FIGHT

1.8K 39 0
                                    

CHAPTER 25: FIGHT

POINT OF VIEW: ZARREN KANG 

"Ano? Ayos ka na ba?" tanong ni Warren noong humiwalay na ako sa kanyang likod. "Oo, pasensya na." sabi ko naman habang pinupunas ang ilan pang luha sakin pisngi. Dahan-dahan itong lumingon sakin "Kamusta naman ang amoy ko ha?!" tanong nito na hindi ko naman masyadong na gets "Ano?" kako habang magkasalubong ang dalawa kong kilay. Napatawa ito. "Amoy pawis ba??" pabirong sabi nito sabay ngiti sakin. Napangiti rin ako sa kanya "Pasalamat ka, magaling maglaba ng damit yung hinerman mo niyang Jersey! Mabango pa rin kahit napawisan na..." biro ko dito at ginulo naman nito ang aking buhok. "NAMAN! WALA AKONG DALANG SUKLAY!!!" reklamo ko sa kanya habang inaayos ang aking buhok gamit ang aking kamay. Napailing naman ito sakin "Babalik na ko sa GYM." sambit nito sabay talikod! Naglakad naman ako nang mabilis sa kanyang harapan at natigilan naman s'ya "Sa GYM?! At ano na namang gagawin mo dun?!!" singhal ko. Ano?? Babalikan pa n'ya uli si Larren?? Gaganti?? Isip-bata talaga ang isang 'to kahit kelan!!! Ayaw papalamang!!! "Nandun sa locker room nila ang uniform ko 'no..." sabi nito. Napatingin naman ako sa suot n'ya "Oo nga 'no." ang aking nasabi sabay ngiti sa kanya. Nag-umpisa na s'yang maglakad papunta sa GYM at ganun din ako. Wala ng gaanong tao sa GYM nung bumalik kami, halos kalahating minuto na lang kase at tutunog na ang bell at muli ng mag-uumpisa ang klase para sa hapon. Agad niyang kinuha yung kanyang Uniform at pumasok sa C.R at agad na nagpalit. Wala pa atang 10 minuto eh nakalabas na ito ng C.R. Napatingin ako sa aking relo "12:25 na, 35 minutes na lang time na. Hindi pa tayo naglu-lunch..." sabi ko sabay tingin sa kanya. Nakauniform na s'ya ulit tulad ko. "San ba tayo kakain?" tanong nito. "First time nating maglu-lunch ng sabay sa skul!" sabi ko nung mapagtanto kong ito nga ang first time na magsasabay kami maglunch. Tila napaisip naman ito "Oo nga 'no..." sabi nito sabay ngiti sakin at pamulsa sa kanyang school pants. "Tara na sa Cafeteria at magcelebrate!!!" biro ko at napatawa naman ito. Okay, nahawa na ako sa katangahan ng isang 'to! Pagpasok palang namin sa Cafeteria, agad na kaming pinagtinginan o mas okay na sabihing agad s'yang pinagtinginan?? Bakit ba napakalakas ng appeal ng isang 'to sa mga kababaihan?? Mukha naman s'yang ewan?! "GHAD!! SI PRINCE WARREN!!! ANG GALING N'YA KANINA ANO!!!" ang tila kinikilig na sambit nung babaeng nakaupo sa lamesang nasa aming kaliwa. "Baka nakachamba ka lang..." sabi ko na narinig naman ni Warren. "Ha?" tanong nito. "Wala!!!" sabi ko naman sabay ayos ng upo. "Umorder ka na..." utos ko at napatingin naman ito na parang hindi makapaniwalang inuutusan ko s'ya. Binigyan ko naman s'ya ng isang tinging nagsasabing GO-ORDER-NA! Napailing na lang ito at agad ng pumunta dun sa counter. Sinundan naman s'ya nang tingin ng mga babaeng nakapalibot saming table. "Sila kaya?" bulong nung isa. "Baka! Kita mo naman, s'ya yung dahilan ng laro nina Prince Warren kanina!" daldal pa nung isa. "Lalaban kaya s'ya bilang Campus Princess??" tanong naman nung isa. "Oo, hinamon s'ya ni Karren hindi ba? Bawal kayang tumanggi!" sambit pa nung isa. "Ai basta ako! Si Prince Warren pa rin ang gusto kong maging Campus Prince! At ako, ako gusto ko ako ang kanyang Princess!!" kinikilig pang sabi nung isa. Ano bang meron kung ikaw ang Campus Princess?? Pshhhh, ang bababaw ng mga ito.

"Anong problema?" napatingin ako kay Warren na kababalik lang "Bakit magkasalubong yang dalawa mong kilay?" tanong pa nito. Umayos ako nang upo at kinuha mula sa kanya ang aking pagkain "Wala naman, gwapo ka daw sabi nila..." sabi ko sabay subo ng palabok. "Nila??" sabi nito sabay tingin sa paligid namin. Nakita naman n'yang nakatingin sa kanya ang lahat ng mga babae dito sa Cafeteria. "Ahhh~ masanay ka na sa kanila kapag kasama mo ko." pagyayabang nito sabay ngisi sakin. Inirapan ko lang s'ya at nagpatuloy na sa aking pagkain ng bigla namang tumunog ang isang speaker na nakalagay sa pader nitong Cafeteria.

*Announcement...Calling the Attention of all student that is interested to join Search For The Next Campus Princess and Prince, please proceed to the 1st GYM. Thank you!*

My Assassin Girl (The clash of the assassins and the gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon