CHAPTER 3

8.8K 163 2
                                    


CHAPTER 3: HER LAUGH


~ZARREN~

Pagkatapos kong linisin ang sugatan kong kamao dun sa C.R. ay muli na akong bumalik sa aking silid-aralan. Ayoko ng kumain, nakakatamad, nawalan na ako ng gana. 

Bwiset na yan! 

Pagpasok ko ng room, lahat ng mga kaklase kong nasa loob na tila nagku-kwentuhan kanina bago ako pumasok ay nagtatakang napatingin sa akin. Kalimitan sa mga ito ay mga babae. Sa mga tingin nila parang gusto nila akong tanungin kung nasaan ang 'Papa Warren' nilang tinatawag. 

Hindi ba sila kinikilabutan sa lalakeng yon??

Sus! Eh malma naman pala kalampa! Walang kwenta! Mayabang, matigas ang mukha, yun ang meron s'ya! 

Dumeretso na ako sa aking upuan at doon ipinuwesto ang aking isang braso para matulog. Hindi ko kase gaanong maiunat ang mga daliri ko sa kanan kong kamay, may sugat kase ito at masakit kapag nababanat kaya naman inilayo ko ito mula sa aking ulo at saka natulog. 

Lunch break pa naman at halos isang oras pa bago tumunog ang bell kaya matutulog na lang muna ako.


~WARREN~

Pumunta ako sa GYM kung saan ko inaasahang makita si Larren. Tuwing breaktime kase eh wala naman iyong ibang pinupuntahan kung hindi GYM. Malapit na nga s'yang magmukhang bola sa paningin ko dahil wala na s'yang ibang ginawa kung hindi ang mag basketball.

Nagtanong ako sa mga ka-team n'ya na nakita ko pero hindi pa daw nila ito nakikita mula pa kaninang umaga. 

Sunod kong pinuntahan ang Cafeteria dahil baka kumakain ang gago na 'yon, pero tulad sa GYM ay wala din s'ya doon.

San naman kaya nagpunta ang isang yun? 

Sinubukan ko s'yang hanapin sa kanyang room pero sabi ng isa niyang kaklase ay hindi daw ito pumasok ngayong umaga, hindi nga ako makapaniwala eh. 

Ang gunggong na yun, nagcutting! Di manlang ako sinama! 

San naman kaya nagsuot ang isang yun!? 

Imbes na maghanap ay pumunta na lang ako sa aking tambayan, ang rooftop. Tahimik dito kaya gusto ko, ayaw naman dito ni Larren kase masyado daw tahimik. Sanay kasing hinihiyawan kapag naglalaro s'ya ng Basketball kaya hindi sanay sa tahimik na lugar. 

Pagbukas ko ng pinto nitong rooftop, laking gulat ko ng matanaw ko mula doon sa gilid si Larren. Lumapit ako sa kanya... 

"Kala ko ba ayaw mo dito?" sabi ko. 

Napatingin naman s'ya sakin at nagsmirk "Gusto kong matahimik kaya nandito ako ngayon." sabi nito sa malungkot na tono ng kanyang boses? 

Problema naman ng isang 'to at biglang nag-eemote. 

"Problema brad?" tanong ko at napatawa naman s'ya ng mahina. 

"Nakita ko s'ya..." sabi niya sabay tingin sa malayo. 

"S'ya? Sinong s'ya?" tanong ko habang pinapanood ang mga estudyanteng naglalakad sa baba.

 Para silang mga langgam! Ang babaeng yun! Gagawin ko s'yang langgam sa susunod! 

"Si Karren." tugon nito. 

Natigilan naman ako sa pag-iisip kay amasona at napatingin sa kanya "Aling Karren? Yung bang kinahuhumalingan mo o yung Karren na patay na patay sayo?" tanong ko kahit na alam ko naman ang sagot. 

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon