Men in Black

1.5K 34 0
                                    

CHAPTER 45: Men in Black

POINT OF VIEW: WARREN HAN

(Wahahaha... Pardon the title please.^^v)

"So, nandito sa beach yung regalo mo sakin?" ang tila namamanghang tanong ni Zarren sakin noong bumaba na kami mula sa kanyang sasakyan.

Tumango ako sa kanya at hinawakan siya sa kanyang kamay upang dalahin ito sa maputing buhangin ng beach. Ngumiti naman ito ng buong saya sakin at nagpadala sa aking pagtakbo. Tumatakbo kami sa dalampasigan ng beach na pinuntahan na namin noon, isang bwan bago ang aming graduation.

Kasabay ng aming pagtakbo ang walang humpay naming pagtawa. Tumatawa kami na para bang walang ano mang masamang bagay ang nangyari samin kanina...

O mas mabuting sabihing sa kanya??

Kanina, noong makita ko siyang umiiyak sa loob ng kanyang kotse, alam ko na kaagad na ang aking ina ang dahilan nun. Alam ko namang hindi niya nais si Zarren para sakin. Nalaman ko yun dahil sa ginawa nitong pagtrato noong araw ng aming pagtatapos. Halos hindi manlang niya ito kinausap o tiningnan man lang.

Hindi ko na lamang ito pinansin dahil ayoko namang mapahiya si Zarren ng dahil lang dun. Ayokong mailang sya sa harap ng aking mga kaibigan. Pinalampas ko na lamang ito dahil alam ko namang ito din ang nais na gawin ni Zarren nang mga oras na iyon.

"Ano ba kase yung regalo mo sakin at kailangang dito pa talaga sa lugar na ito??" pang-uusisa ni Zarren noong huminto na kami sa pagtakbo.

"Ano ka ba, wag ka ngang mainip!" wika ko dito sabay ngiti.

Huminga muna ako ng malalim pagkatapos ay naupo sa puting buhangin habang ang aking mga kamay ay nakapatong saking tuhod.

"Isang bwan na rin ang nakakalipas mula nung una natin itong puntahan..." sambit ko kay Zarren sabay tingin sa papalubog ng araw.

Tumango-tango ito sakin at saka naupo saking tabi at ginaya ang aking pwesto.

"Sadyang napakasaya natin nung mga oras na yun. Para bang nabunot na lahat ng tinik sating dibdib. Para bang natapos na lahat ng problema..." salaysay nito habang deretsong nakatingin sakin.

Napatingin ako sa kanya at agad naman niya akong nginitian ng buong galak ngunit, bigla ding nahaluan ng kalungkutan ang ngiti niyang iyon.

Malamang ay naalala niya ang nangyari sa kanya kanina noong kausapin siya ng aking ina.

Mula saking mga mata ay ibinaling niya ang kanyang atensyon sa papalubog ng araw.

Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko maiwasang hindi-malungkot dahil hindi niya ako kasama kanina. Hindi ko manlang sya nagawang ipagtangol sa taong nagluwal sakin sa mundong ito.

"Wala ka namang balak na bitawan ako hindi ba?" buong seryoso kong tanong sa kanya habang magkasalubong ang aking mga kilay.

Mabilis siyang napatingin sakin habang unti-unti ng binabalot ng nagbabadyang mga luha ang kanyang mga mata.

Hinawakan niya ako saking magkabilang pisngi at pilit na ngumiti.

"Nung makita kita kanina sa labas ng aking sasakyan..." sambit nito kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. "Alam ko, at naramdaman ko saking sarili na para ka sakin. Naramdaman kong dapat kitang ipaglaban kahit ano mang mangyari..."

Napatango ako dahil sa mga narinig ko mula sa kanya. Marahan kong pinunasan ang kanyang pisngi na nababasa ng kanyang luha.

"Ganun din ako." sabi ko sabay hinga ng malalim. "Hindi kita bibitawan. Mananatili ako sa tabi mo hangga't gusto mo. Hindi ako lalayo hangga't hindi mo sinasabi..."

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon