito para balitaan ako?? Ayos lang kaya sya??
"Warren..."
Napalingon ako saking likuran noong marinig ko ang tila malungkot na boses ni Karren. Binigyan ko ito ng isang matipid na ngiti noong makita ko ito kasama ang dalawang pulis. Muli akong naupo sa upuan na marahan namang sinundan ni Karren. Naupo din ito saking tabi.
"Kamusta na si Zarren??" tanong nito.
Napahinga ako ng malalim at napailing "Hindi ko alam. Kanina pa sya ipinasok dyan sa Operating Room na yan pero hanggang ngayon, wala pa rin akong balita." sabi ko na mukhang nakapagpabigat naman sa loob ni Karren. "I'm sorry..." sambit nito. Napatingin ako sa kanya at ngumiti dito "Wala kang kasalanan. Alam ni Zarren ang ginawa nya, wag kang mag-alala..." sabi ko para hindi naman nito sisihin ang kanyang sarili dahil wala naman talaga syang kasalanan sa nangyari. Kung may nagkasala man dito, walang iba kung hindi si Darren Nam.
"Sya nga pala Warren..." sabi nito sabay ngiti din ng matipid sakin "Kailangan ka nilang makuhanan ng statement tungkol sa nangyari..." pagpapatuloy nito sabay tingin sa dalawang pulis na kasama nitong dumating. "Ganun ba?" sabi ko naman sabay tingin sa dalawang pulis na tumango naman sakin. "Pwede po bang dun tayo sa Lobby nitong ospital mag-usap Sir?" pakiusap nung isa sakin. Napayuko naman ako at napatingin sa pintuan ng Operating Room.
Ayokong iwanan si Zarren.
"Sige na Warren, sumama ka na muna sa kanila. Ako ng maghihintay dito kay Zarren." mungkahi naman nitong si Karren. Tumingin ako sa kanya pagkatapos ay sa dalawang pulis at saka napabuntong-hininga. "Asa Lobby lang ako, puntahan mo agad ako kung sakaling may balita na." sabi ko kay Karren na tumango naman sakin. Tumayo na ako at agad na sumunod sa dalawang pulis papunta sa Lobby nitong Ospital.
Naging mahina lang ang aming pag-uusap dahil sa mga tao na tulad namin, ay nakaupo din dito sa Lobby ng ospital. Karamihan ng tinanong nila ay tungkol kay Larren na alam nilang siyang tunay na pinupuntirya noong bumaril. Tinanong nila ako kung may kakilala ba akong nakaaway o nakaalitan ni Larren at sinabi ko naman ang totoo. Sabi ko bukod sakin, wala na akong ibang alam na nakagalit o nakaaway ni Larren. Mukha namang ipinagtaka ng dalawang pulis ang aking sinabi.
"Nagkagalit kayo ni Mr Larren?" tanong nung pulis na katabi nung isang pulis na siyang nagususlat ng lahat ng aking sinasabi. Tumango ako sa kanya. "Ganun na nga, nagkagalit kami dahil sa hindi pagkakaintindihan." sabi ko. Tumango naman ang pulis "Maari po ba naming malaman kung ano yung bagay na pinag-awayan nyo ni Mr Larren??" tanong pa nito. "Magkababata kami ni Larren, bata pa lang kami ay magkaibigan na kami at nito lang kami nagkaaway dahil sa...well, masasabi kong dahil sa isang babae." salaysay ko. "Dahil sa isang babae?" tanong nung pulis. "Dahil kay Zarren Kang." sagot ko. Tumango naman ito sakin at muling nagtanong. "Tungkol naman kay Ms Zarren Kang na syang nabaril kanina... Alam mo ba kung bakit ito may dalang baril kanina sa inyong paaralan nung maganap ang insidente?" tanong nung pulis na akin namang ikinagulat dahil hindi ko alam na may dala pala itong baril kanina sa school.
BINABASA MO ANG
My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)
General FictionAno nga ba ang nagtutulak sa isang tao para magbago?? Gaano ito katagal bago lubusang mangyari?? Higit sa lahat, sino nga ba ang taong makakatanggap sayo, oras na magbago ka??