CHAPTER 10

3.4K 77 0
                                    


CHAPTER 10: LAST THREE PERSON


~WARREN~

"Pagkatapos ng araw na iyon, hindi ko na namalayan kung saan nila ako dinala. Hindi ko din alam kung nasaan o ano nang ginawa nila sa aking ina. Sumama ako noon sa kanila nang tulala at wala sa sarili."

"Kinaladkad nila ako papasok ng van at doo'y sapilitang isinakay. Hindi na ako nagpumiglas noong mga panahon na 'yon. Wala na akong lakas isa pa, alam ko namang wala akong laban sa kanila."

Tumungo s'ya at buong higpit na muling niyakap ang kanyang mga tuhod pagkatapos ay sunod ko nang narinig ang pag-iyak nito.

Gusto ko  sanang sabihin na tama na, pwede na s'yang tumigil sa pagkukwento kung hindi na n'ya kaya. Pero naisip kong magandang pagkakataon na din ito upang mailabas niya ang lahat nang sama ng loob niya na sa tingin ko ay kinimkim niya sa loob nang mahabang panahon.

"Hindi ko na nagawa pang magpaalam noon kanino man, ang gusto ko lang mangyari ng araw na iyon ay ang lamunin ako ng lupa o kaya ay ang mamatay na lang para matapos na ang lahat."

Humagulgol s'ya sa pag-iyak. Kitang-kita ko ang panginginig ng buo niyang katawan.

Napahinga ako nang malalim at agad siyang niyakap. Hindi naman ito nagpumiglas o nagreklamo, tumuloy lang  s'ya sa kanyang pag-iyak habang yakap parin ang kanyang tuhod.

Paulit-ulit kong hinaplos ang kanyang buhok. Maging ako ay hindi na rin naiwasang mapaluha dahil sa aking mga narinig at nalaman.

Grabe, hindi ko akalaing napakabigat pala nang dinadala ng babaeng ito. Hindi ko lubos akalain na sa liit ng katawan n'yang ito ay kinaya niya ang lahat ng iyon.

Hindi ko alam kung anong salita ang dapat kong sabihin sa kanya ngayon. Pakiramdam ko kase, hindi sapat ang mgasalitang "Tamana, magiging maayos din ang lahat." para sa mga pinagdaanan n'ya.

Kaya imbes na magsalita, pinili ko na lamang ang manahimik at hayaan s'ya sa kanyang pag-iyak. 

Patuloy ako sa paghaplos sa kanyang buhok, umaasa na sa ganoong paraan ay magagawa ko manlang s'yang pakalmahin o bawasan ang bigat na kanyang nararamdaman.

***

Dahan-dahan akong napamulat ng aking mga mata noong maramdaman ko ang unti-unting paglamig nang ihip ng hangin. Kapansin-pansin din ang nagkukulay kahel na langit at ang bilang ng ibon na nagliliparan.

Papalubog na pala ang araw.

Napatingin ako sa aking relo, pasado Alas singko na pala ng hapon.

Agad kong tinapik ang braso ni Zarren na mahimbing ang tulog sa aking balikat.

"Zarren...Zarren..."

Sandaling kumunot ang noo nito at maya-maya lang ay nagmulat na ito ng kanyang mga mata.

"Malapit nang dumilim..." wika ko dito.

Agad naman s'yang bumangon at tumingin  sa kanyang relo.

"05:20 na pala." sambit nito sabay tingin sa akin "Ano? Kamusta na lagay mo? Hindi na 'ko nakabalik sa klase dahil sa'yo." sumbat pa nito.

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon