Madame Han vs Warren Han

2.2K 36 1
                                    

CHAPTER 47: Madame Han vs Warren Han

POINT OF VIEW: THIRD PERSON

Dala ang samurai na pagmamay-ari ni Zarren, lumabas si Warren sa kanyang silid. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto ng kanyang unit upang lumabas ng bigla naman itong tumunog at magbukas! Bumungad sa kanya yung tatlong lalake na tauhan ng kanyang ina at isang babae na mukhang trabahador ng Auravel Condominium na mukhang siyang naging daan upang mabuksan ang pinto.

"Young Master..." usal ng isa sa tatlong lalake.

Hindi ito pinansin ni Warren at nagtuloy sa kanyang paglalakad palabas. Dumiretso ito sa elevator na agad namang sinundan nang tatlo. Sasakay na din sana sa elevator ang tatlong lalake ng bigla namang hugutin ni Warren mula sa lalagyan nito ang hawak niyang samurai.

"Subukan nyong sumakay..." banta niya sa tatlong lalake na agad namang napahakbang papalayo.

"Mga walang kwenta..." bulong ni Warren noong magsara na ang pinto ng elevator at mag-umpisa na itong bumaba.

Agad na lumabas si Warren sa elevator noong marating na nito ang first floor. Derederetso na sana syang lalabas ng condominium ng bigla naman syang tawagin ng isang babae na nasa frontdesk ng lobby...

"MR. WARREN HAN..." sigaw nang babae na patakbong lumalapit sa kanya.

Napahinto naman sa paglalakad si Warren at yamot na nilingon ang babae.

"Sa in---inyo po ata ito..." nauutal na sambit ng babae habang inaabot kay Warren ang cellphone na ipinaltok nito kanina sa sahig ng elevator.

Napahinga ng malalim si Warren at agad na kinuha ang kanyang Cellphone sa babae.

"Salamat." wika nito bago magpatuloy sa kanyang mabilis na paglalakad pabalik sa kanyang kotse.

Muling pinaharurot ni Warren ang kanyang sasakyan pabalik sa kanilang mansion. Habang walang habas na nagmamaneho at umiiwas sa mga sasakyan na sumasalubong sa kanya ay kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan si Zack na dati niyang kabanda.

Makailang-ulit itong nagring ngunit walang sumasagot...

Napakunot ang kanyang noo at napatingin sa digital clock na nasa kanyang kotse. 3:30 na pala ng madaling araw. Sa dami ng nangyari sa kanya at kay Zarren, hindi na niya lubusang napansin ang pagtakbo ng oras.

Muli niyang sinubukang tawagan ang numero ni Zack and this time...

Sinagot na ito ng binata...

"Hello??" ang tila inaantok pang usal ng binatang si Zack mula sa kabilang linya.

"HOY ZACK! ANO NAMAN AT NGAYON MO LANG SINAGOT?!" bulyaw ni Warren dito.

Napahikab naman sa kabilang linya si Zack. "Seriously Kuya Warren?? 3:30 AM and you're expecting me to answer your call in instant??" tugon nito habang halata parin ang antok sa boses nito.

Napabuntong-hininga naman si Warren.

"Alright I'm sorry, but I need your help." wika ni Warren dito habang patuloy na nagmamaneho.

"You need my help?! What kind of help?? Is this an emergency?!" ang tila nag-aalalang tanong ng binatang si Zack. "Wait, nangangarera ka ba ngayon kuya Warren?!"

"NO! NO! NO! It's not an emergency but I really need your help and please, hindi ako nangangarera ngayon..." sambit niya.

"Well, your engine says that you were..." biro dito ng binata. "Kung ganon, anong klaseng tulong pala ang kailangan mo ng ganitong oras kuya Warren??"

"Ang totoo nan, tulong ng buong banda ang kailangan ko. I need Private Sub Band's help..."

CHANGE OF P.O.V: WARREN HAN

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon